REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, August 8, 2010

Pera... Pera... Pera...

”Anong pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang pera?”

Yaman?

Gastos?

Gimik?

Luho?

…..at ang iba ay kinokonsidera na din ito na KALIGAYAHAN, bakit? Dahil ba nabibili mo ang lahat ng gusto mo? Dahil ba sikat ka pag may pera ka? Pampadagdag ba ito ng pogi points na kahit amuy panis na pusit ka na ay pipilahan ka pa din ng mga kababaihan? Paano? BASTA MAY PERA. DAHIL SA PERA.

Hindi masyadong gumagana ang isip ko ngayon, dahil ang naaalala ko ay ang napanuod kong lumang pelikula na tortang talong LANG daw ang ulam nila… Bakit? Kase wala daw silang pera. Kahit naman sa tunay na buhay di ba? “Itlog na pula lang ang ulam, kase walang pera”… “Barbecue lang ang ulam, kase walang pera”… “Isda lang ang ulam, kase walang pera”… “Adobo lang ang ulam, kase walang pera”… Dapat bonggang-bongga pa ang ulam at pagkaen para masabing MAY PERA. Pero, paano na lang ang mga umuulam ng asin, umuulam ng toyo, o tubig para lang may maulam… para lang may makain… At lalo na yung iba na nasasabi na nilang: “WALA NA LANG ULAM, KASE WALANG PERA.”

telebisyon talaga ang drama ko ngayon…
Take note: Hindi ko siya paboritong kandidato, at hindi ito nangangahulugang pabor ako o hindi ako pabor sa kumandidatong ito… Nabihag lang talaga ng patalastas niya para sa kanyang pangangampanya ang puso ko.

“Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada?
Yan ang tanong namin, tunay ka bang isa samin?”



Sadyang masasayahin ang mga pinoy, minsan kahit ang mga bagay na dapat nang sineseryoso ay ginagawa pa rin na katatawanan… para nga naman masaya. Pero, sa likod ng isang seryosong bagay na ginagawang kalokohan ay isang malakas na pagkatok sa ating mga pintuan: GRABE NA ANG KAHIRAPAN, KAILANGAN NA NATIN ITONG BAWASAN.

Na sa kung sa tingin mo, wala kang pera, may mga tao pa din na mas hirap at walang pera na mas nangangailangan ng tulong mo. Yung tipong maski piso ay maiabot mo sa isang taong nangangailangan ng dalawang piso, yung piso mula sa iyong buong puso na walang halong kapaitan at pagdadalumhati sa pagbibigay nito. Huwag sana natin masyadong yakapin ang salapi o ang pera, at mas yakapin natin ang PAGMAMALASAKIT sa pamamagitan ng tamang paggamit dito. Huwag natin sana mapabayaan na ang pera ang siyang magpagalaw ng ating buhay, ngunit, tayo dapat ang siyang magpagalaw ng pera. Hindi tayo nilikha ng Diyos para sa pera, datapwa’t, binigyan tayo ng Diyos ng kaisipan upang maimbento ang pera para matuto tayong magsumikap para sa ating ikabubuhay.

Maraming bagay ang naibibigay ng pera, ngunit hindi lahat ng ating kailangan at dapat na malaman ay naibibigay nito, katulad na lamang ng ating kaalaman upang mamuhay ng marangal.





Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


2 comments:

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008