REMEMBER ME THIS WAY


Friday, February 12, 2010

The silence

,,Minsan ay may nagsabi sa akin nito...

”matalino kba?”

AKO: hmmm... siguro...

“kaya mo bang mabuhay sa bundok?”

AKO: huh? Hindi... anu ako unggoy??! Hahaha...

*(PS: "UNGGOY" in a way na kahit saan kaya nilang mabuhay.)

“oh... edi hindi ka matalino...”


Sa isip isip ko... anu namang konektyon ng pagtira sa bundok at pagiging matalino’


“Anu nga ba ang matalino?” Matalino ka ba dahil kwela ka, o dahil mataas grades mo? Matalino ka ba kase maayus ka kausap, o magaling ka magsulat? “paanu masasabi na matalino ang isang tao?”

Binalikan ko ulet ang gusto niya ipaintindi na nung sandali na yun ay di ko lubos naunawaan dahil puro lang kame biruan tapos binanatan niya ako ng ganun’... “KUNG DI MO KAYA MABUHAY SA BUNDOK, HINDI KA MATALINO!”... na ang ibig sabihin siguro ay ang pagiging matalino ay ang pagkakaroon ng kakayahan na mabuhay kahit saan ka man lupalop ng mundo dalhin... Katulad na lang ng mga taong nasanay sa yaman na kapag napabilang sa mga mahihirap ay di na kaya pang mabuhay...

Ang taong matalino ay flexible mabuhay...

Hindi ibig sabihin na magaling ka magsalita at may naaaliw na tao sa’yo ay isa ka ng ganap na matalino, OO naniniwala ako na lahat ng tao ay pinagkalooban ng katalinuhan ngunit hindi lahat ng tao ay may sapat na lakas upang isabuhay ito nang hindi lamang puro pasikat at puro salita... Marahil ay marami paring tao ang hindi bobo, ngunit piniling magbobo-bobohan...

“Hindi masamang magpakumbaba, ngunit ang magpakababa ay masama!”

Sa tuwing hindi tayo namumuhay sa matalinung paraan at puro lang tayo daldal na wala namang kasaysayan... ay pinipili nating magpakababa, kaya mas mainam na na magpakumbaba kesa magpakababa... kase nakakadiri ang maging mababa dahil sa totoo lang walang nilalang na mababa, nagiging mababa lamang ang isang tao ng dahil sa kanya ring kagustuhan...

,,Para sa mga nagtatanong kung ano ang KATALINUHAN, tingnan mo ang buhay niya, pasukin mo siya katulad ng isang bahay upang malaman ang nasa loob nito... Sapagkat hindi mo makikilala ang isang malalim na pagkatao kung hindi ka magsisikap na kilalanin ito...


Isang pangwakas na tanong para sa’yo...

”kaya mo bang mabuhay sa bundok?”


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008