REMEMBER ME THIS WAY


Wednesday, December 23, 2009

“Isang mapayapang pamamaalam”…

,,Maraming nangyare bago magpaalam ang taong 2009… bago natin salubungin ang pagdating ng taong 2010 sinalubong tayo ng mga sakuna, katulad na lamang ng bagyong ONDOY at PEPENG, at idagdag mo pa ang hindi makakalimutan na hindi makataong naganap na massacre sa Maguindanao (last Nov. 23, 2009 yun kung hindi ako nagkakamali)… kung makikita naten ang tunay na nangyare, nagmamakaawa na ang mga tao upang pakawalan sila sa kamay ng mga taong sabik sa kapangyarihan… Ang nangyaring iyon ay wari’y planadong planado… isipin niyo, ang mga babaeng biktima ay pinagsamantalahan at pinagbabaril ang mga ari ng mga ito bago tuluyang ilibing ng buhay! Nakakasuka… ang mga kahayupan ng mga taong mapag-balatkayo… sapagkat wala sa kanila ang pagiging “maka-tao”…

Sa position ko na to, wala ako magagawa kundi makiramay… makiramay sa mga naiwan ng mga naging biktima sa pamamagitan ng ganitong paraan…

Wag na natin panuorin pa ang mga naganap… mag-Move on na tayo sa nangyaring yun, wag na nating yakapin pa ang pait ng nakaraan, at hayaan na natin na tuluyan nang mamahinga ang mga napagkaitan ng buhay dahil sa mga taong sakim sa kapangyarihan… Para sa mga naghahanap ng lakas ng loob, para sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay, sa mga libu-libong tao na nawalan ng tahanan at sa mga taong mabigat ang pinapasan na krus sa buhay... hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang awit na ito...

TAKE NOTE: I searched for song and I got this from "youtube".. :D




[,,GOD is always there for us' ü]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008