REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, January 31, 2010

"The Finale..." ü

,,Siya nga pala si PEDRUA… Sa wakas, dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay na magbabarkada. Ang pumunta sa sayawan at kantahan… ang mag party mula 6PM hanggang umaga’ Ang saya saya ng gabi na tila ayaw na nilang matapos pa’ pero sabi nga di ba, “every story has an ending!” walang nakakaalam kung happy ba ang dulo o madrama o malungkot… Kung anuman ang dulo o ang ending ng kanilang paglalakbay ay walang makapagsasabi… basta ang alam lang nila ay Masaya ang gabi…

Noong pauwi na ang lahat, mga alas-dos ng umaga’ may napansin at naramdaman si PEDRUA na tila kakaiba. Parang ayaw niyang umalis sa kanilang pinanggalingan… kase parang may mangyayareng hindi maganda, nakakatakot. Pinilit niya ang mga barkada na wag na muna umalis… pero hindi nagpadala ang mga ito at biniro pa ng: “hindi yan… lasing ka lang!” at nung nagdradrive na si pards sabi ni PEDRUA, “ang bilis-bilis mo naman… parang wala ng bukas uh’ dahan dahan ka lang baka tayo maaksidente!” nagtawanan pa sila lahat at sabay sabi ni kulukoy, “KJ mo talaga!”… tumahimik na lamang siya, sapagkat ayaw na niyang makipagdebate pa dahil kahit ata anung pagdebate ang gawin niya ay talo parin siya sa mga ito… hinayaan niya na lamang sila kahit binabalot na siya ng isang matinding takot’ hanggang may nakita silang lahat na isang babaeng naka puti… tila isang kaluluwang ligaw na takot sumama kay kamatayan… Mabilis na hininto ni pards ang sasakyan para maiwasan ang nasabing misteriosang babae na kanilang nakita, pero ang hindi nila nalalaman na ang paghinto nilang yun ay maaaring maging simula ng paghinto ng lahat para sa kanila. Nabangga sila ng isang track at isang van’ sigawan silang lahat na halos matanggalan na ng ngala-ngala dahil sa matinding takot at pagiisip na ito na ang maaaring maging katapusan ng lahat para sa kanila… habang nararamdaman ni PEDRUA ang pagbali-baligtad ng sinasakyan nila, ay tila kasabay ito ng pagbalibaligtad ng kanilang mundo. Ilang oras nilang naramdaman na tila itim ang kapaligiran hanggang tuluyan niyang maramdaman ang kawalan.

Noong nagbalik ang kanyang ulirat… wala na itong makita kundi liwanag… napaka puti ng kapaligiran’ hanggang sa sobra niyang takot ay may narinig itong tinig na para bang napaka lalim at napaka lawak ng pinanggagalingan:


ANONYMOUS: Pedrua......... Pedrua......... Pedrua........

PEDRUA: si…sino yan? Wag mu naman akong takutin’ nakikiusap ako sa’yo…

ANONYMOUS: sino ba nagsabi na tinatakot kita?

PEDRUA: ha?... eh… asan ka ba? Bakit ayaw mo magpakita?

ANONYMOUS: nagpapakita ako sayo’ ayaw mo lang ako makita… andito ako sa likod mo…

PEDRUA: (tumalikod at nagulat… nakita niya nga ang kausap)… sino ka? Si San Pedro ka ba? Tama ba ako? At anu ginagawa mo dito?

ANONYMOUS: teka lang... teka lang... ang dami mo naman tanong eh'… isa-isa lang... mahina ang kalaban.. isa-isahin natin' para sa tanung mo kung sino ako, tama ka’ ako nga si San Pedro. At para naman sa tanong mo kung anu ginagawa ko dito, ikaw ang may kailangan saken, kase patay ka na… ok na sayo un??


Palitan na naten ang ANONYMOUS sa “SP” bilang San Pedro at palitan narin naten ang PEDRUA sa letter “P”… (para paikliin..)


P: patay? Ako patay na?? niloloko mo ba ako?? wag mo nga ako gaguhin!

SP: ay ayaw pa maniwala… OO PATAY KA NA! kung ayaw mo maniwala edi wag mo!

P: oh sige na… sige na… naniniwala na… naniniwala na ako’ oh anu naman ngayon??

SP: kailangan mo nang magdesisyon… Saan mo gusto pumunta ngayon? Langit o impiyerno?

P: hindi ako naniniwala sa ganyan… pero sige, matapos lang.. langit na lang ako!

