REMEMBER ME THIS WAY


Monday, August 23, 2010

kapalaran (kuwentong pang-blog')

Saan ba tayo nanggaling?
Saan ba tayo naka-apak?
Saan ba tayo patungo?


Liban sa kawalan (wala), at sa Panginoon,
tayo ang nanggaling sa NAKARAAN,
upang mahubog sa KASALUKUYAN,
at humulma sa KINABUKASAN.

Nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan...
Bagama't, ang NAKARAAN ay matagal nang namayapa,
ngunit sa aking mga ala-ala ay hindi pa din ito tuluyang nawawala...

patuloy pa ring nananahan sa aking kalooban
ang dating bigat na nadarama,
ang dating pagdurusa,
ang mga hinanakit, sugat, at pasakit...
na para bang wala nang naghihintay na pag-asa mula sa langit.

Sinubukan kong lumisan sa dating kasalukuyan (letting go),
labanan ang pait ng nakaraan na dala ng kapalaran,
upang mai-salba ang "puno ng pangarap" na kinabukasan...
ngunit, hindi ako nagtagumpay sa aking pag-lisan
na marahil ay di pa kaloob ng maykapal,
ngunit halos araw-araw akong nagdarasal
sa pagdating ng tamang panahon na hindi magtatagal.


Kailanman ay hindi ako nawalan ng utang na loob
sa mga naging bahagi ng aking masaya, magulo, at masalimuot na pamumuhay...
kailanman ay hindi ko sila ninais na iwanan, o ang sinuman,
kundi ang sundin lamang ang laman ng aking puso
na humayo at magpakalayu-layo,
hanggang mawala sa landasin ang madilim na anino ng nakaraan,
upang tuluyang mahilom ang pusong nag-aagaw buhay.



Ayokong mang-iwan,
ayokong maiwan,
ayokong masaktan,
ayokong may masaktan...
Ang gusto ko lamang ay:


Ituloy ang aking laban...
sapagkat, GUSTO KONG MABUHAY.






Iba pang may kinalaman:
si SULAT, si BLOG, at si AKO... PINAG-ISA!



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008