REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, June 13, 2010

The GAMBLE of LIFE

“Gamble” o sugal… kapag naririnig ito ng iba, ang pumapasok sa isip nila PERA,
Pagbabaka-sakali na manalo… pagtaya, at bukod sa mga nabanggit...
Hindi maiiwasan na hindi isipin ng karamihan na,
NA ang pagsusugal ay ibang salita lamang ng paglulustay ng pera…

Ngunit… sa realidad, ang pagsusugal ay isang BUHAY…

Kung saan,
Hindi lamang ang pera ang maaari mong itaya,
Ngunit pati ang KINABUKASAN.


Simula sa mga lumang taon, mabilis na lumilipas ang panahon...
At ngayon, malapet na ko grumaduate ng KOLEHIYO,
malapet na ko gumawa ng isang napaka-BIGAT na DESISYON
na maaaring bumago ng kinabukasan...

Katulad ng mga nakasanayan, mahirap mamili...
Mahirap MAG-DESISYON, lalo na kung sa isang desisyon,
isang KINABUKASAN na din ang nakataya,
ang maaaring maapektuhan...
sa mga positibo, maaaring mas maging MAINAM sa mga nakaraan,
at sa mga medyo negatibo ang pananaw sa buhay, MASIRA…
masira dahil sa kung tawagin nila ay:
MALING DESISYON...

Paano nga ba nagiging mali ang isang DESISYON?

Dahil ba nasaktan ka?
Dahil ba nakasakit ka?
O dahil nag-DESISYON ka ng isang bagay na
HINDI MO KAYANG PANINDIGAN?

Sabi nga ni BOB ONG,
“Walang maling desisyon, nagiging mali lamang ang isang desisyon
kapag hindi ito nagawang PANINDIGAN!”

Ang SUGAL NG BUHAY, hindi yan katulad ng TONGITS,
o ng SABONG na maaari kang maihatid sa dalawang kapalaran...
sa LUMILIYAB NA KABIGUAN
o sa NAGBABAGANG TAGUMPAY...

Dahil sa SUGAL NG BUHAY,
wala kang talo...
basta may PANINIDIGAN ka sa mga NAPAG-DESISYUNAN mo.

Ang magpapatalo lamang sayo ay ang pagpapabaya
sa mga taong nakapaligid sayo na
diktahan ka sa dapat mong maging desisyon
dahil sa huli,
IKAW LANG ANG NAKAKAALAM KUNG ANUNG TUNAY NA IKALILIGAYA MO...

Hindi makikita sa tao kung gaano ka niya KAMAHAL
dahil sa kung gaano ka nya gustong makasama...
kundi, sa kagustuhan niyang PALAYAIN KA gaano man kasaket,
upang tuluyan kang MABUO, at tuluyang LUMIGAYA!


Para sa mga nakakaalam ng binabalak kong DESISYON,
Hindi niyo lang alam kung gaano ako katakot na magkaroon ng parehong pagkakamali...
Ngunit, alam ko ang ginagawa ko.
Namulat ako sa durug na pamilya,
at naghihingalong pagkatao...
NAGHIHINGALO na dapat magpaggaling nang nag-iisa...
sa sarili nito... masaklap...

Kaya, sa pagkakataon na ako naman ang bubuo ng tahanan,
GUSTO KONG ITAMA ANG LAHAT NG MGA NAGING KAMALIAN...

Habang pinapanuod ko ang mga pagkakamali ng iba,
nagkaroon ako ng kamuwangan na
Hindi makikilala ng kapwa mag-asawa ang isa’t isa,
hangga't hindi sila naninirahan sa iisang tahanan...


alam kong hindi ganun kadali... lalo na sa isang magulang na
tuluyang bigyang-laya ang kanyang anak at hayaang magkamali...
Ngunit, kahit ang fetus na kanilang ibinuo
sa loob ng sinapupunan ng isang nagdadalang-tao,
sa loob ng siyam na buwan na hindi magtatagal ay kailangan din nila itong ILUWAL...

katulad ng isang tao na hindi magtatagal ay kailangang MABIGYANG-LAYA,
upang mabuo... upang lumigaya... at upang maging ganap...
maging isang GANAP NA TAO.


Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008