REMEMBER ME THIS WAY


Saturday, January 23, 2010

“Words from the heart”

,,Para sayo mambabasa.. :)


"Ano ba ang bumubuo sa isang sulat, liham, shinsho (salitang hapon) o letter?"


Simulan naten sa mga letters o (mga) letra na ito:


= A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z....

Para sa tagalog:

= A, E, I, O, U
BA, BE, BI, BO, BU
KA, KE, KI, KO, KU.................... up to "ZU"

Para sa mahilig mag-computer:

= Q, W, E, R, T, Y, U, I, O, P, A, S, D, F, G, H, J, K, L, Z, X, C, V, B, N, M....


Yan ang mga basic na letra na kapag pinagsama-sama ay bubuo sa isang sulat, liham, shinsho, o letter. Parang katulad ng tao... may atay, apdo, balat, pusod, buhok (sa anim na parte ng katawan), ilong, mata, tenga, kili-kili, puso at iba pang parte ng katawan na kumukumpleto sa tinatawag na “pagiging tao” o "pagkatao"..

“Baket nga ba nagsusulat ang mga manunulat?”


Dati pa man gustong-gusto ko na magsulat…. Pero hindi para sambahin ng tao ang mga sinusulat ko, hindi para purihin ako ng mga tao “ang galing-galing mo naman!” (wow! it's fantastic, you’re so plastic!), dumugin at pagkaguluhan at higit sa lahat hindi para yumaman... So bakit ako nagsusulat? Simple lang, dahil gusto ko! Gusto ko magsulat at mabasa ng ibang tao ang mga isinusulat ko. Masaya ako na nakakapag-ambag ako sa mga tao na may sari-sariling mundo na pinagsama-sama sa iisang planeta habang binabasa nila ang mga sinusulat ko at nasasabi nila minsan na “oo nga noh… tama xa!” oh di ba... Yun ang kaligayahan ko.

Ang pagsusulat ay ginagamitan lamang ng mga ilang bagay, isa na dito ang mga sumusunod: kailangan mo ng puso, karanasan, kaluluwa, utak at dagdag mo na din ang lakas ng loob at kapal ng pagmumukha... Bukod sa mga "ginagamit" sa pagsusulat, marami ding dahilan kung baket tayo nagsusulat... maaaring dahil required, dahil walang maggawa para magsilbing pampalipas oras, para purihin o dahil lang sa pareho kong dahilan, DAHIL GUSTO KO.

Ito ang tandaan mo:

Ang pagsusulat ay hindi katulad pag natatae ka at kahit anu pang pigil mo ay sasabog pa din kaya kailangan mo talagang magmadali at pumunta sa banyo para ilabas yun don, kesa sa upuan mo pa pasabugin at itaboy ka ng mga taong katabi mo. Hindi ganun ang pagsusulat dahil dito kailangan ibuhos mo ang iyong puso pati na ang iyong kaluluwa, hindi katulad ng pagtae na pwet lang kailangan mo at isang matinding energy at ayon na, lalabas na ang iyong pinakahihintay.


Di ko alam hanggang ngayon kung may mapapala ba ako sa mga sinusulat ko... Basta ang alam ko lang ay may kapuntahan man ito o wala, at least binigay ko ang puso ko ng buung-buo sa mga isinusulat ko para sa mga mambabasa. Wala akong pake sa negative feedback ng mga tao tungkol sa pinili kong tahakin at piniling paglagyan. Ang importante, hindi ko piniling ikahon ang sarili kong utak at damdamin’ ang importante, nagdesisyon akong sumugal at paliparin ito sa abot ng kaya niyang marating - sa kaya niyang liparin, dahil minsan lang ito makakalipad… at ang minsan na yun ay maaaring hindi na maulit kailan pa man.

Kaya ngayon pa lang, hindi na ko natatakot... baket pa? di ba? Simpleng manunulat lang ako na gustong hawakan ang mga dibdib ng mga mambabasa (wag kang GREEN), yung tipong nagagalaw ko sila kahit hindi ko nakikita. Sa simpleng paraan lang. BASAHIN LANG NILA ANG MGA SULAT KO. :D



[,,keep writing, keep flying... :)]

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008