REMEMBER ME THIS WAY


Monday, February 22, 2010

It's a small world

Paano mailalarawan ang mundo ng mga bata?

Pumunta kame nung isang araw (Feb. 20,2010/sat/ - to be exact) sa dati naming hang-out nung kame ay mga bata pa... San pa ba? Edi sa "story land", sinu ba namang bata ang hindi mahilig sa mga adventures katulad ng mga nakakalulang rides... Ang naiisip nila ay parang ang laki-laki ng paligid, ang laki-laki ng kanilang palaruan. Katulad na lang nung kame ay mga bata pa... Ngunit nung aming binalikan, ang dating mundo na inakala naming sobrang laki ay nagbago... lahat ng malaki sa aming paningin ay nagbago' parang ang laki ng niliit... Tinanong nga ng kapatid ko: "Bakit date parang ang laki nito, bakit ngayon parang ang liit na lahat?" ang nasabi ko na lang ay... "yan ang bata..." it's a small world.

Kung date bilang bata ay mahilig tayong magbahay-bahayan, ngunit habang tayo ay nagkaka-edad ay nagiging pangarap na natin na magpatayo ng sarili nating bahay, na magkaroon ng sariling buhay. Kung date ay tayo ang tinutulungang mahubog, ngunit darating ang panahon na tayo naman ang tutulong sa paghubog upang magkaroon ng panibagong ganap na tao. Lahat tayo ay nabuhay upang may gawin sa ating lipunan, upang may mabago sa ating mundo sa wastong pamamaraan... Hindi tayo maaaring magkulong na lamang sa anino ng kamusmusan.

bata... bata... bata...

Ang bata ay ang simbolo ng pagpapakumbaba... Minsan ko ngang narinig na nararapat nating tularan ang isang bata, ang kanyang ugali, ngunit hindi ang kanyang pagiging isip bata. ISIP BATA nga siguro kung maituturing ang isang musmos ngunit lingid lamang sa ating kaalaman na maaaring nasa kanila ang kasagutan, maaaring nasa kanila ang susi tungo sa maunlad na pamumuhay.

Marahil, maraming alam ang mga matatanda na hindi pa alam ng mga maituturing na mga musmos pa lamang, ngunit may mga nalalaman din ang mga musmos na hindi nalalaman ng mga nakatatanda... Sa puntong ito, lahat tayo ay masasabing BATA.

Familiar ka ba sa kantang ito?

"Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangngalan at karapatan, tumatanda ngunit bata pa din ang bawat tao sa ating mundo........."

Lahat ng tao ay naranasan o mararanasang maging isang bata... Lahat man ng tao ay tumatanda sa edad, ngunit lahat tayo ay masasabing isang bata pa rin, tayo ay nananatiling bata... sapagkat walang tao ang may kakayahang tumayo sa sariling mga paa na walang paggabay at pagmamahal ng maykapal. Yun ang tunay na qualifikasyon ng isang bata.



[It's a small world... AFTER ALL' ΓΌ]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008