REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, July 18, 2010

MAY HANGGANAN

”Siya na ang pinaka mabait na taong nakilala ko!”


Minsan ko na din nasabi ang ganito sa isang tao,
Hindi lang pala MINSAN, sa katunayan ay MADALAS… At madalas ay sa bago ko pa lamang nakikilala… Nasasabi ko sa aking sarili na napaka bait niya, at marahil, siya na ang pinaka mabait na taong nakilala at maaari kong makilala…
Pero, sa katagalan ng aming samahan, sa katagalan ng aming pagsasama ay nasasabi ko din sa huli na may katapusan din pala... ang lahat ay may katapusan.

Nasasabi ko ang mga bagay na ito dahil sa kadalasan kong naririnig mula sa mga taong nakakasalamuha ko, ang mga salitang ito:
”Huwag kang masyadong mabait! at yung iba ay hindi pa talaga nakukuntento, talagang hindi papaawat, may kasunod pa, ”Ilagay mo sa lugar!”, naiisip ko nga minsan na siguro nahihiya lang yung iba na sabihin ang salitang masakit sa bangs (hahaha... natawa ako bigla'), na kung minsan naman ay totoo… ”Huwag kang TANGA!”

Sinasabi ko ito ngayon, hindi para ipakita na talagang mabait ako… wala sa BOKABULARYO ko ang magbait-baitan’ pero, marunong akong tumahimik sa taong patuloy na nagsasalita ng pabor man o laban sa akin, marunong akong tumahimik at magbigay ng respeto sa taong walang ibang alam gawin kundi ang mang-gago, marunong akong tumahimik at making sa mga taong patuloy nilang ibinibida ang sarili nilang kahusayan, ang mga taong patuloy na ninanais pagsigawan na sila ay nagtataglay ng pambihirang kalakasan… Sa pagkakataong iyon, marunong akong TUMAHIMIK, sapagkat marunong akong UMUNAWA.

May nagsabi na din sa akin ng salita na kabaligtaran ng mas naunang salita:
”Napaka sama mo naman!!!"

-Ito lamang ay nangangahulugan na kaya kong maging masama kung gaano man ako kabait, at kaya kong maging mabait kung gaano man ako ka-sama. Sapagkat, kahit anu pang bait ng isang tao, kahit pa ang pinaka mabait na tao dito sa mundo ay kaya rin gumawa ng masama, hindi dahil plastic sila at nahuli lamang ang paglabas ng kanilang totoong kulay, at hindi rin dahil likas na sa kanila ang kasamaan, ngunit marahil dahil tao lamang din sila, at bilang isa sa mga kasapi ng pagiging tao, may hangganan din sila, MAY HANGGANAN DIN AKO. Mulat ako sa katotohanan na hindi ko maplea-please lahat ng tao, ngunit gayun pa man, hindi pa din ito sapat upang hayaan ko na lamang na kagalitan ako ng sinuman. Marunong akong magpahalaga, maski pa ang taong hindi karapat-dapat na pahalagahan, ngunit dumarating din ako sa puntong minsan ay nagkakamali, minsan ay naiinis, nagagalit at napupuno hanggang masabi ko sa aking sarili na: ”Konti na lang, wala na akong pake kung may masasaktan!”, isa pa dumarating din ako sa puntong parang gusto kong pagsigawan sa mga taong mapang-abuso ng kabaitan na isa din akong tao, isang taong hindi manhid, isang taong marunong makaramdam… Isang taong marunong masaktan... Hindi ako bayani, hindi pa patay ang aking emosyon, at hanggang ngayon katulad mo pa din ako, "isang tao". pero, dahil sa ayaw kong magkasakitan, titiisin ko hanggang kaya ko pa, pero gusto ko lang ipaalala na MAY HANGGANAN DIN ANG LAHAT, gustuhin ko man o ayawan ko man, ito ang totoo, ito pa din ang kalalabasan: MAY HANGGANAN DIN AKO, sapagkat isa lamang din akong tao...


Isinulat ko ito para sa mga taong mapang-abuso at sa mga tao na madalas ay inaabuso dahil sa kanilang kabaitan, ang kabaitan at ang katahimikan na itinuturing ng iba bilang isa sa kanilang mga kahinaan... Sa puntong ito, nais kong isiwalat sa inyo na kailanman ay hindi ko itinuring bilang isa sa mga pamamaraan ng paglaban ang “paghamak ng tao”, ang pagiiskandalo, at gayun din ang pagkalog at pagbasag ng pagkatao nito, sapagkat sa sarili kong opinion na labas sa sinuman, yun ay isang uri ng pamumuhay na walang katuturan. Nais kong banggitin sa pagkakataong ito ang salitang RESPETO, sapagkat gaano man kabait ang sinuman, pag ito ay nasagad sa kanyang hangganan ay maaari din umabot ang lahat sa masaklap na katapusan.




[,,Isa sa mga pinaka kinatatakutan ko ay maging isang masama, dahil sa mga taong mapang-abuso ng kabaitan, dahil sa mga taong piniling maging ganap na masasama...]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


2 comments:

  1. alam mo ba ganyan din ang gustong sabihin sa mga taong umaabuso sa kabaitan..

    ReplyDelete
  2. ,,so true! thanks for that comment! :)

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008