REMEMBER ME THIS WAY


Wednesday, February 3, 2010

Living is like playing chess…

,,20 years… 20 years na ako nabubuhay, 20 years ko na inaapak ang mga paa ko dito sa lupa sa tulong ng gravity’ it’s been 20 YEARS!
I-relate natin ang pagtapak ko sa lupa sa matagal na panahon sa topic, “Living is like playing chess”. Sa tagalog… OO hindi ka nagkakamali’ un na nga… “ang buhay ay parang paglalaro ng chess”.

Una akong naging aware sa chess noong nagpunta kame ng Singapore, stop over papuntang Malaysia… 10 years old lang ako nun, ibig sabihin ay sampung taon na din ang nakakalipas…. Yun yung panahon na naging curious ako sa chess… baket? Kase ba naman noong nasa eroplano kame ang ibinigay saken na laruan nung stewardess (o woman flight attendant..) ay chess… Chess na hindi ko naman alam kung paano laruin, chess na checkered "black and white" kung yung maliit na pambata’ na kapag yung original na ganun para sa mga professional ay "white and green". Basta yun na yun… edi ayun na… tapos, wala nga akong ideya kung saan hinugot ang chess nung panahon na yun, last year ko lang nalaman sa tatay ko na gera pala ang chess na ginawa noong unang panahon’ kaya noong time na yun, habang may napapanuod akong marunong maglaro ng chess ay tinititigan ko… kung anu pangngalan ng mga tao sa chess o kung ano tawag sa kanila, kung paano sila itira, at kung ano ang technique para manalo ka sa ganoong laro…

Habang tinititigan ko ang paglalaro ng chess na hanggang ngayon ay hindi pa din ako manalo-nalo, may naisip akong ideya na nai-relate ko sa totoong buhay… nasabi ko sa sarili ko na, “parang chess din pala ang buhay”… Sa 10 years kong pamumuhay nung mga panahong iyon at hanggang ngayon na 10 years na naman ang nakaraan, gaya ng dati at sa simulang-simula pa, wala parin akong naaalala na may naggawa ako na walang naapektuhan. Automatic yun, kahit isang tao lang laging may naaapektuhan. Sa mababaw na paraan, umutot ka lang ay maaalarma na ang katabi mo dahil sa air pollution na dala ng hanging ibinuga mo. Sa madaling salita, gaano man kaliit o kalake ang gawin mo, walang paraan para wala kang maapektuhan dahil kahit saan ka man magpunta at idala ng pagkakataon ay meron at meron paring nagmamahal at magmamahal sayo’ sila ang kadalasang naaapektuhan sa mga desisyong hindi mo napanindigan na sila ang pumasan… katulad din ng paglalaro ng chess, gaano man kaliit ang halaga nung tao diyan na ititira o itinira mo, sa maliit na paraan naapektuhan mo na ang buong laro.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


2 comments:

  1. tama,,at kapag sinimulan mo na ang chess at itinira ang isa dito,,hindi ka na maaring bumalik pa,,u have 2 face the consequences sa move na ginawa mo na iyon,,kaya guys,,be careful sa ititira niyo sa buhay,,para sa huli eh hindi kayo magsisi,,.. :) <----tri0ty03

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008