REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, December 30, 2010

Isang kaarawan... Isang araw ng Pasasalamat. ^_^



CHECK THE DATE:
|
|
|
December 30, 2010


Tatlong araw na lang nanaman… Lagpas na nun ang new year, at maliban sa nalalapit na pasukan, darating nanaman ang araw ng aking kaarawan ---Ang Araw ng PASASALAMAT. :)

Ilang buwan na ang nakakalipas nang naghanda ako ng post para sa araw na yon… isang napaka habang post na di ko pa pinublish, at parang wala na ko balak na i-publish kaya ko ito sinusulat ngayon… Bakit? Kase naman, halos pati ang namatay naming aso na si dogs (pangalan ng aso) ay muntik ko nang pinasalamatan… napaka haba na kahit AKO na siyang gumawa ay tinatamad na magbasa… T.T

Well, eto ay maikli lang… :) Hindi ko na iisa-isahin ang mga pangalan o mga grupo niyo, o mga pinagmulan… Alam niyo na yun. Hindi na kailangan sabihin o banggitin pa.

Sa bente uno, dalawampu’t isa, o twenty one (21) na mga taon na andito ako sa ating mundo na ating dinatnan bilang isang napaka-laking tahanan, isa lang ang gusto kong ibigay sa inyo sa pamamagitan ng post na ito: ANG PASASALAMAT…


SALAMAT sa mga magiging bahagi pa ng buhay ko, at naging bahagi na ng buhay ko na kahit na minsan ay tinuring akong kapamilya o kaibigan, bago naging kaaway (kung naging kaaway man)… SALAMAT.

Di ko na patatagalin at pahahabain pa ang mensahe na ito dahil kahit anu pang haba ng masabi ko, di pa din ito magiging sapat upang mai-hatid ko sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat. Kahit papaano, kahit sa simpleng paraan lang na ito, gusto kong ipaalam sa bawat tao na nakasalamuha ko, kahit ang mga tao na nadaanan lang ako minsan, at maging sa'yo mambabasa na lahat kayo ay iisa... dahil lahat kayo ay binigyan ako ng madaming dahilan para pangarapin ang masaya, at maunlad na pamumuhay… TINURUAN NIYO AKONG MABUHAY.


Napaka buti ng Diyos... dahil sa dami ng tao dito sa mundo,
NAKILALA KO KAYO.



Pen name: Cammie Lhorie



Sa isang napaka-ikling post na ito, gusto kong ibigay ang isang WALANG HANGGANG PASASALAMAT para sa pagiging bahagi ng buhay na MINSAN lang madaratnan.

SALAMAT... ng walang hanggan.









Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008