REMEMBER ME THIS WAY


Friday, February 19, 2010

Political engagement





katulad ng bus na kailangan ng driver, barko na kailangan ng kapitan, at eroplano na kailangan ng piloto upang umandar at umusad, ang bansa natin ay kailangan din ng lider upang sumulong at umunlad. Katulad ng driver, kapitan at piloto na kailangan ng mga tauhan at mga pasahero, ganun din ang ating bansa na nangangailangan ng House Of Representatives at Cabinet Members bilang mga tauhan at ang taumbayan bilang mga pasahero.

Malapit na naman ang halalan, marami na naman ang kumakandidato at gustong sumabak sa politika. Sa puntong ito, isa lang ang tanong ng lahat... "Sino ang karapatdapat?". Kumikitang kabuhayan na naman ang mga advertisements mapa-print, radio at TV. Pati na din ang mga sikat na artista at TV personalities na patuloy sa pagkislap na parang mga bituin, at kadamay pa ang mga biglaang nagkaron ng career sa industriya, ang mga mahihirap maging mga bata at mga isip bata.

Ano ba ang inaabangan ng mga tao tuwing nalalapit ang halalan?

Hindi mawawala doon siyempre ang pag-aabang nating mga tao sa matitinding banat ng mga politiko kung ano ang kahihinatnan ng Pilipinas, kung sila ang ating iboboto at papalaring manalo. Ayokong magbigay ng halimbawa dahil ayokong maging "b i a s" at kontrabida sa mga bet ninyong kandidato. Sa tingin ko, lahat naman ng tao ay cool na banat ang inaantay mula sa mga kandidato, lahat tayo ang gustong umupo sa posisyon ay yung kaya tayong tulungang makaahon, yung hindi magnanakaw, hindi manloloko na puro dada at walang ginagawa, at yung hindi aabusuhin ang kasikatan at tiwala ng bayan... Yung karapatdapat' kase lahat naman tayo ay sabik sa iisang bagay... sa pagbabago' pero huwag natin sana kalimutan na katulad ng bus, barko at eroplano na hindi kikita, susulong at uusad kung dahil lang sa driver, kapitan at piloto ay katulad din ng ating bansa na hindi uunlad kung lahat ay iaasa natin sa ating presidente at sa mga kasamahan nito.

Tayong mga ordinaryong tao ay parte din ng ating lipunan, at ng ating bansa... Tayo din ang bumubuo sa ating mundo... ang humubog sa nakaraan, at huhulma sa ating kinabukasan... Nagmumula ang pagbabago sa ating sarili at kapag tayo ay nagsama-sama bilang makabagong tao na panig sa kabutihan, unti-unti din nating makakamit ang minimithi nating lahat... ANG PAGBABAGO.




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008