REMEMBER ME THIS WAY


Wednesday, October 1, 2008

BLOG SHOUT OUT

,,Ito ay tungkol sa blog ko… Malamang, kaya nga "blog shout out" eh’ May mga tagong dahilan sa likod ng mga pangngalan o mga salita na makikita ninyo sa blog ko, mga “unfamiliar” sa inyong mga paningin at sa inyong mga pandinig…

Unahin na natin ang website ko:

- www.reinheaven.blogspot.com

REINHEAVEN’ eto ang pinili kong link dahil ang interpretation ko dito ay “blessings from above”… Ang “blessings” ay ako at ang mga akda ko, at ang “above” ay si God siempre… kung baket naging “blessings from above” ay ito ang dahilan:

-REIN: stands for “rain” as in ulan… ginawa kong letter “E” ang letter “A” para maisunod sa pangngalan ko na “Loren”.

-HEAVEN: stands for “God” or “above”… Saan ba nanggagaling ang ulan? Di ba sa taas? Hehe…

Kaya ipinagsama ko ang dalawang combination ng dalawang salita… ito ay naging REINHEAVEN. Para ang maging interpretation ng mga malalalim mag-isip ay “blessings from above”.

BLOGSPOT.COM’ eto naman ay hindi ko na kasalanan…. Galing na yan sa pinili kong paglagyan ng blog… wala na yan sa desisyon ko kung baket naging BLOGSPOT yan… pero siyempre kahit paano ay may ideya na ako kung saan ito nanggaling na alam ko ay kayo din ay may idea na…

BLOG- ayon sa “Encarta Dictionary” dito sa scratch ko, which is MS word, ang blog ay katulad din ng weblog (web.log) na ang kahulugan ay paggawa ng diary sa net para sa mas malawakang exposure.

SPOT- lugar, posisyon o lokasyon. Katulad ng “tourist spot”, doon ay maraming dumadagsang turista.. katulad sa Boracay’

Kaya ipinagsama ang dalawang salita, BLOGSPOT na ang kahulugan ay lagayan ng blog o “diary”.

Pag-usapan naman natin ang pamagat:

"SHADOW OF IDENTITY" - ito ang title na pinili ko na malapit sa aking katauhan… (nax…) Hindi makikilala kung hindi kikilalanin…

Isa-isahin ulet natin:

SHADOW - anino… kapag ba tinitigan mo lang ang isang anino malalaman mo ba kung sino ang nagmamay-ari nito? Subukan mo… halos pare-pareho lang ang ating mga anino, madilim’ hindi mamukhaan kung sino o kaninong anino yun…

IDENTITY - ito ang nagbibigay liwanag sa isang anino. Kung ang anino ay madilim, ito ang nagbibigay liwanag dito na lagi niyang kasama kapag konting liwanag o ilaw na lamang ang iyong masusulyapan. ITO AY ANG MISMONG AKO

kapag pinagsama ito, ang magiging kahulugan ay isang malalim na katauhan. Katulad ng isang aninong ligaw na madaling husgahan sapagkat hindi lubos na kilala, sapagkat walang mukha… ngunit hindi ang anino ang mismong huhusga sa kanyang sarili, kundi ang ibang anino na magsusubok itapat ito sa araw, hanggang kanilang matagpuan ang tunay na mukha at pagkakilanlan ng aninong ito, ang tunay niyang pagkatao.

”LET THIS SHADOW BE KNOWN” – dahil nga hindi pa lubos kakilala... sana'y bigyan ng pagkakataon na ito ay tuluyang magpakilala hanggang sa tuluyang makilala...

tingnan mo ang picture ko… Yung primary picture ko uh’ bukod sa pangngalan ko na “CAMILLE” sa itaas ng picture ko, ay may mababasa ka sa ibaba nito… at ito yun:

”IT IS THE PRINCIPLES THAT MOLD THE REALITY!”
------yun ang “bottom line” ko sa mga isinusulat ko… Hindi ko alam kung tama ba o mali ang mga pinaniniwalaan ko… pero katulad nga sa entry ko na PERCEPTIONS, ang gagawa ng realidad ay ang tao mismo’ batay sa pinaniniwalaan nito. Ang mga isinulat ko sa mga entry ko ay simpleng salita lamang na pinagsama-sama hanggang makabuo ng malalalim na kahulugan…


,,oh ayan… at least may ideya kayo sa binabasa niyo di ba?..


Eto pa: sinulat ko toh’ etong binabasa niyo ngayon na BLOG SHOUT OUT” ng FEBRAURY 4, 2010 (WED.) pero sa post ko, papalitan ko ang date, gagawin kong mas advance ko sinulat para mauna siya sa lahat ng posts. Kung hindi mo maintindihan kung baket siya dapat mauna ay wag mo na intindihin, okei… LOGIC ko yun’ share ko lang sa’yo para maging open ang relationship naten.. walang lokohan at gaguhan… :D

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008