REMEMBER ME THIS WAY


Monday, August 30, 2010

Sana ganun lang kadali... ♥

Mahirap, Masalimuot, Masaklap…

Pero, sana ganun lang kadali,
Matulog ng gabi na walang sugat mula sa nakaraan,
Sana ganun lang kadali,
Na ipikit ang mga mata at mangarap kinabukasan…
Sana ganun lang kadali
na pagkatapos ma-damage ang halos buo kong katauhan,
na pati ang pagkababae ko ay namantyahan,
sana ganun lang kadali
na pagkatapos tumagos hanggang sa kaluluwa ang mga nangyare sa nakaraan,
sana ganun lang kadali…

Sana ganun lang kadali…

Sana ganoon lang kadali na kalimutan ang lahat,
Na mag-move on sa masasalimuot na nakaraan…
Na muling magtiwala…
Sana…
Sana ganun lang kadali,
Na harapin ang mundo na parang walang nangyari…

Sana ganun lang kadali…

Pero, alam nating lahat na hindi…
Na hindi ganun kadali…
Hindi ganun kadaling mabuhay na muli…
Hindi ganun kadaling magpatawad habang walang mapaglagyan ang galit…
Pero sana, sana ganun lang kadali…

NANGYARI NA ANG NANGYARI,
Alam ko na alam niyo…
At alam kong alam din ng iba,
Dahil, alam ko din…
Kaya hinihiling ko araw-araw na sana ganun lang kadali…
na muling makita ang mga naging bahagi ng iyong nakaraan,
ang mga naging bahagi ng masasalimuot mong karanasan…
na dito manirahan…
Sana ganun lang kadali,
na makakilala ng iba na may kaugnayan sa nakalipas na,
at OO, muling binubuksan ang mga sugat ng kahapon…
Napaka sakit…
Lalo akong napupuno ng galit, maging ng hinanakit…

Mahirap, Masalimuot, Masaklap…
Dahil, HINDI GANUN KADALI…


Sana lang talaga may kung sinuman na mailipad ako sa himpapawid,
Malayo sa nakaraan,
Malayo sa realidad…
Kung saan, malaya akong mabubuhay…
Dahil kung meron man,
itataya ko ang kinabukasan
lumigaya lang, kahit minsan lang…

Sana, bago ako husgahan,
Masubukan niyo muna maging ako…
Subukan niyo muna manggaling sa pinanggalingan ko…
OO, may mga tao pang mas masasaklap ang mga napagdaanan,
at pinagdadaanan kaysa saken,
pero ako, nangangarap at umaasa ako,
na darating pa ang BUKAS na magbabago pa ang buhay ko…
huwag niyo na akong ikumpara sa kanila,
dahil ako, gusto kong umasenso,
bago ko man lang tuluyang lisanin ang mundo…

SANA GANUN LANG KADALI




[ ,,araw-araw at gabi-gabi akong pinapatay, makapag-move on lang… kung alam niyo lang... :(( ]




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008