REMEMBER ME THIS WAY


Tuesday, April 6, 2010

Invisibility

Sino bang tao ang walang problema?

Sino bang tao ang walang ipinapasan?



,,LAHAT ng tao ay may paghihirap sa buhay, kahit na ang mga mayayaman o mga nagmamayaman ay may malaking pasanin na hindi lahat ay ating nalalaman sapagkat hindi sila masasabing bukas na libro o ang tinatawag na Open Book sa ingles. Ito ay nangangahulugang hindi lahat ay nararapat nila at natin ipaalam, katulad na lamang ng pagtatae sa kubeta habang may almuranas ka, hindi mo na kailangan pang sabihin sa buong mundo na hirap kang tumae o na nagtatae ka… Dahil masakit malaman at marinig mula sa tao na hindi na nila problema yun… dumugo man ang puwet mo, problema mo na yun!

Marahil, ganun ang nasaksihan ko… na madurog man ang puso mo ngunit gayun pa man, wala nang kinalaman jan ang aso mo kahit binansagan pa itong MAN’S BESTFRIEND. Kahit umiyak ka pa ng dugo, o kahit halos ipako ka na rin sa krus dahil sa paghihirap mo, hindi na yan pananagutan ng kapitbahay mo… Siguro ang magagawa lang ng kapitbahay mo ay tulungan ka ng pahapyaw… yung tipong bibigyan ka niya ng sentimo pag nagkulang ka ng piso, papautangin ka niya ng sampung piso para may pantapal ka sa tiyan mong naaagnas na sa gutom, o idadaan na lamang sa napaka mabag-baging salita at sermon, o kung hindi naman puwede rin niyang itsismis ang nangyayare sayo at ipaalam sa iba pang kapitbahay na naghihirap ka na… (It doesn’t focus on FINANCIAL, this is GENERAL sufferings)’ pero NEVER ka niyang matutulungan ng buong-buo upang makaahon sa putik na pinaglalagyan mo… Hindi ka niya bibigyan ng isang milyon o kahit kalahating milyon para makapag-simula ka ulet, hindi ka niya maaaring kupkupin at itira sa sarili nilang bahay’ ang gagawin lamang niya ay bibigyan ka lang ng tulong na tuldok o katiting, at yung iba ay ikaw na ang bahalang gumawa at maghanap kung saang sulok mo ng mundo hahanapin… Ikaw na ang bahalang magpigil ng dugo at magpunan ng dugo na nawawala sa’yo sa tuwing dinudugo ang utak at kalamnan mo sa paghihirap. Kaya kung ginugusto mo na humingi ng tulong sa mga isda, kabayo, baboy-ramo o kung anu pang hayop, halaman, bagay, o kapwa mo tao na maaaring masulyapan ng mga mata mo, huwag mo nang subukang hingin pa sa kanila ang tulong na buung-buo SAPAGKAT IKAW AT ANG DIYOS LAMANG ANG MAAARING MAKATULONG SAYO NG BUO…



,,Kahit simpleng bagay lang ang maaaring maitulong sa atin ng iba, malaking bagay na din ang magagawa nito kahit pa sa pamamagitan ng mga simpleng salita lamang… Eto ang mga linyang hinding-hindi ko makakalimutan na sinabi sa akin ng mga tao noong kasagsagan ng mga madilim na panaginip ko o ang tinatawag na mga bangungot:

-“MASAYA ANG BUHAY Camille, just learn to appreciate simple things around you especially friends like us”.

-“Okei lang na malungkot ka paminsan-minsan pero maging masaya ka pa rin, huwag mong alisin sa sarili mo ang karapatang maging masaya, KARAPATAN mo yun eh’ deserving kang maging masaya”.

-“Maging kuntento ka kung anung meron ka, wag mong ikumpara ang buhay mo sa iba… Magiging masaya ka lang kapag natuto kang makuntento”.

-“Alamin mo muna ang mga magpapasaya sayo at gawin mo, pasayahin mo muna sarili mo bago mo piliting mapasaya ang ibang tao”.

-“Sana mas maging matured ka pa at mabuhay ka hindi lang para sa ibang tao, para din sa sarili mo”.

-“Kahit hindi ka na namin madalas nakikita kaibigan mo pa din kame… hindi ka namin makakalimutan”.

-“Masarap mabuhay sa mundo nang wala kang hinanakit kaninuman!”

-“Lumapit ka sa Diyos, kilalanin mo siya. Siya lang ang makakatulong sayo hindi ang mga tao. Sana sa kanya ka ma-obsess huwag sa tao”.

-“Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan si God para sayo. God loves you Camille! Be happy!”

Maraming salamat sa inyong lahat!üüü




,,Samakatuwid, gaanu pa man katindi ang kalungkutan at paghihirap mo ay hindi mo ito maaaring mapaunawa sa mga taong nakapaligid sayo maski tuluyan ka nang maubusan ng dugo… Sapagkat sa kabila ng lahat, ang Diyos at ang sarili mo lamang ang puwedeng makatulong sayo sa lahat ng paghihirap mo’ ü

[,,God is more than enough… ♥♥♥]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008