REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, December 9, 2010

My Confession... ♥

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan…


Naisip ko lang… kapag nagsusulat ako, para bang SUICIDAL NOTE ang lageng laman ng mga sinusulat ko…
Napaka dry ng emotions, napaka saklap, parang lageng may problema, parang napaka negative at higit sa lahat patay na pangyayare na ang madalas na laman… puro nakaraan… walang kuwenta.


Noong elementarya ako, naisip ko “ok lang kahit ano pang maging trato saken sa ngayon. Tutal mga bata pa kame, magbabago din ang lahat pag tapak ko ng high school” at nung naging high school ako, naulit ulet ang “thought” ko noong elementary pa lang ako… naisip ko ulet “ok lang yan magbabago din ang college life ko”, at ngayon na malapit na akong matapos ng college parang wala na ata akong panibagong lakas para sabihing “ok lang yan… magbabago pa ang working life ko, at magiging successful din ako sa marriage life ko.” Kase, umasa na ako ng paulit-ulit, nabigo na ako ng paulit-ulit… Sinalo ko na ang lahat ng hinanakit na ang dapat ko daw na ginawa sa simula pa lang ay BINATO SA KANILA ng mas doble pa para man lang maranasan nila kung gaano kasakit… paulit ulit na ako nagtanga-tangahan na para bang walang puso na marunong makaramdam, paulit ulit na ako nagpabaya na tratuhin akong hindi kapantay ng isang “ordinaryong tao”, paulit-ulit ko nang napabayaan na saktan ako ng todo. pero ngayon, wala na… nangyare na, tapos na!

Masyado nang hindi naging PATAS sakin ang laro ng buhay, dahil din sa sarili kong kakulangan at kapabayaan… NAPABAYAAN KO SILA na hindi ako igalang, at higit sa lahat, NAPABAYAAN KO ANG SARILI KO na dapat ko sanang iginalang, inalagaan at minahal…

Kinailangan ko pang masampal ng mga salita na NAKASAKIT SAKEN ng sobra… Dahilan para matuto akong LUMABAN sa masaklap na biro ng buhay…


“Huwag kang magpapadala sa buhay ng iba dahil lalamunin ka ng buhay ng buhay.”

“Hindi ka na natututo, nagpapa-api ka pa din.”

“Walang magmamahal at lalaban para sa’yo kundi ang SARILI mo mismo.”
~Orville Bahia




Ang mas kinasasakit ko ay ang malaman na gustuhin man o hindi nararapat pa din na lumaban ng kabastusan, kawalang-hiyaan, katarantaduhin ditto sa mundong ito para lamang makamit ng ganap ang karapatan na TRATUHIN NG PATAS… kalianman, hindi ko ito ginusto na gawin ngunit madalas, ang paglaban sa ganitong paraan ay isang mabigat na katunayan na minamahal mo ang iyong sariling katauhan kaya di mo hahayaan na ikaw ay mabastos, alilain, pagiwanan, at tuluyang tanggalan ng RESPETO ninuman…

Alam ng mga kaibigan at naging kaibigan ko na lahat sila ay nirespeto ko, sinamahan, tinulungan, at minahal sa kabila ng pagiging ILANG ko sa tao, sa kabila ng mga naging TRAUMA ko sa buhay na umepekto ng sobra sa kakayahan kong makisama at makipagkapwa tao na alam ko rin na para sa iba ito ay pawang mahirap maunawaan… Sa sarili ko, alam ko na ginawa ko ang lahat upang maging PATAS kahit pa sa kabila noon ay HINDI KO NARANASAN NA TRATUHIN NG PATAS… Yun ang pinaka malungkot, masakit at masaklap na parte ng buhay ko na sa tingin ko, ang mamuhay ng may marupok na pagrespeto at pagmamahal mula sa mga taong binigyan ko neto ng todo-todo… sa puntong halos wala na akong natitira pa para sa sarili ko.

Marahil, masyado akong naging “abala” sa pagiisip at paggawa kung paano ako maaalala ng mga tao pag tuluyan ko na ring nilisan ang mundo… Di ko na napansin ung pagte-“take advantage” ng ibang tao dahil sa kahinaan ko. NAPABAYAAN KO SILA na alipinin ako katulad na din ng sinabi ni Mr. Orville Bahia. Gayun pa man, gusto ko ring maalala ako ng mundo bilang isang taong piniling lumaban kahit pa mawalan na ng mga tinuring na kaibigan upang makamit ang karapatan na mabuhay sa mundo nang may respeto at pagmamahal mula sa mga taong tinuring ko din ng tapat at patas.




Dito na magsisimula ang laban.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008