REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, February 25, 2010

Sanhi ng kahirapan...

Maraming mahihirap dahil maraming nagnanakaw, kahit ang mga may kapangyarihan na nasa itaas ay nagiging parte ng korupsyon... Sa bagay, kahit nga mahirap sa mahirap at mayaman sa mayaman ay nagnanakawan eh. Kaya ang katapusan ay halos malunod ang bansa sa kahirapan' -yun ang sabi nila, na may kahirapan dahil may mga nagnanakaw. Kaya kung wala daw nagnanakaw ay walang mahihirap.

Pero ito ang obserbasyon ko bilang isang mamamayan:

May mga taong nagnanakaw dahil may mga taong tamad, at dahil sa KATAMARAN ay may KAHIRAPAN. May nagsabi sa akin date na ang mga mahihirap ang nagnanakaw sa mayayaman, bagama't katulad ng isang pulubi, hindi ito maaaring makapanglimos at makapagnakaw sa kapwa niya pulubi dahil wala din itong kaunlaran sa buhay... Dati yon, pero ngayon hindi na... Kapwa mahihirap ay nagnanakawan' edi lalo na ang kapwa may mga kaya o mga mayayaman. Palala na talag ng palala ang ating mundo... Puro pangungupit, puro pagnanakaw bunga ng katamaran. Parang mga sindikato din yan, ninanakawan ang mga taong nagsusumikap, at ng panahon ang mga musmos na pinilit basagin ng maaga ang ka-inosentihan at upang mahinog ang kanilang kamuwangan.

Ang problema sa mga taong may saket na hindi mapigilang magnakaw, o mga taong kung tawagin ay kleptomaniac ay madali lamang solusyunan dahil konti lamang sila at iyon ay isang saket sa pagiisip. Ngunit ang mahirap solusyunan o aksyonan ay ang pagnanakaw ng dahil sa taglay na katamaran... Dahil hindi ito matutupok nang walang sapat na pakikiagtulungan. Hindi saket yun, kundi desisyon. Isang maling desisyon sa buhay na parang anay na kayang tumupok ng isang magandang tahanan.


Maraming nagnanakaw nang dahil sa kahirapan at may kahirapan nang dahil sa katamaran... Kung babaligtarin, may kahirapan dahil may mga taong nagnanakaw at may mga taong nagnanakaw dahil may mga taong piniling maging tamad. Samakatuwid, ang kaunlaran ay maaabot lamang ng mga taong piniling magsumikap. Kung ating iisipin, ganun din ang kahirapan na maaaring kabagsakan hindi dahil sa kahinaan o sa kabobohan... WALANG TAONG BOBO... TAMAD meron...

Hindi mahirap tapusin ang kahirapan, kung walang magnanakaw o nagnanakaw, at hindi rin mahirap tupukin ang pagnanakaw kung walang katamaran. Hindi na pananagutan ng ating magiging o tinanghal na presidente, maging ang mga tauhan nito o kahit pa ang kung sinu-sino kung anuman ang desisyon ng bawat tao, ang desisyong maging masipag o maging tamad... Hindi lahat ng bagay ay nasa kanilang mga kamay. Sa pagkakataong ito, desisyon natin bilang isa sa mga kasapi sa tinatawag na "mamamayan" ang kinakailangan... ang hinihintay.

[,,Piliin natin ang KASIPAGAN, piliin natin ang KAUNLARAN... ΓΌ]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008