REMEMBER ME THIS WAY


Monday, January 25, 2010

Alipin ka din ba?

Hayaan mo akong magsimula sa ilang mga tanong:


“Anung pakiramdam ng may kaaway at may kagalit?”

“Anung ginagawa mo kapag yung kaaway mo ay hirap ding magpakumbaba (katulad mo)?”

“Dumating na ba sa buhay mo na halos makapatay ka o nakapatay ka na ng dahil sa galit??”




Maraming tao ngayon ay isa sa mga alipin… alipin ng galit, sakit at hinanakit…. Marami sa kanila ay alipin din ng isang masalimuot na nakaraan, na hindi man gustuhin at di man sinasadya ay muli paring nababalik-balikan.

Ikaw mambabasa, tatanungin kita ulet….


“Alipin ka din ba?”


Narinig mo na ba ang mga salitang toh?: “FORGIVE and FORGET!” ako maraming beses na… paano ba naman hindi pa ata ako ipinapanganak e nag-e-exist na ang kasabihang yan’ Sabi ko nga date, FORGIVE madali pa pero yung FORGET??!!!!!! Hai nako… EWAN KO NA LANG! lalo na kung yung utak mo ay parang “history book” ng sarili mong life story’ wala kang nalilimutan masaya man o malungkot basta parte ng buhay mo, basta parte ng nakaraan mo. Pero alam mo ba na marami ring nagsasabe na kahit alin sa dalawa ay mahirap… ay sobrang hirap… yung makikita mo yung kaaway mo na pa-ngiti-ngiti (akala mo kaguwapuhan o kagandahan), ung tipong sobrang pa-cute na gusto mo nang ibato ang pagmumukha at palitan ng mukha ng kabayo. Oi, cool ka lang… baka matunaw na yan kakatitig mo. Lalo na kung parte ng pamilya o parte ng bahay niyo… yung tipong pinagmalupitan ka noong bata ka pa at walang kalaban-laban, yung tipong hindi ka pinag-aral kaya lumaki kang mang-mang (ayon sa iyo..), yung tipong ikaw ang sumalo sa pamilya dahil iniwan kayo ng padre de pamilya o ilaw ng tahanan, na nagpuputok ang butchi mo dahil sarili mong pangarap ay hindi mo natupad, dahil sa kakapilit mong tuparin ang pangarap ng iba dahil sabi mo at sabi din ng mga kamag-anak mo ay KAILANGAN. Kaya ngayon, galit na galit ka na masanggi lang ay para ka nang papatay (oi hindi ikaw uh’ tinamaan ka ba?? Sori huh’).

By nature na ata talaga yun, na hindi madaling magpatawad. OO tama ka naman eh’ hindi na kita lalabanan, hindi na ako makikipagdebate at makikipagtalo pa sa’yo kase naisip ko na din na tama ka’ HINDI MADALING MAGPATAWAD… Yung halos masira ang buhay mo dahil pinasan mo ang buhay ng iba, yung tipong naiiyak ka na sa sobrang saket ng nararamdaman mo pero hindi ka makaiyak kase naiisip mo mas mahihina pa sa’yo iiyakan mo. (hahahaha..) At yung tipong inabuso ka na pero dahil lahat ng nakikita mo sa paligid mo ay parang mas inabuso pa kaysa sa’yo uunawain mo na lang, ikaw na ang magtatapang-tapangan kahit ang nararamdaman mo e katapusan na ng mundo. TAMA?? Kung akala mo walang nakaka-relate sa’yo ay tama ka nga, AKALA mo nga lang yan.. Dahil hindi yan totoo…

Isipin mo toh:

=nagtrabaho ka ng nagtrabaho para makaipon ka para sa pamilya mo, tapos may umutang sa’yo na pinagkatiwalaan mo at ayan tinakasan ka’ (hindi ka tanga, mabait ka lang talaga…). Galit na galit ka na (siyempre kahit naman ako eh… ) kase hindi na talaga nagpapakita, buti sana kung piso lang inutang sa’yo di ba’ baka habulin mo pa yun para bigyan ng bente singko… mabait ka eh’ kaya lang 50k ang inutang o mga 100k eh’ ilang araw mo pinagtrabahuhan yun. Paano mo sasabihin yan sa magulang mo?
Malaking problema yan… kaya nagtawag ka ng tropa mo, at inutusan mo silang huntingin ang nagnakaw sa’yo at ayan… (gawin na nating past tense..) binugbog nila hanggang nagsuka ng dugo, at halos malunod sa sarili niyang dugo… na siya ring kumitil sa sarili niyang buhay. MASAYA KA NA BA??

Analysis: Ninakawan ka = pinapatay mo at nandamay ka pa ng iba, ng pinakamamahal mong tropapips.

=may babae kang natipuhan, niligawan mo at naging kayo... (gwapo ka eh’) ang bilis ng mga pangyayari.. Halos magli-limang taon na kayo… Mahal na mahal mo siya, at akala mo mahal na mahal ka din niya.. (sabi kase niya “I love you” daw). Hanggang pinuntahan mo siya sa bahay niya para yayain na magpakasal… at nung napasilip ka sa bintana,nakita mo siya… may kasamang iba’ ang kasama niya pa naman yung bestfriend mo. Nakita mo ang mga titig nila sa isa’t isa na halos matunaw na sila na parang icecream, halos magkapalitan na ng pagmumukha… tapos nakita mo pa dumampi ang labi nila sa isa’t isa… aw… ang saket nun di ba?? Kinabukasan, sumugod ka sa bahay ng bestfriend mo at sinaksak mo siya, siyempre naubusan ng dugo kaya namatay. Tapos gustong-gusto mo pumunta sa babae mo’ sa babae mo na nanlalake… sumugod ka sa haus nila dis-oras na ng gabe… pinilit mong may mangyare sa inyong dalawa kahit ayaw na niya sa iyo (last 3 years pa huling may nangyare sa inyo..), in short… ni-rape mo siya’ edi nakaganti ka na!

Analysis: niloko ka = nakapatay ka at nang-rape ka.

Pansinin mong mabuti, lalo na para sa mga hater at bitter jan. Naiintindihan kita na hirap ka magpatawad… gaya nga ng sinabi ko… tama ka naman.. mahirap talaga. Pero pwede ba, wag ka naman magpalamon sa galit mo. Wag mong hayaan na ang hinanakit mo ang siyang maging mitsya ng buhay mo pati ng mga taong nasa paligid mo… kung titingnan mong mabuti, mas malaki pa ang naggawa mong masama kaysa sa ginawa sa’yo… ibig sabihin, dinoble o tinriple mo ang kasamaan ng taong kinamumuhian mo! KAYA MAS NAKAKADIRI KA… (isipin mo.. )

Magpatawad ka… mahirap, OO! Masaket, SOBRA!… pero walang taong perpekto… maski ikaw, kailangan mo ng kapatawaran mula sa mga taong nasaktan mo’ Minsan, akala mo patuloy ka pa rin nilang sinasaktan... pero ang hindi mo lang alam na hindi ka na nila sinasaktan… IKAW NA MISMO ANG NANANAKIT SA SARILI MO, DAHIL SA MGA ALA-ALA MO!

Original name: Camille Loren Martinez




[They say, “time can heal the pain!” but this is what I’m telling you, “TIME CAN’T HEAL THE PAIN, UNLESS…………… YOU LET IT!" Ü]

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008