REMEMBER ME THIS WAY


Monday, April 12, 2010

PAK-PAK



,,Lahat ng tao ay may mga pangarap, bukod sa may mga pangarap tayo para sa ating kinabukasan, may mga pinapangarap din tayo na malayo sa katotohanan... Ang ating kagustuhang maging iba sa sadyang inilaan...

Eto ang ilan sa mga nakalista sa mga naging kagustuhan ko:

1.) Gusto kong maging matangos ang ilong katulad ni Heart Evangelista
2.) kasing ganda ng buhok ni Kim Chui
3.) kasing sexy ni Tony Gonzaga
4.) kasing puti ni Kris Aquino
5.) kasing tangkad ni Nikki Gil
6.) kasing yaman ni Manny Villar
7.) kasing talino ni Gibo Teodoro
8.) kasing baet ni Noynoy Aquino
9.) kasing galing sa diskarte ni Gordon
10.) kasing sikat ni Sharon Cuneta
11.) kasing humble ng isang limang taong gulang
12.) kasing ligaya ng batang iskwater sa daan
13.) kasing tahimik ng sementeryo ang BAHAY



Ito ay ilan lamang sa pinapangarap at pinangarap ko na malayo, na napaka layo sa katotohanan... Habang naghahanap ako ng mga lumang larawan ng aking kamusmusan, ang tumama sa aking mga paningin ay ang librong pambata na naglalaman ng kuwento ng panget na bibe o ang pinamagatan na "ugly duckling" (ibang version nito ang nabasa ko). Katulad ko at katulad mo, may gusto din ito na marahil ay hindi para sa kanya... Minsan siyang ininsulto, minaliit, at kinutsya dahil pinipilit niyang gawin ang isang gawain na tila'y kailanman ay hindi niya maisasakatuparan, dahil sa kanilang kaalaman na isa siyang "bibe" na naiiba sapagkat mukhang hindi na ito matututong lumangoy, ngunit sa dulo ng kuwento isinaad dito na hindi siya isang bibe tulad ng inakala at kinalakihan niya, kundi isa siyang agila na nabuhay upang lumipad.


Lahat ng tao ay may inaasam, hindi maiiwasan sa mundong ito na hindi natin gustuhin ang mga bagay na wala sa atin dahil sa ating pag-aasam ng mas maganda at mas maasensong pamumuhay. Marahil, dahil na rin sa ating pagkadala sa napaka makapangyarihang negatibong mga salita na may kakayahang wasakin ang isang matibay na pundasyon... Ito marahil ang isa sa mga naguudyok sa isang tao upang pangarapin ang mga bagay na hindi naka-laan para sa kanya.

Hindi man masasabi na tayong lahat, ngunit madami sa atin ang namumulat sa mga taong walang hinangad kundi ang makita tayong halos nag-aagaw buhay sa paghihirap (sa salapi man, sa kalooban o sa iba pang napaka daming bagay)... Nararanasan nating lait-laitin, gaguhin, at halos nakawan ng lahat-lahat... Ngunit, katulad ng isang "agila" na nakasanayang mamuhay bilang isang "bibe" na naranasan ding lait-laitin, tarantaduhin at smolin, ganun din tayo bilang isang tao na hinuhusgahan ng mga taong hindi pa tayo lubos na nakikilala... Samakatuwid, hindi tayo nag-iisa... Hindi lamang tayo isinilang na kasing perpekto nila... ibig ko sabihin, na angat din sa iba' ngunit ganun pa man, ito ang katotohanan, na kailanman ay hindi tayo matututong lumangoy katulad ng isang "bibe" maging ng mga isda, sapagkat HINDI tayo hinulma na katulad nila... tayo ay itinalaga upang maging kaparis ng isang "agila" na ipinanganak upang lumipad.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


3 comments:

  1. Simple, pero may laman. Sana may like button to para ma-like ko kagaya nung ibang blogs. More power author!

    ReplyDelete
  2. ,,dko alam kung panu lagyan ng LIKE button eh'ahaha! :)) panu ba? hehe... thanks po sa comment' ^_^

    ReplyDelete
  3. ,,naggawa ko na ung request mo'hehe... ^_^

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008