REMEMBER ME THIS WAY


Tuesday, December 21, 2010

Isang regalo ngayong Pasko

Apat na araw na lang, Pasko na naman... pero, katulad ng ilang nakaraang Pasko simula noong taong 2004, parang ordinaryong araw na lang ang mga araw na malalapit sa pagdiriwang ng Pasko... Hindi na katulad noon ang simoy ng hangin, hindi ko na pinananabikan ang pagdating ni Santa Claus pati ang mga kasama niyang Reindeer, at mga dala-dalang regalo. Halos wala na din akong natatanggap na pamasko, maski perang pang-aguinaldo at sa halip, ako pa ang nagbibigay, ang nagagastusan... Napansin ko ang mabilis na pagbabago simula sa mga naunang Pasko, at sa mga kailan lamang na Pasko na parang nagpapa-alala sa mabilis na pag-andar ng panahon... Kasabay ng pag-tanda ng mga kailan lang ay bata...

Ngunit, sa tuwing nadarama ko ang pangungulila, katulad ng isang bata ay nakakabuo ako ng katang-isip lamang ng mga inosenteng kabataan... Ngunit, gayun pa man, pinapangarap ko din na buhayin ang dating katang-isip na nananahan sa bawat isipan ng bawat kabataan, at maski hindi na ako lubos na maituturing na bata, ngayon ko pinapangarap na sana ay totoo ang dati kong naririnig tuwing sasapit ang Pasko, ang inaabangan ng bawat musmos upang bigyan sila ng mga gusto nilang regalo... ang pagdating ni Santa Claus. Ngayong Pasko, ngayon ko ginugusto na ilagay sa realidad ang kanyang pagkaka-kilanlan na sa wakas ay maabutan niya ako ng isang regalo, bigyan ng isang kahilingang magkaka-totoo, upang tuluyang maibsan ang aking pangungulila ngayong Pasko, at maging sa darating pang ilang buwan... Sana mabuhay siyang muli at magpakita ngayon sa aking harapan, at kanyang ibigay ang ninanais kong regalo na walang kapantay...




Na... Sana, Sana andito SIYA.


Dedicated to: Mr. Orville Bahia, and to the MOST HIGH CELEBRANT.


...Pero, sa kabila ng aming magkalayong RELASYON, pina-realize saken ng ating celebrant na ang magka-relasyon sa long distance relationship ay parang relasyon din ng Diyos sa tao, at ng tao sa Diyos, na marahil ay magkalayo sa aspeto na hindi natin nakikita, nahahawakan at nakakasama physically, ngunit gayun pa man, patuloy parin niya tayong naaalala, pinapahalagahan at minamahal katulad naten sa kanya, lalo na sa tuwing sasapit ang Pasko... Kaya, anu pa man at gaano pa man kalayo ang aming pagkaka-layo ngunit mananatili pa ding masaya at makabuluhan ang Pasko, sapagkat sa Dakilang nagbibigay ng tunay na kahulugan nito... Marahil, hindi man ito ang TUNAY niyang kaarawan, gayun pa man, hayaan niyo akong MAKI-ISA sa paggunita ng kanyang kapanganakan sa araw na ating kinamalayan (Disyembre 25)...

★Merry★ 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
•。★Christmas★ 。* 。
° 。 ° ˚* _Π_____*。*˚
˚ ˛ •˛•*/______/~\。˚ ˚ ˛
˚ ˛ •˛• | 田田|門| ˚'­ ­

˜*•. ˜”*°•.˜”*°••°*”˜.•°*”˜ .•*˜
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ And a Blessed New year to all!!! Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
˜*•. ˜”*°•.˜”*°••°*”˜.•°*”˜ .•*˜

*Sorry for the late edit.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008