REMEMBER ME THIS WAY


Tuesday, June 29, 2010

Sana, kahit isang araw lang... :|

Hindi ko alam kung ano talagang dahilan…
kung baket ko laging naisisiwalat ang mga ala-alang para sa iba ay inaamag na,
na para sa iba ay nabubulok na…

Hindi ko din alam kung baket pa nga ba. HINDI KO DIN ALAM…

Ngayon, dumating ako sa puntong parang gusto ko na i-rewind ang mga kahapon…
Parang may gusto pa ko maranasan sa mga lumang panahon.
Hindi pa man ako dumating sa lubos na katandaan,
Pero, parang hindi pa sapat yung mga araw at mga gabing itinulog ko sa murang edad, parang hindi pa ako handa sa naging mabilis na paglipas ng panahon, ng mga taon…
Nagulat ako… nagulat ako na pagkagising ko isang araw ay 20 yrs old na ako…
At di na kasama sa listahan ng tinatawag nilang KABATAAN…

ITO LAGI ANG NARARAMDAMAN KO SA TUWING MAY NAG BI-BIRTHDAY…

May tumanda na naman… katulad ng araw-araw at di maiiwasan na nagaganap sa buhay ng bawat tao… sa buhay nating lahat. . . ang pagtanda…
Katulad ng iba, o siguro katulad mo din, imbes na matuwa pa dahil tumatanda at humahaba ang buhay ay kabaligtaran nito ang nagaganap… nalulungkot…
Nalulungkot dahil nalalapit na ang pagbabago na ewan ko kung ano…
Nalulungkot dahil baka isang araw pag gising natin sa umaga, kulubot na din tayo… wala nang lakas, wala nang pagkakataon…
Nalulungkot, dahil parang hindi pa sapat ang mga panahon na ginugol natin bilang isa sa mga kabataan… At nalulungkot dahil pigilan man natin ang pag-andar ng panahon ay walang sinuman sa atin ang makakagawa nito… Hindi katulad ng laruan na maaari nating sirain kapag pansamantala nating ayaw laruin… Ang panahon ay may sariling buhay na DIYOS LAMANG ang maaaring kumitil…

Pinagsisisihan ko ang mga panahon na nakikipagpa-tandaan ako sa mga kaklase ko noong bata pa lamang ako… Noong minsan kong nahiling na sana ay madagdagan at madagdagan pa ang edad ko, na sana ay tumanda na ako…

Dahil… alam ko sa puso ko na hindi pa sapat…
Hindi pa sapat ang mga dati kong panahon bilang isang bata na sabik na mahubog…
Hindi pa sapat ang asaran at kalokohan na naranasan ko noong elementarya na ngayon ay gusto kong muling mabalikan. Hindi pa sapat ang mga araw na pinapagalitan ako ng mga guro at pagkatapos ay inaamo para lamang matuto… Hindi pa sapat ang mga harutan, asaran, tuksuhan, away-bati moments, mga kaibigan, mga kaklase, mga masasayang karanasan na minsan kong natunghayan, minsan kong natagpuan. Hindi pa sapat ang mga panahong ginugol ko noong high school para mapatunayan ang sarili ko… Ni hindi pa ako nakapaglaro sa ulan, habang tumatakbo at nakikipag-habulan, habang nakikipag-asaran… Hindi ko pa din naranasang mangaroling tuwing malapit na ang pasko at abutan ng bente singkong pagtatawanan ko…

HINDI PA SAPAT…

Hindi ko pa masyadong nayakap ang sinasabing “Masaya” na kabataan habang nagaaral ng normal sa elementarya at high school… Hindi ko pa naitawa ang pinaka-malakas kong tawa, naiyak ang pinakamasakit kong hinanakit, hindi ko pa gaanong naikanta ang pamatay kong tinig... hindi ko pa din napasalamatan ang mga minsang naging bahagi ng pagkahubog ng aking nakaraan, ng aking pagkatao bilang isang kabataan. Hindi ko pa din gaanong naramdaman ang pagsuporta ng mga taong dapat kong maasahan… Hindi pa din nagkakaron ng kasunduan ang ilang hindi pagkakaintindihan.... hindi ko pa din lubos na narinig sa mga naging bahagi ng buhay ko na masaya silang naging isa ako sa mga bumuo ng buhay nila............... Sadyang HINDI PA SAPAT.
Hindi pa sapat ang aking naging panahon sa nakaraan upang tuluyang mabuo bilang isang sanggol, toddler, naglalaro stage (playing stage), nagaaral ng elementarya at high school stage, at maging bilang isang mamamayan na minsan ding naging bahagi ng kung tawagin ay “kabataan”…

Hinahanap-hanap ko pa… Gusto ko pang mahagkan at mayakap ulet ang minsang pagkakataon na AKO ang siyang hinuhubog… Ang minsang pagkakataon na may nabubuhay para maging ganap akong buo, para patuloy akong mabuhay bilang isang ganap na tao...


Hindi man pansin na mabilis akong tumatanda… pero, sa puso ko sinisigaw nito na sana puwede pa… Sana puwede kong itigil ang paglipas ng panahon… Sana puwede kong iurong ang ngayon at muling buhayin ang kahapon… Sana puwede kong palitan ng masasayang karanasan ang mga karanasang nagpahina sa aking pundasyon, burahin ang mga ala-alang nagdala sa akin sa kasawian at kadiliman… Sana puwede kong tanggalin at pakawalan ang mga hinanakit na minsan-minsang namamahay sa aking kalooban...

Matagal ko nang pinapangarap ito...
Sana may bathalang makabasa at makadama ng aking pagsusumamo... sana may kung sinuman na maaaring maghinto at magbalik ng mga nakalipas na panahon…
Na sana kahit isang araw lang magkaron ako ng pagkakataon na maibalik at maisakatuparan ang mga bagay na ninakaw sa akin noon, ang mga bagay na naipagkait sa akin sa mahabang panahon.

SANA... SANA PUWEDE PA...






Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


2 comments:

  1. wag na.. kc kawawa klang sakin. araw-araw lagi kitang pa-iiyaikin. *crosses finger* :)

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008