REMEMBER ME THIS WAY


Saturday, August 21, 2010

my PAST, not my FUTURE...

"Our lives are books and everyday is a page... we cannot erase what has already written, but we can always try to make the next page better!"ΓΌ -UNKNOWN


Habang nag-se-search ako sa net tungkol sa history,
Bigla akong may nabasa, hindi ko na matandaan kung sa blog ng iba ko nakita at nabasa:

”History repeats itself.”

Ganun na ganun din ang nakalagay, at maging ang pagkaka-type… at nang makapag-isip-isip ako ng konti, nailarawan ko ang kahulugan nito sa ganitong sitwasyon na: hindi lang kapag halimbawang nanapak ka ngayon, ay maaaring manapak ka ulet kinabukasan… kundi, pati ang susunod sayong henerasyon, at ang susunod pa dito ay maaari ding manapak, maaari ding magsapakan. It is HISTORY, and it repeats itself… Pero, paano naman ang mga katulad ko na galit sa nakaraan na dati ay isang kasalukuyan? Paano naman ang mga taong katulad ko din na nasabi at nasasabi na “Hindi ko hahayaan na maranasan ito ng iba”? Paano naman ang mga taong sabik na maging isang mabuting magulang, at asawa na walang nadatnan na buo at masayang pamilya? Paano na sila? ikaw? tayo? WALA NA BANG PAG-ASA?

Elementarya pa lang ako, simula noong natutunan kong magtanong, mag-isip, matakot at labis na mag-alala dahil di ko lubos na gusto ang aking mga nakikita, at maging ang aking mga nagiging karanasan noong panahong iyon bilang isang hinuhulmang kabataan, higit sa lahat, lubos na dinaramdam ko ang posibilidad na mai-pasa ko ang ganoong mga karanasan at mga pakiramdam sa mga tao na balang-araw ay huhubugin ko… Noon pa man ay madalas ko nang naririnig, at maging hanggang ngayon na, “sa ayaw man at sa gusto mo, maaaring maulet sa ibang pagkakataon ang nakaraan o ang kasaysayan mo.” Ito ay isa sa mga kasuklam-suklam na bagay na mahirap kong tanggapin dati, ngayon at kailan pa man. Gayun pa man, habang tumatagal, nakikita ko din sa wakas ang history, nakaraan, o ang kasaysayan bilang isang PATTERN na maaaring maipagpatuloy, o maaaring baguhin sa ibang pagkakataon.

Tayo ay pinagkalooban ng maykapal ng kakayahan na gumawa ng sariling desisyon.

Ginawa niya tayong TAO, at hindi isang ROBOT.

Kaya, sa araw-araw na dumarating at kusang pinapakilala sa akin ng kapalaran ang pagkakakilanlan ng dakilang lumikha, ay nababawasan ang takot at pangamba ko kahit paano, ang takot at ang pangamba na sa pamamagitan ng aking sariling mga kamay ay maaaring muling maranasan ng mga tao na nakalaan upang hubugin ko, ang mga di ko lubos na ginustong karanasan ng ako ang siyang hinuhubog…

Gayun pa man, MAY HUSTISYA AT PATAS ANG DIYOS.



Gaano man kabigat ang naging pagkakasala, o magiging pagkakasala ng mga lumang henerasyon, ng mga nasundan nating henerasyon, ng ating henerasyon, ng susunod sa atin na henerasyon, at ng iba pang darating na henerasyon,

Hindi pa din ganoon at magiging ganoon kabagsik ang PANGINOON upang ipagkait niya sa atin ang pagkakataon na maitama ang mga kamalian mula sa ating mga kasaysayan.




[,,History repeats itself, IF WE WON'T LEARN from the mistakes of the PAST... ^_^ ]

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008