REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, February 21, 2010

Sino ka…kaibigan?

Kaibigan… kaibigan… kaibigan…

Pagusapan natin siya’ Ano ba ang kaibigan?
Kumbaga sa anino, ipakilala natin ito… tara’ ü

Naaalala ko nung “grade 4” pa lang ako, may teacher na nagsabi sa amin nito, ”walang totoong kaibigan, ang kaibigan nandyan lang kapag may pera ka pero pag wala kang pera wala silang lahat”… Siguro, yun ang kanyang naging sariling pananaw dahil sa kanyang sariling mga naging karanasan… Naikuwento niya kase sa amin dati na laki siya sa hirap, tuwing nakain ang mga kaklase niya, siya naman ay nag-iisa lamang at walang pagkaen. Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan ay ni isa ay wala man lang lumapit sa kanya upang alukin siya ng makakaen, kaya ang ending ay umuuwi na lamang siya kaysa daw nag-iisa lamang siya at nagmumukhang tanga.
Yun marahil ang bumuo ng kanyang pananaw kung ano ang ibig sabihin ng salitang “kaibigan”…

Bukod sa kanya, may mga natanong din akong mga kakilala kung ano ang kanilang sariling pananaw o adhikain sa kahulugan ng “kaibigan”… Marami sa kanila ang nagsabi na ang kaibigan ay yung taong tanggap ka kung sino at ano ka man. Yung taong kilala ka at alam ang mga kahinaan mo pero sa kabila nito, tinuturing ka paring isang “kaibigan”.

Ano nga ba ang “kaibigan”?

Lahat ng tao ay maaaring tanggapin bilang isang “kaibigan” (to make it general). Ngunit, may dalawang klase ng kaibigan… kaibigang PUTIK at yung TUNAY na kaibigan… Simulan natin sa kaibigang PUTIK, ito ang tawag sa taong mapagpanggap at parang linta… Mapagpanggap na tinitira ka kapag nakatalikod ka matapos mong alagaan, dikit ng dikit sa’yo para may makuhang pansariling benepisyo, kasama mo hindi dahil gusto kang kasama pero dahil may kailangan sa’yo o kailangan ka. Ito din ang uri ng kaibigang maaari kang mapahamak kung hindi ganoon katindi ang paninindigan mo sa pinaniniwalaan mong tama. Mga taong maaaring lasunin ang pag-iisip mo at malinaw mong pananampalataya hanggang tuluyan ka nang mapariwala.

TUNAY na kaibigan naman ang kasalungat nito, ito ang mga taong ilalabas ang mabuting parte ng sarili mong katauhan, gugugol ng panahon para hindi ka masayang, magbabalik sa tamang landas pag ikaw ay naligaw, mga taong maga-abono para sa iyong pamasahe pag nai-hulog mo ang piso, mga taong hindi lamang natingin sa kalakasan mo upang makahanap ng dahilan upang ikaw ay tanggapin… Mga taong kabisado ang kahinaan mo ngunit mahal na mahal ka parin… Ito rin ang mga tao na kadalasan ay mahirap mahanap, sapagkat ilan lamang sila… ILAN LAMANG SILA, yung tipong halos wala na…

Ang mga tao ay parang mga damit… madami… pero ilan lamang ang magfi-fit sa’yo, at higit sa lahat, ilan lamang ang hindi kukupas at maituturing mong tunay na kaibigan hanggang sa huli…


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008