REMEMBER ME THIS WAY


Tuesday, December 22, 2009

FROM THE BEGINNING

,,last january 03 1990, yun ang araw kung kailan ako ipinanganak' ang bilis pala' almost 20 years na ko nabubuhay sa mundo...

anyways, gusto mo ba malaman kung anu-ano ang mga pagkakamali at kagalingan kong ginawa sa halos 20 years kong pamumuhay... tara' :)

......simulan naten nung nasa tiyan pa lang ako ni mommy nung almost 20 years ago' at nung kapapanganak ko pa lang' hehe... siyempre hindi ko na yun natatandaan... sino ba naman makakatanda pa nun? kahit ako ang tatanungin mo hindi naman GOOGLE ang utak ko para isang search lang e andun na agad ang sagot..

.......3-7 years old' natatandaan ko' 3 years old ako nung nagkaron ako ng baby brother' pinangalanan namen siyang PATRICK - galing kina mommy at papa' at DANE - as Daniel; naisip naman un ni kuya.... na dapat "WALTER TANE" ang pangalan nya' baket? yun ay hindi ko din alam... sinalubong ko sina papa at mommy na nung araw na yun AUG 21 1993 (kung hindi ako nagkakamali') ay may dalang sanggol' bininyagan din siyang katoliko katulad ko' sa ganitong edad ko unang narinig ang message about kay God, 6 years old ako nun prep sa CVS andrea... Chapel service ang favorite subject ko' :) pumunta naman tayo sa ibang anggulo ng mga karanasan ko... naaalala ko pa nga halos puro pananakot ang ginagawa saken nun' pag may ginawa akong mali kulang na lang ibaon ako sa lupa at isiping kapag hukay saken at gusto na ko ulet ibalik ay mabubuhay pa din ako' pero wag kayong magalala...dahil yun ang bumuo sa katauhan ko' minalasakitan din naman ako pero kapag nagkamali ako kailangan matakot na ko dahil halos mabubugbog ang katawan at kaluluwa ko... naaalala ko nga' nag-bday ako ng 7 years old' ang ganda talaga parang debut ko na... hehe' pero sa dame ng taong pumunta e wala na natira pagkaen para saken dahil sa dame dame kong bisita khit mga di ko lubos kakilala, pero ayos lang ang importante msaya kameng lahat at madami pumunta para bigyan ako ng regalo, ipagsaya at i-Celebrate ang kaarawan ko... :)

........8-11 years old' ayan na' hehe... nakakapunta kame sa ibang bansa nung tym na'to... SINGAPORE- MALAYSIA, HONGKONG-CHINA at JAPAN-AMERICA' may isip na nga din ako' alm ko na ang tama at mali' pero eto yung time na naguguluhan pa din ako... kasi nagkasunod-sunod ang crisis sa buhay ko' hindi yun tungkol sa ibang tao, hindi yun dahil hindi ako pabor sa paghihiwalay ni mommy at papa, hindi yun dahil sinasaktan ako ni tita, hindi yun dahil gusto ko maging "ate" sina ate jelly, ate madel, and ate christina... at hindi yun dahil na-uUnder estimate ako ng mga tao particularly ng family ko... hindi yun tungkol sa iba, hindi yun dahil galit ako sa kanila... tungkol yun sa sarili kong pagkatao' dahil takot akong mahubog ng ibang tao ang sarili kong pagkatao' ayoko dumating sa puntong pati ang aking sarili ay isinusuka ko na dahil hindi ko na din ito kilala' kaya 8-9 years old ako nung una akong makapagsulat ng suicidal note... guys, "huwag po tularan"... nagsusulat ako sa papel ng prayer kay God na sana kunin na nya ko... na sna hayaan na nya na lisanin ko ang mundo' eto ang age ko na namumulat ako sa mga bagay na hindi pa dapat sa edad ko katulad ng: "Paano kung bigla ako mabuntis at magkaanak? Paano ko bubuhayin? Paano ako magiging mabuting magulang at asawa?" (Philippine culture ang tinutukoy ko uh')

........12-14 years old' dito ako nakahanap ng parents figure, sisters figure at FAMILY figure' FYI: hindi masama ang family ko uh' wala yun sa bokabularyo ko... hindi ko pa yun alam dahil wala pa ko sa linya nila... wla pa ko sariling pamilya' sa age ko na'to dito ako unang nagsulat ng malalalim na tula at mensahe... dito ako nagumpisang magbahagi ng meron ako sa ibang taong hindi ipinanganak na kasing palad ko... dito ako unang namulat sa kahirapan at sa katamaran... sa kabutihan at sa kasamaan... at sa kalabisan at kakulangan... dito ako unang nalayo sa katotohanan' dito lalong sinubok ang sarili kong katatagan' dito ako unang naghabol ng pagmamahal sa ibang pamilya at nagmahal ng bigay-todo sknila (special mention to LORENZANA family especially MAAM KENE)' dito ko unang natagpuan ang sarili kong kalakasan at kahinaan' kung ano at sino si "camille" bilang kaibigan, kapatid at maging isang anak...

.......15-19 years old' dito ako nag-desisyong sumuko' (special mention to GRACEYANN APUAD [ate shan] and particulary, Sentaro Soman [kuya sen]')... dito ako naligaw at muling ibinalik (not literally). dito minaliit ang edad ko nung ginusto kong tumulong ulit (di kame pinapasok sa SM dahil baka di ko daw ma-handle kc bata pa daw ako. 16 years old ako nun.) Dito ko nakilala ang mundo, kabilang na ang mga taong namumuhay dito at ang iba't ibang pananaw na malayo sa pananaw ko' d2 ako winalang hiya, tinraidor, ginago, at halos tanggalan na ng pagkakataon.. at higit sa lahat' dito ako namulat sa salitang "pagpapatawad", dito ko npatawad ang mga taong umabuso saken, kabilang na ang aking sarili' sapagkat dito ko rin unang naranasan ang kapatawaran ng isang taong nasaktan ko ng sobra; at ang kapatawaran ng nag-iisang walang ginawa saken na masama... (special mention to God'ΓΌ).....

,,sana sa mga nakakabasa neto at sa mga magbabasa pa kahit konti mabigyan ko kayo ng inspirasyon... :)

kung may isang bagay man akong gustong ituro sa lahat yun yung "pagpapatawad"... :) "FORGIVE and you will be FORGIVEN!" :)




[...Always remember this: If you don't know how to forgive, then.... you don't know how to LIVE! :D]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008