REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, February 4, 2010

PERCEPTIONS

,,Maraming pananaw sa mundo… maraming paniniwala’ minsan, hindi na naten alam kung anu ang katotohanan sa kabila ng mga kasinungalingan, dahil ang pagitan ng “katotohanan” at “kasinungalingan” ay katumbas lamang ng isang hibla ng buhok… ibig sabihin hindi ito nagkakalayo katulad na lamang ng “kabutihan” sa “kasamaan”, at "kasamaan" sa "kabutihan"…
Katulad nga ng sinabi ko, at lage kong sinasabe, maraming paniniwala sa mundo, maraming kasabihan na madalas ay hindi na maabsorb ng utak naten dahil sa sobrang dame, at ang matindi ay iba-iba pa ito… sa puntong kahit sinong henyo ay hindi na maintindihan kung alin bang impormasyon ang dapat paniwalaan… kung alin pang impormasyon ang nagsasabi ng katotohanan…
Katulad na lamang ng mga sumusunod na galing sa pag-aaral ng siyensya:

---Ang Divine Creation theory at ang Spontaneous Generation Theory.

1.) Divine creation theory – Ang tao ay nagmumula sa Diyos.
2.) Spontaneous generation theory – (kilala din bilang equivocal generation) ang buhay ay nanggagaling sa “non-living things” o sa mga bagay na walang buhay liban sa buto, itlog at magulang.

Bukod sa dalawang ito ay marami pang paniniwala na nanggaling sa syensya, sa tao at sa religion na may iba’t-ibang pananaw at kanya-kanyang paniniwala… Katulad na nga lang ng isa pang paniniwala sa Religion na ang buhay ay nanggaling sa wala… kaya kapag ito (daw) ay namatay katulad ng isang tao ay napupunta rin ito sa wala… ayon nga sa isa pang paniniwala ay “walang langit at impiyerno”, na ang paniniwalang ito ay may kalaban din na ang tao ay “nagmumula sa Diyos na lumikha” (maaaring ito ay lumang tipan na si “alah” o ang bagong tipan na ang Diyos na ama ni “Jesus Christ” o "Hesu Kristo"… ito naman ang paniniwala na nagsasabi na may pinanggagalingan ang tao at may pinupuntahan ito kapag tuluyan nang nagpaalam sa buhay bilang mortal dito sa mundo.

Naaalala ko nung may nagtanung sa akin ng ganito (2008 Christmas season):

“Sa tingin mo ba Malaya ka na?”

-----Nanggaling ito sa taong hindi naniniwala sa Diyos, walang pasko, walang Diyos kaya naman para sa kanya ay MALAYA NA SIYA dahil ni hindi siya naniniwala sa kasalanan, at maging sa langit at impiyerno…

Bukod sa kanya, may mga tao din akong nakasalamuha na naniniwala sa Diyos pero gustung panghawakan kung anuman ang nakikita nila, ibig sabihin, gusto nilang maniwala sa meron. Katulad ng mga santu-santo gaya ng black nazarene, naniniwala din sa pagdarasal ng rosary, at pati nga yung iba ay sinasamba pati mga puno, letrato, tao kagaya ni Jose Rizal at mga hayop kagaya ng aso, unggoy, at kalabaw.

-----------------Sinasabi ko ito para i-relate sa mababaw na bagay na magagamit natin sa pang-araw-araw’ ang perception ng tao sa sarili nila at sa ibang tao. Maaaring ito ay “first impression” lamang, o matagalang impression, o matibay na pananaw sa sarili o sa ibang taong nakakasalamuha.

Katulad na lamang kapag sinabihan ka ng ibang tao ng mga sumusunod:

“Ang weirdo mo!”

“Ang jologs mo naman!”

“bobo ka talaga! Wala kang kuwenta!”


….at marami pang iba na kasalungat sa pagkakilala mo sa iyong sarili… isipin mo ito… kapag inalok ka ng droga kahit alam mong masama ito, ngunit nagpadala ka sa kanila na may paniniwala na ang “droga” ay nakakaalis ng problema o stress sa katawan at ayun na nga… sinubukan mo nga din! Sa mga oras na iyon, isa ka na sa mga biktima! Sapagkat hindi na ikaw ang humubog sa iyong sarili, hinayaan mong pasukin ka ng iba at nagpadala ka sa agos na may kasalungat sa paniniwala mo.

Ganito lang kasimple yan, kung mas gusto mo ng “French fries” kesa sa “hamburger” at isa ka sa mga taong naniniwala na mas masarap ang “French fries” kesa sa “hamburger” so IPAGLABAN MO! kahit million pa ang nagsasabi na higit na mas masarap ang "hamburger" kesa sa “French fries”… kung anuman ang paniniwala mo, tumayo ka sa paniniwalang yun, panindigan mo!… Maaaring sa huli ay tama ka, o maaari din naman na mali ka pero ang importante ay ipinaglaban mo at nagkaron ka ng paninindigan sa pinaniniwalaan mo. Mas mabuti na na magkamali ka ng ipinaglalaban ang sarili mong paniniwala kesa magkamali ka dahil nagpadala ka sa paniniwala ng iba, dahil nagpahubog ka sa ibang tao, dahil tumikim ka ng lason na para sa iba ay icecream.

Makapangyarihan ang pagiisip, sa makatuwid, maaaring gawin nito na langit ang impiyerno at impiyerno ang langit…. Dahil yun sa perception mo, dahil sa mga pinili mong paniwalaan at panindigan. Maraming paniniwala sa mundo… sa ganitong sitwasyon, pare-pareho lang tayong alipin ng sabi-sabi’ kaya ganito na lang… kung anuman ang pinaniniwalaan mo yun ang panindigan mo, dahil yun ang magiging realidad sa buhay mo!


ALING CAMING: "Eh sa mas gusto kong kumain ng tunay na pagkain eh... ba't moko papakainin ng basura??"


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008