REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, July 25, 2010

Letting go...

Bago matapos ang buwan na ito,
Nais kong ibahagi sa inyo ang aking kuwento
na naganap sa unang araw ng buwan na ito higit limang taon na ang nakakaraan…


July 01, 2005 (Friday)

Ito ang petsa sa kalendaryo na hinding-hindi ko makakalimutan…
Ang saktong araw kung kailan ako nagdesisyong lumaya,
upang hayaan ang iba na ipagpatuloy ang kanilang buhay ng masaya.

Naikuwento ko na ang mga pangyayaring ito
ngunit masyadong detalyado, with matching dialogue pa...
kung friend kita sa facebook at kilala mo ako bilang isang mag-aaral,
at higit sa lahat, kung gusto mong kilabutan (promise!),
eto siya: REMINICSE.


ROVER namin sa school, 3rd year high school.
Ito ang panahon na naramdaman ko talaga ang bigat ng mundo…
yung pakiramdam na wala nang natitira sayo,
yung pakiramdam na tinalikuran ka na ng buong mundo,
at tuluyan ka nang nilamon ng mga kahinaan mo.

Habang nasa bus ako, napapaisip ako…
"Sa pag-alis kong ito, ano na ang mangyayare sa buhay ko?”
“Ano pa ang mararating ko?”

posibleng ang sagot dito ay isang napaka saklap na WALA,
pero, sa pag-iisip at sa pag-aalala sa mga taong naaapektuhan ko,
sa mga taong nadadamay at nagiging miserable din ang pamumuhay
nang dahil sa pamumuhay ko,
nagpatuloy ako sa paglalakad,
nagpatuloy ako sa paggalaw ng aking mga paa
kahit wala akong alam na mapupuntahan,
kahit hindi ko alam ang aking kahihinatnan…
dahil sa posibleng pagkawasak din ng kanilang matinong pamumuhay,
nang dahil sa akin…
Hindi lamang isa at ang sarili kong buhay ang puwede kong mawasak sa aking pagpapatuloy
at paglaban sa dating nakasanayan…
kundi, lahat ng taong minsan ay ginustong tumulong at ilayo ako sa madilim,
at mabigat kong pinapasan…
Sa pagkakataong iyon, nasabi ko sa sarili ko na:
”Ayoko man, pero kailangan… KAILANGAN!”
sapagkat kailanman, hindi ko pinangarap na maging pabigat
sa aking mga kinasasakupan...
at maging alipin ng galit at kapighatian.

Sa ganitong klase ng pagkakataon,
lage tayong may CHOICE…
ngunit gayun pa man, minsan,
ang CHOICE lang naten ay kung saan mas lessen ang saket.

Nandidiri man ako sa sarili ko dahil sa mga naggawa ko noon na wala sa puso ko,
at dahil sa mga taong patuloy na nasasaktan…
ngunit, mas nandidiri ako sa katotohanan na:
minsan kong napabayaan ang ibang tao
na hulmahin ang sarili kong katauhan…



Sa panahong ito,
mula sa kadiliman, natanaw ko ang liwanag mula sa maykapal,
nang may ginamit siya upang hindi ako mapariwala
at humantong sa masalimuot na kawalan…
Hindi man ako nakapag-let go sa paraang inaasahan ko,
ngunit, unti-unti kong nasusulyapan ang kalayaang dati ko nang inaasam.
na sa kahaba-habaan ng aking paglalakbay na inakala kong wala nang patutunguhan,
gumawa ang Diyos ng ibang daan upang ako ay may madaanan…

At minsan ko ulet nasabi sa sarili ko na:
MASARAP LUMABAN, SAPAGKAT NAPAKA-SARAP MABUHAY!






Special mention to GRACEYANN APUAD (Ate Shan) for being an instrument of HIM.
I can’t imagine how’s this life may be in the present, if you never found me… :)
Thank you so much!!





[ "MOVE ON, but don't move away..." ♥ ]




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


4 comments:

  1. nakaka iyak namn ang story mo. nakakainspire. di ka pababayaan ni god. :D

    ReplyDelete
  2. ,,aw... salamat Michelle' God bless US! mwah... ^_^

    ReplyDelete
  3. "At minsan ko ulet nasabi sa sarili ko na:
    MASARAP LUMABAN, SAPAGKAT NAPAKA-SARAP MABUHAY!
    "
    Tama!^^

    ReplyDelete
  4. ,,thanks Whoever you are. :D
    God bless. ^_^

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008