REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, February 28, 2010

Employment (from a dreamer)...

Nag-umpisa ang buhay ko bilang isang mag-aaral sa pre-school, hanggang naging highschool, at ngayon ay college na. Nasa tatlong taon na ako sa kolehiyo, na hinding-hindi ko naisip na mangyayari kahit sa guni-guni ko.

Noong nakaraang taon, napaisip ako... Dalawang taon na lang... Pagkatapos ng dalawang taon, anu na kayang mangyayare? Anu kayang magiging trabaho ko? Magkano kaya magiging sweldo ko? Magagamit ko kaya yung pinag-aralan ko? Hindi pa din ako sigurado kung ano ang kahihinatnan ng bukas... ng bukas na dati-rati'y kinatatakutan ko.

bakit?

...Dahil hindi ako sigurado sa maganda at maunlad na bukas, hindi ako sigurado kung mayroon akong magagawa o gagawa lamang ako ng wala. Sabi nga ni Bob Ong, "Mahirap gumawa ng wala..." Dahil sa pag-apak natin sa ibabaw ng mundo ay simula na ito ng responsibilidad at pananagutan natin sa bawat isa na nakapaligid sa atin, kaya kung wala tayong gagawin ay may ginagawa pa din tayo... Ito ay ang maging pabigat sa mga taong pinaliligiran natin. At yun ang kinatatakutan ko mula pa elementarya, nang dahil sa aking pagkamulat sa mga taong patuloy na walang ginagawa, maging ang mga politikong gumagawa ng wala... na nagdudulot din ng kawalan.

Dati nga naaalala ko, lagi akong pinagtatawanan kapag sinasabi kong pangarap kong maging isang artista... (haha...) Sincere naman ako... Nakakatawa ba talaga? Nabuo ko sa pag-iisip ko ang pangarap na ito dahil maliban sa minamahal ka ng madaming tao, ay may kapangyarihan ka pang pasukin ang mga emosyon nila sa pamamagitan ng pagiging ikaw sa larangan ng pag-arte. Yung tipong napapatawa mo sila pag masaya ka, napapaiyak mo pag malungkot ka, at nae-engganyo mong maging matatag at lumaban sa tuwing patuloy kang lumalaban. Gusto ko ang kapangyarihang iyon... Yung kapangyarihang inpluwensiyahan ang mga tao nang dahil sa inpluwensiyang nagagawa ng media.

Yun ang gusto kong pasukin date, ang gusto kong maging bukas mula noon hanggang ngayon...

Ngunit, subalit, datapwa't hindi pa din ako sigurado sa dalang kapalaran na hatid ng bukas, kapag naiisip ko kung anu kaya kahihinatnan ko sa masscomm ay nahihirapan akong makagawa ng tulog... Dahil sa takot na baka wala nga akong maging trabaho, baka hindi ko maggawa ang nasa puso ko' ang halos karugtong na ng bawat hininga ko... Ang pangarap ko na ipakilala at maipakilala sa mga tao ang anino ng kahapon, ngayon at bukas sa pamamagitan ng pagiging ako sa larangan ng pag-arte.

...Kung iisipin natin, ang maging Presidente, Senador, lawyer, nurse, artista, model, manunulat, reporter, karpintero, janitor, basurero, at madami pang uri ng trabaho... ginagamitan man ng mataas o mapa-mababang kaalaman, ay mahirap maisakatuparan ng marangal at maabot ng bongga... parang mga ulap sa kalangitan na nangangailangan ng araw at mga bituin, nangangailangan din ito ng matinding pagsisikap. Pero minsan naisip ko din na sa sobrang pag-sisikap ay tila nalalamon na ng pagtratrabaho ang ating mga panahon... Magigising na lang tayo na matanda na tayo, at hindi na muli pang mababalikan ang mga panahong nakalipas na... kaya huwag masyadong magsikap huh... Babanggitin ko ulet na (GIMIK), Lahat ng sobra ay nakakasama...


Ikaw ba ay handa na sa kinabukasan mo?

Anung gusto mong maging bukas?
share mo naman... ΓΌ


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008