REMEMBER ME THIS WAY


Wednesday, March 24, 2010

UNFORGOTTEN

Hayaan niyong simulan ko ito sa isang kuwento...


Noong nag-umpisa ang Buwan ng Marso, sinabi sa aken ng barkada ko ang kundisyon ng kaibigan namen tungkol sa pakikipaglaban niya sa saket na breast cancer... Eto ang naging pahayag:

LEGEND: "F1" bilang friend 1, at "M" bilang ME at ako...

F1: "Palala na ng palala saket ni Ate Inday, natapyas na nga yung breast niya tapos tumubo na naman yung bukol sa likod niya, pati tuloy lungs niya apektado na."
M: "Oh talaga? paano na niyan?"
F1: "Wala. hirap na hirap na siya eh."


Hanggang dumating ang ika-23 ng Marso, nag-text siya saken ulet:

F1: "Namatay na si Ate Inday kanina... hai' parang kailan lang kalaro ko pa siya ng tongits".


Yung dating may saket, kamakailan lang ay namaalam na… Ayon pa sa kwento ng kaibigan ko, madaling-araw noong March 23, gumising ito at tinanong ng asawa niya sa kanya kung nagugutom siya… Ang tanging lumabas lang sa bibig niya ay ang salitang ”wala”, pagtapos noon ay hindi na ito nagising… Tuluyan na itong nalagutan ng hininga.


Pana-panahon nga lang yan, yung ngayong malakas pa ay bukas makalawa lamang ay maaaring nanghihina na… nalalagutan na ng hininga. Pana-panahon nga lang… Minsan naiisip ko na maaaring yung kaya ko pang yakapin ngayon ay maaaring bukas parte na lamang ng mga ala-ala ko… Ngunit, kahit siguro mabuhay sila ng napaka tagal parang kulang na kulang parin ang nailagi nila na nakasama ko… Sa tingin ko, kulang na kulang pa maging ang panghabambuhay na mailagi nila sa mundo… ang minsang pagiging parte sa kanilang naging buhay, na kahit sa panaginip lamang ay siguradong mananatili parin silang hindi namamatay, at kailanman ay hindi mababaon sa ilalim ng lupa ang kanilang mga naging ala-ala para sa mga taong kanilang minahal at mga taong sa kanila ay nagmahal at patuloy pa rin na nagmamahal…

…………Maaaring nakapag-move on na ang mga minahal at nagmahal sa kanila, sa puntong hindi na ganun kapait ang mga alaala sa kanilang pagka-wala, ngunit di nangangahulugang nabawasan ang kanilang pagmamahal sa taong minsan ay naging parte ng kanilang hindi malilimutang buhay, kundi dahil natanggap na nila na kailanman hindi na ito magbabalik pa tulad ng dati. Gayun pa man, kailanman ay hindi mababaon sa limot ang kanilang mga alaala sa mga taong minsan nilang minahal, at patuloy na sa kanila ay nagmamahal...
Sila ay mananatili sa kanilang mga alaala habambuhay.

HABAMBUHAY!!



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008