REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, January 28, 2010

Endure forever


Noong Aug 7, 2007, (2 years and 6 months na nakalipas) may na receive akong text na ang nakasaad ay ito… “C**i*l*, si kuya_ _ _ _ patay na!” hindi ko makakalimutan nung nabasa ko ang mga salitang ito… hindi ko na sasabihin kung ano ang pangngalan niya. Ang gusto ko lang isiwalat ay kung ano siya date sa buhay ko noong panahon na nabubuhay pa siya.

Bukod sa asawa siya nung adviser ko nung “grade 2” pa lang ako, siya rin ay isang kaibigan… Hindi lang sa akin pero pati na rin sa iba pang istudyante… guwardya xa date sa skul namen ngunit bukod sa pagiging gwardiya ay may mas malake at mas mataas pa siyang pangarap kaya lang ang kwento niya sa akin ay hirap na niya ito na matupad dahil sa saket niya… kung anuman ang saket niya ay hindi ko na iyon matandaan.

Siya yung taong tumulong sa akin, at nagpababaw ng buhay… Noong inakala ko na parang nalulunod na ko sa sobrang kalaliman… siya ung nagturo sa akin na wag matakot magpakababaw, siya ang nagpaliwanag at nagpaintindi kung gaano ka-importante ang mga bagay na mabababaw, at kung paano hinihilom nito ang mga sugat na dala ng kalaliman…

Noong araw na yun na may nagtext sa akin, napaisip ako ng sobrang lalim… naisip ko na ganun lang pala ang buhay… napaka bilis…. Ngayon kasama mo yung taong minamahal at pinapahalagahan mo… pero bukas hindi mo lang alam na kahapon na ang huli niyong pagkikita… noong oras na yun, hindi ko naisip yung mga bagay na naiisip ko date tuwing may nababalitaan ako na tuluyan nang nagpaalam at namatay… Noong panahon na yun, naisip ko kung ano ba dapat ang kailangan kong gawin para kung sakali man na ako naman ang mahimlay sa panghabambuhay ay masasabi ko na may naambag ako… kahit hindi na sila magiyakan o malungkot… Ang gusto ko makita sa mga mata nila ay “saya”, saya hindi dahil wala na ko sa mundo at sa buhay nila… Ngunit "saya" na kahit wala na ko ay hindi pa din nila malilimutan ang mga ala-ala ko dahil sa mga may kasaysayan na naambag ko… Muli akong napaisip na minsan dumarating pala talaga sa buhay na yung nakikita natin na malakas pa ngayon bukas-makalawa nasa ataol na at inihuhulog na sa ilalim ng lupa… tapos wala na... kailanman ay hindi na niya makakapiling ang mga taong minsan ay naging bahagi ng buhay niya…. Kalianman ay hindi na niya muling mayayakap ang mga ito, maiiyakan, mababatukan, masasabihan ng "mahal kita", sapagkat kalian man ay ang mga ala-ala nila ay mananatiling ala-ala na lamang.

Noong oras na yun, naisip ko yung sinabi niya saken, “ang mga sinasabi ko ay nananatili sa mga taong nakakarinig…. Yun ang kapangyarihan ng salita ko.” – nung sinabi niya ito parang nagbibiro lang siya… ang sabi ko nga para siyang nahihibang’ tila hindi niya alam ang sinasabi niya… Pero noong wala na siya at tuluyang pumanaw, naisip ko tama siya… Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan ang mga sinabi niya na bumago sa buhay ko. Yung mga kababawan na sinabi at ipinakita niya na nagputol sa lungkot na dati’y nadarama ko, yung mga bagay na puro kalokohan na inakala kong walang kabuluhan ay siya pa palang nagturo sa akin upang tuluyang lumigaya at tuluyang matutong lumaban.

Sa kabila ng lahat, naiisip ko ngayon na sana pwede ko pa ibalik ang panahon… kahit isang minuto lang sana ng mga panahong nasayang ko ay maibalik ko pa para maggawa ko siyang pasalamatan at masabihan na: “mahal kita at hindi kita makakalimutan kailan pa man!”………


Gusto ko ibahagi sa inyo ang tulang ito...
(i wrote this when i was in 2nd year high school):

Panahon

Lumipad, tumakbo, tumalon...
languyin ang malalalim na balon,
hangga't may hininga at salitang mabibigkas,
hangga't may panahon at sapat na lakas.

Ang buhay ay handog ng maykapal
subalit ito'y minsan lang magtatagal,
kaya't gamitin ng wasto't pahalagahan
sapagkat darating ang panahon, ito ri'y mawawakasan.

Ang lipas na ay hindi na muling mababalikan,
ang kabataan ay minsan lang madaratnan,
kaya't huwag natin itapon ang pagkakataon...
na minsa'y mabuhay at magkaron ng panahon.




[enjoy living...ü ]

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008