SP: etong nasa harap mo ay isang malaking TV… maaari mong mapanuod kung ano ang mga naggawa mo nung nasa lupa ka pa…

P: TV?? Wow uh’ pati pala sa langit may TV…

SP: oo naman… mas cheap sa lupa kesa dito sa langit’ dahil dito andito na ang lahat... ngayon, tatanungin naman kita… ano ang mga naggawa mo nung nabubuhay ka pa?…

P: wala…

SP: wala?? Mahirap yan uh’ gumawa ka ng wala??…

P: edi meron… oh sige, madami akong naggawa’ naging tindera ako, nagpatayo ako ng KFC, at naging taga hukay ng lupa…

SP: ah.. tindera?? Panuorin mo toh’ Ang pinagmamalake mo ay ang pagtitinda mo ng marijuana?? Ng drugs at vibrator, dinamay mo pa pati pamparegla! Kadiri ka…

P: huh? Eh… panu mo alam?

SP: pano kong hindi malalaman? E sino ba ang kaharap mo? Di ba si San Pedro?…

P: oh siya kaw na si kamahalang san pedro… pero nagpatayo naman ako ng KFC uh’ anu masasabi mo’ madami akong napakain sa murang tinda ko… oh anu ka ngayon?!...

SP: kala mo ba hindi ko alam yan?? Yung KFC na yan ay yung KIKIAM, FISHBALL, at CHICKEN BALL…

P: oo yun nga’ at least mura, di ba??…

SP: mura?? Eh ninakaw mo lang yang isda sa fishball mo eh’ galing sa lumang isda yan… tapos mga panis na chickenball at kikiam mo… ano feeling mo?? Magaling ka na niyan? Tae mo! Wag moko lokohin huh at alam ko lahat!

P: oh siya… o siya… sige na panalo ka na, ikaw na magaling… ayoko na marinig ang commento mo tungkol sa paghuhukay ko ng lupa… may banat ka nanaman eh’ kabisado na kita..

SP: isa pa yan… buti sana kung naghukay ka para sa pagtatanim ng halaman… pero hindi eh! naghukay ka ng lupa para makaggawa ng krimen.. umamin ka nga saken… kabilang ka ba sa ulo ng massacre sa maguindanao??

P: huh?? Hindi… hindi noh! Anu ka ba??! Tamang hinala ka nanaman eh… taga Luzon ako noh’ hindi ako taga Mindanao… excuse me!

SP: wag ka na magmaang-maangan pa… nakikita at napapanuod sa screen ko lahat ng ginagawa ng mga taga mundo… apiliydo mo pa lang na AMPATUAN pang kriminal na eh’

P: huh? Screen name ko lang yun… hindi mo ba alam celebrity ako date?...

SP: wag mo ko lokohin’ alam ko lahat ng ginawa mo at ginagawa ng mga katulad mong mortal! Marami kang ipinapatay at ipinalibing ng buhay!

P: OO na OO na! ako nga nagpalibing sa kanila, ako nga.. ako nga! Bakit ikaw? Kayo ang naglagay ng kapahamakan sa mundo! Kayo at ang amo mo ang nagpahirap sa tao! Kayo ang nagturo sa tao para maging sakim sa kayamanan at bulag sa awa at pagmamahal!

SP: teka lang… pinagbibintangan mo ba kame ni Bro?? Baket sa amin mo isisisi ang lahat??! Ibinigay niya sayo ang lahat! Nasayo na lang kung paano mo gagamitin! Ikaw ang nagpahirap sa sarili mo dahil sa mga desisyon mo!

P: hindi totoo yan! Kayo ang nagpahirap sa tao! Gumawa kayo ng kayamanan na maaaring pagkaguluhan at ng kapangyarihan na maaaring maging dahilan ng pagpapatayan!

SP: hindi mo alam ang sinasabi mo… alam mo ba ang ibig sabihin ng “pagpapahirap”?? naranasan mo na bang hampasin ng may patulis sa dulo? Naranasan mo na bang suotan ng korona na matulis at insultuhin? Naranasan mo na bang duraan? Maligo sa sarili mong dugo habang patuloy na hinahampas ng tubo sa buo mong katawan?? At higit sa lahat, naranasan mo na bang ipako sa krus kasabay ng dalawang pusakal na kriminal??..........................Hindi pa di ba?? Dapat nga sa inyo ginawa un e, naiisip mo ba un?? Pero ang nagbayad para matubos ka sa kasalanan mo ay yung kailanman ay hindi pa naggawang magkasala!

P: kung totoo siyang Diyos eh baket niya hinayaan na latiguhin ako ng erpat ko nung bata pa ko??

SP: gusto mong malaman?? Panuorin mo toh… oh ayan… namamakla ka’ panu kang hindi lalatiguhin e bata ka palang imbes na magaral ka ay nakuha mo pang mamakla… ikaw si Pedro date na katukayo ko pero mas ginusto mong sumunod sa nasa puso mo kesa sa inilaan para sayo’

P: anung magagawa ko kung hindi ako pusong lalake at isa akong charing sa ikaibuturan ng aking puso?? Baket nya ipinagkaloob sa akin ang katawang lalake at pusong babae kung ayaw niyang maging “charing” ako??...

