REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, February 14, 2010

"SOMEBODY" from "NOBODY"

,,kwentuhan ulet tayo.

kung mapapansin niyo, mahilig akong magkuwento tungkol sa sarili kong pamumuhay, tungkol sa ilang nakalipas na mga taon. Hindi ko pakay ang mairita kayo, ngunit ang bigyan lamang kayo ng inspirasyon.

Lahat ng bagay ay may dahilan, may mga bagay nga lang na hindi pa mabigyang linaw ng siyensiya o maging ng mga libro.. Sa ganitong pagkakataon, kailangan natin maging logically intellectual..

Sa puntong ito, nais kong gamitin ang aking mga karanasan hindi lamang bilang isang masaya at malungkot na ala-ala, kundi bilang isang kapangyarihan na mapapakinabangan ng iba...

Mag-umpisa na tayo...

Dati, niyakap ko ang init ng araw hanggang sa halos malapnos ang buo kong katawan.
Napasigaw ako, bakit ako??!!!...
Bakit ako ang hinulma sa kadiliman??
Maraming pagsubok ang dumating, yun ang ibig ko sabihin... Hindi yun literally na pumunta ako sa araw' (laugh).
Halos manakawan ako ng katauhan ng dahil sa kadiliman, bakit ako??!!!
bakit ako ang ginawang malalim na mahirap unawain??
Halos masaksak ako hanggang kaila-ilaliman, (not literally)... bakit ako?!!
Bakit ako ang nararapat magbuwis ng buhay?...



Sa lahat ng nangyari, patuloy ako sa pagtatanong... Na kung tunay ngang may nakakadama ng aking naging pagdurusa, bakit ako??

......................Sa dami ng masasamang tao dito sa mundo, bakit ako?


Muntik ko nang isuko ang laban, nagdesisyon na akong lumarga patungong kawalan... Dahil inakala ko na wala nang ibang patutunguhan ang pakikipagsapalaran... wala nang kahihinatnan ang kahirapan (not financially).

Patuloy akong sumisigaw habang pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata... "Bakit ako??" at habang ako ay naghihinagpis na parang di na mauulanan pa ng pag-asa... May tinig akong narinig na tila nagmula sa himpapawid:

"sapat na sa akin na lumalaban ka anak, sapagkat sa iyong paglaban ay may nahihikayat ka na ipagpatuloy din nila ang kanilang laban..."

Sa puntong iyon, isa lang muli ang nasambit ko, "bakit ako?"


At sa aking paglalakbay, di naglaon na nasagot din ang aking katanungan... Ang pinakakahulugan ng maykapal... Na walang kalakasan ang hindi nagmumula sa kahinaan. Sapagkat marahil, ang kahinaan ang siyang nagiging kalakasan ng isang nilalang...

Hanggang tuluyang magliwanag ang aking isipan na parang mga tala sa kalangitan, nang muli kong madinig ang isang makapangyarihang tinig...

"mahal na mahal kita, anak... Ituloy mo ang laban!"



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008