REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, February 21, 2010

ROOM for privacy

Ang tao ay parang bahay, hindi lahat ay maaaring pumasok… Kahit yung mga taong nakakaalam ng mga importanteng detalye sa buhay ng isang tao ay may mga bagay pa rin siyang hindi nalalaman tungkol dito… Ito ay nangangahulugan lamang na walang tao dito sa mundo ang nakakaalam ng lahat mula sa pinaka-maliit hanggang sa pinaka-malaking detalye ng buhay ng isang tao gaano man ito kalapit sa kanya. Meron parin tayong tinatawag na privacy.

Nung maliit pa lang ako, lahat ay maaari kong makatabi sa pagtulog. As in kahit sino na kamag-anak namin kahit pa hindi ko naman ka-close. Ngunit… nagising na lang ako isang araw na marunong na akong ma-ilang. Nai-ilang na ako pag may nakakatabi ako sa pagtulog mapa-babae at lalo na kung lalake kahit pa kaanu-ano ko’ naiirita na ako pag may nakakasama ako sa loob ng kwarto sapagkat parang napaka-liit lang ng aking mundo na hindi ako makagalaw at tila wala akong kalayaan, lalung-lalo na suklam na suklam ako tuwing gusto ko ng katahimikan at gusto kong magpahinga tapos may maririnig akong tunog ng radio na ang sarap ibato, TV na ang sarap patayin at idagdag mo na rin ang bukas-sarang pintuan na ang sarap mangarap na sana biglang mawalan ng gravity, o kaya naman sana pwedeng mabuhat ang “kwarto” sa ibabaw ng ulap para tahimik, at magkaroon ako ng tinatawag na privacy

Pag-usapan natin ang salitang ”privacy” sa simpleng paraan…

Kapag may mga taong labas-pasok sa kwarto mo, tuwing naghahanap ka ng katahimikan at gustung-gusto mong makapag-pahinga… At kapag pipilitin kang tabihan kahit gusto mo ng space, at gustong makapag-isa, para ka na ring binastos at hindi nirespeto.. para ka nang tinanggalan ng kalayaan at ginago… Parang sa tunay na buhay din, tuwing pinapasok ang buhay natin kahit ayaw natin ay para na tayong ginago at winalang-hiya.. Parang hindi na tayo nirespeto at tuluyan nang tinanggalan ng privacy.

Katulad ng isang bahay na hindi lahat ng parte nito ay maaari nating pasukin, na parang kwarto na hindi laging bukas kahit pa sa malalapit sa atin ay katulad din ng buhay na may mga bagay tayong tinatago, na hindi maaring malaman at pasukin ng iba… may mga bagay na maski sarili nating kadugo at mga malalapit na kaibigan ay hindi nalalaman… Pero hindi yun dahil sa walang tiwala o anu pa man… Parang kuwarto din lang yan, yung dati na pwede nating makasama sa iisang kwarto at pwedeng makatabi sa iisang kama ay maaaring paglake natin ay hindi na… Pero hindi dahil sa kabawasan ng respeto o kung anung kasamaan ang maiisip mu pa' pero dahil lamang tuluyan na tayong nagkaroon ng malis at kamalayan sa salitang kung tawagin ay ”privacy”.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008