SP: nagkakaganyan ka dahil hindi ka kuntento sa kung anung meron ka… hindi ka kuntento dahil hindi ka masaya’ kaya hindi ka masaya dahil hindi ka kuntento’ umiikot lang sa ganon ang buhay mo… magiging masaya ka lang kapag nakuntento ka, at makukuntento ka lang kung mas pipiliin mong maging masaya!

P: Masaya ako sa pagiging ganito! Magiging Masaya ako kung hahayaan niyo akong lumigaya! Kung magiging malaya ako!

SP: Sigurado ka?? Masaya ka?? Pumatay ka ng ilang tao sa hindi makataong paraan! Marami kang buhay na ginawang miserable, marami kang pangarap na sinira at pamilyang winasak!!! Sasabihin mo saken ngayon na Masaya ka sa mga ginawa mong yun????

P: nagkaganon ako dahil hindi niya ibinigay sa akin ang mga kailangan ko para mabuhay! Pinagkaitan niya ako ng kapangyarihan, at ng kayamanan! Hindi niya ako ginawang malaya sa pagpili ng sarili kong katauhan at kasarian! Hindi niya ako ginawang malaya sa buhay!

SP: ibinigay niya sayo lahat ng kailangan mo, mas higit sa lahat ng gusto mo! Ngunit, naghangad ka pa ng wala sa mga nakalaan para sayo… kaya yun ang naging tulay para hindi ka maging Malaya katulad ng sinasabi mo! Hindi yun dahil sa kanya o sa akin, o sa kahit kanino… dahil yun sayo!

P: Sinungaling ka! Wag ka na magsalita! Sinungaling ka!

SP: hindi ako sinungaling… hindi mo lang maintindihan… maraming bagay ang hindi kayang ipaliwanag at unawain ng pagiisip mo, o kahit pa ng syensiya… akala mo dahil hindi mo nauunawaan ay kasinungalingan na’ pero mali ka… sapagkat may mga bagay kang nauunawaan na punung-puno ng kasinungalingan! Kaya hindi ka Malaya dahil hindi mo alam kung ano ang katotohanan!

P: oh sige… matapos lang, naniniwala na ako sayo!

SP: maaaring naniniwala ka, pero hindi ka nananampalataya… dahil kung nananampalataya ka, hindi mo mararanasan ang pagdurusa…

P: anung ibig mong sabihin?

SP: marami kang hinahangad sa buhay mo na hindi para sayo’ dahil wala kang tiwala na sapat na ang meron ka para mabuhay sa mundo’ kaya ka nagdusa ng sobra dahil naghangad ka ng mga bagay na hindi naka-laan para sa’yo! Ngayon, isisisi mo kung kani-kanino ang pagkakamali mo… hindi mo lang alam na walang kasalanan ang aso mo, ang katulong niyo o ang tae mo… ikaw ang nag-angat ng mga paa mo upang marating mo kung anuman ang narating mo! Pero wag mong isisi sa mga paa mo, dahil hindi yan gagalaw kung hindi mo igagalaw!
Ngayon tatanungin kita… anung gusto mong mangyare? Ano ang gusto mong kapuntahan?

P: ang dami mo namang alam… ang dami mong speech! oh sige, ganito na lang… gusto ko sana maulet lahat ng nangyare bago kame pumunta sa party at tuluyang mapariwala… gusto ko buhay pa rin kaming lahat at wala kami kahit isang sugat galing sa mga nangyare…

SP: oh tapos? Anung plano mo??

P: edi pipilitin kong itama ang lahat…

SP: hahaha… ayan ang hirap sayo eh’ wala kang tiwala sa sarili mo at sa nagsugo sa'yo, feeling mo pasan mo ang mundo… akala mo lumalaban ka ng mag-isa… Hindi mo lang alam na ang tagal ka na niya inaantay para manumbalik ka sa kanya… pero napakataas ng pride mo’ mas pinili mong lumunok ng bubog kesa magpakumbaba…

P: oh sige na… sige na… sana maitama ko pa ang lahat… oh ayan na uh' okay na sayo yan...??

SP: serioso ka ba?? eto lang ang masasabi ko sayo... maitatama mo ang lahat, kung magdedesisyon kang itama ito… teka lang, wala ng lokohan at gaguhan... sigurado ka na ba sa desisyon mo na gusto mo pang mabuhay ulet?

P: oo… sigurado na ako… gusto ko na maitama ang lahat…

SP: oh sige… wag na naten pahabain pa ang usapan’ pag baba mo mula dito papunta sa bahay niyo, makikita mo nalang sarili mo na nakaharap sa computer o sa laptop… :D



-the end-


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


3 comments:

  1. ,,I want to acknowledge "BOB ONG" for the inspiration... KEEP READING GUYS... ♥

    ReplyDelete
  2. ak0 ung nakaharap sa c0mputer... :)

    ReplyDelete
  3. ,,hahaha... ang haba-haba nuh' =P

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008