REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, January 24, 2010

MUNTING TINIG

Halika, magusap tayo’ OO! Wala ng iba… IKAW NA NGA!
Wag ka matakot, hindi naman kita kakagatin eh’ may itatanong lang ako sayo…


“Naranasan mo na bang magutom?”


Ang tinutukoy ko dito ay yung gutom na isang linggo kang hindi kumakain’ yung halos maramdaman mo na, na may alaga kang mga ahas sa loob ng tiyan mo na pilit na nagwawala… pilit na sumisigaw: “HOY! PAKAININ MO NAMAN KAME! GUTOM NA GUTOM NA KAME!” naririnig mo na ba sila?

-naitanong ko ito sa’yo dahil napansin ko na sa mundo naten ngayon marami na ang nagugutom… Marami na ang nanlilimos para sa bente singko at piso, para pagsama-samahin nila at makabili sila ng tinapay, marami na ang mga taong maski hotdog at balot lang ay hindi pa natitikman… Maraming tao na ngayon ang nagkakasakit na sa bato dahil walang maulam kundi “asin” at maraming tao na rin ang puro “chicken” na lang ang nauulam… OO! puro “chicken” na lang na galing sa basurahan (galing sa mga may kaya na mapag-aksayang). Parami na sila ng parami’

Ikaw ba? Paano ka nabubuhay? Kung istudyante ka magkano baon mo sa loob ng isang araw? At kung nagtatrabaho ka naman magkano ang sweldo mo at saan napupunta ang mga ito?

Bilang istudyante na may 150 na baon galing sa Cavite na nagaaral sa Lyceum:

-Pamasahe: 25 pesos (pag istudyante) papuntang Lyceum.
-Pagkaen = lunch: 20 pesos (pag nagtitipid ng time) 3pcs. Siomai at rice
=Miryenda: 17 pesos.. egg sandwich
=drink(s): water = 12 pesos (Lyceum canteen)
-Pamasahe: 25 pesos (pag istudyante) pauwe sa Cavite.

Total gastos:_ _ _ _ _ _ _
Total ipon: _ _ _ _ _ _ _

Pag nagtratrabaho ka naman na may sweldong 17k a month na nakatira sa Cavite:

-Pamasahe: assuming na 100 pesos transportation papunta at pauwe…
-Pagkaen: 100 pesos lahat na yun. Pag hapunan sa kanya-kanyang haus na yun.
-ambag sa bahay para sa nanay: 1500 to 2000 pesos (kada-buwan).
-pag nag-re-rent naman depende sa napagusapan.

Total gastos:_ _ _ _ _ _
Total ipon: _ _ _ _ _ _

Oh ayan yung computation ko. Ikaw naman… try mo din’ MAGTIPID ka naman na din...

Nag-compute ako at ipinamumukha ko sa’yo (hahaha... di naman ako nakikipagaway o naghahanap ng away uh’) para malaman mo na kahit piso lang sa loob ng isang linggo ay may maiipon ka kung gugustuhin mo’ sabi nga, “kung gusto maraming paraan, kung ayaw marami ding dahilan!”

Kung makikita mo ang mga pagmumukha ng mga taong sagad na sa kahirapan habang ikaw ay naghahanap at naaadik-adik na sa kakagimik at kakaaksaya ng pera (social life daw..) maiisip mo na swerte ka pa din’ kahit puro ka reklamo sa liit ng baon mo, at sa liit ng sweldo mo (kung may trabaho ka… ) ang punto ay meron ka nun… may nahahawakan kang pera… ngunit ang mga ito ay halos wala na’:






Siguro, ang meron na lang nila ngayon ay ang diskarte, lakas ng loob at tibay ng sikmura, dahil kahit halos matanggalan na sila ng ngala-ngala sa kakasigaw, sa kakapakita at sa kakapadama na kailangan nila ng kahit konting tulong, pero consistent na talaga ang iba na parang wala ng tenga na marunong pang makinig, wala ng balat na marunong pang makaramdam at wala na din puso na marunong pang maawa sa mga katulad nila… kaya nananatili sila na may mga munting tinig’ dahil kahit anu pa man ang gawin nilang paraan upang palakasin pa lalo ang kanilang mga tinig para malaman ng iba ang sitwasyon nila pero parang wala na nga silang napapala at mapapala pa… sa tingin ko, wala na nga’

Sana, bago pa tuluyang malamon ang mundo ng kasakiman at kahirapan, may maggawa na tayo para muling maibangon ito…. Sana…





Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008