REMEMBER ME THIS WAY


Saturday, March 27, 2010

TURN OFF the lights

Simulan natin sa napaka mabag-baging kasabihan...

"You will never know the real meaning of light,
if you never been through darkness!"



Kahit ang isang anino ay nawawala kapag nagpupunta tayo sa kadiliman... Maging
sa tunay na buhay, gayun din ang ating mga pamilya, kasintahan, kaibigan, tropa, kaklase, kakilala, at maging ang ating alagang aso...

Subukan mong pumikit...

Anung nakikita mo?
WALA ba?? Isang kadiliman...di ba? ang kadiliman ay kahit madilim ay hindi maaaring maging WALA'


Karamihang tao ay nasisiyahan sa tuwing nasa liwanag... parang doon nila nakikita ang kanilang hinahanap-hanap' yung nagbibigay sa kanila ng tinatawag na satisfaction... doon sila na-sasatisfied bilang isang ganap na tao... (Maliban na lamang yung ginagawa at dapat gawin ng mag-asawa lamang') Ngunit, ang hindi lamang nila alam na hindi lahat ng maaaring masulyapan ng ating paningin ay pawang katotohanan... May mga liwanag na maaaring makapaghatid sa atin sa sobrang kadiliman' Marahil, hindi nila alam na may mga pagkakataon na ang nagiging dahilan pa ng pagkawalan ng paningin ay ang "liwanag"... Sapagkat minsan ay kailangan nating lumagi sa kadiliman upang ating matagpuan ang tunay na liwanag.

HINDI LAHAT NG NAKIKITA NG ATING MGA MATA AY PAWANG KATOTOHANAN!

Parang sa parehong sitwasyon lang yan na nakakita tayo ng pulang mansanas at green na mansanas, dilaw na mangga at green na mangga kaya nalaman natin ang kanilang pagkakaiba-iba... Sa ganitong sitwasyon, masasabing nagmula tayo sa kadiliman kaya nakita natin ang kaibahan nito sa liwanag... Sa madaling salita, sa ganitong paraan natin lubos na makikilala ang liwanag sa kadiliman' at kadiliman sa liwanag.


Marahil, ang kadiliman ang siyang sumisimbolo sa ating pagkabigo, sa ating pighati at kalungkutan... maging sa ating mga naging pagkakamali sa buhay. Ngunit ang kadiliman na naganap na sa ating buhay ay parte na lamang ng ating mga nakaraan... kung saan tayo nadapa, nanghina, bumagsak at dinugo ay maaaring dun din tayo muling makakabangon at muling maitatayo ang ating watawat na minsan nang nalukot, nadumihan, nagasgasan at nabutas... Hindi pa dito natatapos ang lahat, sapagkat kadalasan, ang sinasabing "kadiliman" ay siya pang naghahatid sa atin tungo sa tunay na liwanag... Ang liwanag na hindi masakit sa mata, at hindi nakakabulag...


Ang ating mga naging pagkakamali ay hindi katulad ng switch ng ilaw na kapag ginusto nating patayin o sindihan ay isang pindot lang ayos na! Sa tunay na estado ng buhay, may mga bagay na kapag naggawa na at nasabi na ay hindi na muling maibabalik pa, hindi na mababawi pa... Pero sabi nga ng isang kaibigan, "Ang nasayang na ay hindi na dapat panghinayangan pa!" Sapagkat siguro, yung saya natin dati nung nasa atin pa ito ay marahil ang magdadala sa atin ng sobrang tinding kalungkutan sa bandang huli, kapag tuluyan na itong naglaho...



Ang nakaraan ay isang inspirasyon upang maitama ang mga kamalian, ang kasalukuyan ay isang hakbang upang mahubog ang kinabukasan...




[ ,,Minsan mas nakakabulag pa ang liwanag kaysa sa dilim, dahil minsan sa dilim pa maaaring matagpuan ang tunay na liwanag... :)..... ]


So... Don't be afraid to TURN OFF the lights... ;')








Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008