REMEMBER ME THIS WAY


Tuesday, February 23, 2010

Pangalan

Ayon sa libro o pagaaral ng asignatura na FILIPINO mula graders, kahit pagdating ng hayskul at hanggang kolehiyo, na ang pangalan ay ang nagbibigay ngalan sa tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari. Sino namang magaaral o naging magaaral ang hindi saulo yun?
Bukod sa pagaaral ng asignaturang FILIPINO, pagusapan natin ang "pangalan" sa pamamagitan ng tao... NGALAN NG TAO.

Bawat tao ay pinagkakalooban ng "pangalan" ng kanyang mga magulang, sapagkat ito ay importante para sa kanyang pagkakilanlan. Ang "pangalan" ay ang nagsisilibing kanyang tatak sa mundong ito... Kaya ito din ang pinakamasarap maring ng isang tao, ang pagsigawan ang kanyang pangalan, yung tawagin siya sa kanyang pangalan na walang halong pambabastos, na may respeto.

Simula noong grade 4 ako, napansin ko ang pagkawalang respeto ng mga tao sa pangalan" ng iba, nilalagyan nila ito ng bansag o ang tinatawag na code name para hindi daw malaman ng iba na sila ang kanilang pinag-uusapan...

Halimbawa nito ang mga sumusunod:

* may diperensya ang mata - duling
* medyo mahina ang pag-iisip - abo
* kalbo nung baby - kalbo malutong ulo
* "Galicia" ang apelydo - galis

................at pati ang pagdadagdag ng salitang "TOT" sa dulo ng "pangalan, o apelydo, halimbawa: "COTOT"
Bukod sa eskwelahan, naririnig ko din ang mga bansag o mga code name sa loob ng aming tahanan. Katulad ng mga sumusunod:

* mahilig kumain ng balot - balot
* MUKHASIM ang pagmumukha o mukhang maasim - paksi o paksiw
* may pagka-mataba - batchoy
* may pagka-mayabang - bagyo
* maraming uod ang lumabas nung nagpurga - bulate
* kamukha daw ni "Santino" sa MAY BUKAS PA - Santino

Hindi din pinalagpas pati mga napapanuod sa TV:

* "bipolar" ang role - bipolar
* "sira-ulo" ang role - lukring
* "chismosa" ang role - chismosang
* hindi biro ang katabaan ng contestant - dambana

.....at...at...at madami pang iba. Maaaring nakakatawa sa tuwing naririnig natin ang mga lokohan, gaguhan sa pangalan ng iba... Pero kung iisipin nating mabuti, ito ay nakakasuka. Pag tinawag ka sa stage upang humarap sa napaka daming tao at ine-expect mo na tawagin ang pangalan mo ngunit ang ginawang pantawag sa'yo ay ang kamukha mo daw na character sa cartoons, kahit gaano pa sila ka-cute ay nakakainsulto... nakakadiri... kase hindi IKAW yun.

Pinagkalooban ng Pangalan ang isang tao upang bigyan din ito ng respeto... upang igalang ito. Kaya kung pagtawag pa lang ng pangalan nang may halong respeto ay hindi mo na maisakatuparan, paano mo pa maisasakatuparan ang mas malalim na paggalang?!... Sa ganitong sitwasyon, paano ka rerespetuhin kung ikaw mismo ay hindi marunong rumispeto?...!


"Pangalan"... napaka importante sa isang tao na tawagin siya sa sarili niyang pangalan' iba yung sarap na sarili mong pangalan ang naririnig mo' Kaya kung ibang pangalan ang ginawang pantawag sa isang tao, o kaya naman ay ginamitan ng ibang bansag o code name, para narin itong ginago at ininsulto...

Sana respetuhin natin ang bawat isa kahit simulan muna natin sa napaka-babaw lamang na pamamaraan, ang bigkasin ang sinasabing tatak ng bawat tao sa ating mundo, ang kanyang PANGALAN.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008