REMEMBER ME THIS WAY


Wednesday, February 17, 2010

Write and Fly

May nagsabi saken date ng mga sumusunod:

"Sulat ka ng sulat, wala ka naman napapala!"

"Puro ka naman blog eh..."

"kung ako sayo burahin mo na lahat ng nakalagay sa blog mo. Baka makasira pa yan sa paghahanap mu ng trabaho..."



Una sa lahat, hindi ako nagsusulat para makilala sa buong mundo sa pamamagitan nito, sa sampu siguro na manunulat, isa lang sa kanila ang pinalad. Gusto ko lang magsulat dahil pakiramdam ko talo ko pa piloto kapag nagsusulat ako, at pati mga ibon sa kalangitan, dahil sa pagsusulat kaya kong lumipad. Kaharap ko lang computer o di kaya ay papel at ballpen na may tinta at di ko na kailangan pang lumabas ng bahay pero iba ang nararamdaman ko, kahit di ako kumikita sa gawain ko na'to parang malayo ang naaabot ko, malayo ang nararating ko. Iba yung fulfillment ko tuwing may mga taong gumugugol ng mga segundo para lang mag-message sa akin sa FB, YM o sa FS kahit di ko naman sila gaano pang kilala... para lang maipadama na naramdaman nila ang mga sinusulat ko.

Alam kong hindi lahat ng tao ay mapapa-bilib ko, pero hayaan niyo sana ako na kahit papaano ay i-depensa sarili ko...

Para sa mga nagsasabing blog ako ng blog o sulat ako ng sulat, kung gaano man ka-importante ang "tae sa puwet", at "muta sa mata", kahit hindi natin ito nalalaman, ganun din ka-importante sa akin ang letra... Dahil ang letra ang bumubuo sa salita at ang salita ang bumubuo sa emosyon at ang emosyon ang bumubuo sa buhay ko. Nandito ako ngayon at patuloy na humihinga ng dahil sa letra. kaya kung tatanggalin mo ang letra na dahilan kung bakit ako nakakapagsulat, tinanggalan mo na din ako ng emosyon... At sa ganitong sitwasyon, para mo na rin akong pinatay.

Para naman sa nagpapabura ng blog ko, hinding-hindi ko yun magagawa. Wala akong hinahamak sa pagsusulat para tanggalan ako ng karapatang magkaroon ng maayos na trabaho. Walang koneksyon yun sa pagsusulat ko. Parang pagsasalita din yan, kahit bigyan ko kayo ng milyon-milyong eksplanasyon pero kung mas pinipili niyong wag ako paniwalaan, ang lahat ng iyon ay walang kabuluhan... Ngunit kung gusto niyo akong paniwalaan talaga, isang pangungusap lang ay sapat na. Wala akong kailangang patunayan sapagkat ang gusto ko lang ay magsulat at ibahagi ito sa iba NA MAY GUSTO... Hindi ko kayo pipiliting kumain ng pancit kung kinasusuklaman niyo ito.

Gusto kong magsulat sapagkat gusto kong lumipad at mabuhay... Dahil ang pagsusulat ay siyang buhay ko.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008