REMEMBER ME THIS WAY


Thursday, August 26, 2010

the BUS... (hostage crisis)

Bago magbagsak ng mabibigat na paratang,
Tanungin muna ang sarili:

”Ano ba ang naggawa ko para sa bayan ko?”





Marami ang naasiwa sa kinalabasan ng hostage drama noong nakaraang lunes (August 23, 2010), halos lahat ng bansa ay tumutok mula 10 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi… Hindi nagustuhan ng karamihan ang ginawa ng SWAT rescue team, kaya lumabas na naman ang pagkamasayahin ng mga Pilipino. Tulad ng aking inaasahan, nagkaroon nga ng iba’t ibang kahulugan ang SWAT na kung noong una ito ay nangangahulugang Special Weapons And Tactics, ito ay naging…

Sorry We Aren’t Trained.
Sorry Wala Akong Training
Sobrang Wala Akong Training
Sugod. Wait. Atras. Tago.
Sana Wag Akong Tamaan

para sa masyadong masasayahing mga Pilipino.


Pagkatapos ng hindi masyadong pagtatagumpay ng nasabing rescue team, madami ang nagbigay ng kanya-kanyang mga maaanghang na kumento, lumaganap ito sa mga site, katulad ng facebook, youtube, yahoo mail, google, blogs, at kahit sa friendster na tila napaglipasan na ng panahon. Halatang-halata na hindi maligaya ang lahat sa naging resulta, halatang-halata ang sama ng loob ng ibang bansa sa ating bansa lalong lalo na ang bansang Hongkong, at maging ang ibang bansa na hindi naman nadamay ang kanilang lahi sa naging madugong hostage crisis . Halatang-halata din ang mga nagaalab na sama ng loob mula sa nagaalab na mga kumento ng iba’t ibang lahi dahil sa pare-pareho nating hindi ginustong maganap. Halatang-halata ang pagdadalumhati ng bansang Hongkong para sa kanilang mga kalahi, ang hinagpis ng mga taong nabigyan pa ng pagkakataong mabuhay dahil sa naging kapalaran ng mga nakasama nila sa loob ng apat na araw na mabilis na binawian ng buhay. Halatang-halata ang pait mula sa pangyayaring muling sumubok sa ating kakayahan at katatagan bilang nagkakaisang mga bansa. Halatang-halata ang muling pagbubukas-daan upang muling bumagsak ang watawat ng Pilipinas sa ating mga paanan bilang mga Pilipino. At ayoko man mahalata, ngunit, halatang-halata ang pagsisisihan at paglalaban-laban ng mga Pilipino sa mga kalahi nito, sa mga kapwa nito Pilipino.

Hindi lingid sa aking kaalaman na masaklap na hindi man lang natin lubos na naprotektahan ang mga dayuhan sa sarili nating bansa, ngunit… wala na sigurong mas sasaklap pa sa isang pangyayare na kapwa natin Pilipino ang sinusubukan nating patumbahin, kapwa natin Pilipino na hindi ginustong mabigo ang sinusubukan nating wasakin. Maaaring hindi tayo lubos na nagtagumpay bilang isang bansa sa naging pagsubok na ito, ngunit hindi pa din ito sapat na dahilan upang bumaba ang tingin natin sa ating mga kalahi, hindi ito sapat na dahilan para simulan nating batuhin ang ating sariling pinagmulang lahi, sapagkat hindi man natin lubos na napansin ngunit binigay nila ang kanilang kakayahan upang tayo ay magtagumpay bilang isang bansa na nagkakaisa.

Kaya bago tayo manisi at mang-puna sa ginawa o naggawang mga aksyon,
Muli, silipin natin ang mga pangyayari…
Hindi sila sumaya o ni tumawa dahil sa kanilang mga naging pagkakamali at kabiguan sa pagsasalba ng mga biktima... Hindi nila ginawang katatawanan ang mga pangyayare, gumawa sila ng paraan kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang buhay.

Ngunit tayo ay nasa bahay lamang at nanonood, sinusubaybayan ang susunod na magaganap, at yung iba pa ay tinitingnan pa ang bawat butil ng pagkakamali ng mga taong nakikipagsapalaran para sa inaasahang pagkakasalba ng mga dayuhan.

Muli, tanungin natin ang ating mga sarili:

”Anu ba ang naggawa ko para iligtas ang mga naging biktima sa nakalipas na hostage crisis para magkaron ako ng karapatan na punain ang mga pagkukulang ng mga taong may ginawa?”


Masyadong madugo ang naganap, kahit kailan hinding-hindi ito makakalimutan ng mga naging biktima na nabubuhay pa, pati ang mga taong malalapit sa kanila, ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga namaalam na, at maging ang buong mundo. Ito ay muling minantyahan ang pangalan ng Pilipinas, ngunit, gayun pa man, sa kabila ng naganap, hindi na natin maibabalik ang mga bagay na nawala na, hindi na natin mababawi ang mga buhay na naipagkait sa loob lamang ng sampung oras. Hindi lamang dito sa Pilipinas nagaganap ang mga ganitong pangyayari, maging sa ibang bansa, ang iba ay mas masasaklap pa. Ngunit hindi yun ang nagiging daan ng pagka-wasak ng kanilang pangalan.

Alam ko na masyado tayong maliligayang mga Pilipino, pero sana sa mga bagay na hindi na katatawanan ay matuto tayong sumiryoso, hindi pasyalan ang BUS na naging biyahe sa kawalan ng ating mga kapwa tao para magpa-picture taking pa… masyado na tayong napahiya sa ibang bansa maging sa ating mga sarili, kaya sana huwag na nating kareer-in pa.





Pilipino ako, SIKAT AKO sa buong mundo, pero sana HUWAG SA PARAAN NA GANITO... :|




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


11 comments:

  1. Before blaming the SWAT team, sana iconsider nyo na dating pulis ang hostage taker and whatever tactic they have, he might be knowledgeable about it.walang nmn may gusto sa nangyare.

    ReplyDelete
  2. Walang ma blame sa nangyari. Ang mga tao na involve ay may dahilan. Ganito tayo pag may mangyari nga pagkakamali sa susunod hindi-hindi na mangyayari. Buti nalang nga walang dala pagpasabog dahil kun meron pa maraming buhay ang mawawala. from Capt. JDSE

    ReplyDelete
  3. ,,wala bang dala? ang alm ko meron eh... tsk tsk'

    ReplyDelete
  4. I think di nyo ako masisisi kung punain ko ang MPD at SWAT (and even media) sa nangyari.

    Sino ba hindi mahihiya sa ipinakita ng mga 'rescuers'... habang nasa bahay ako nakikita ko sa TV ang itsura ng mga pulis at swat na parang ewan sa paligid ng bus, walang dalang equipments, etc. nabansagan pang swat sila. SPECIAL... tapos sasabihin ng anchorman na 'TAYO PO AY NAPAPANOOD NG LIVE SA BUONG MUNDO VIA TFC"... wtf.parang proud pa yung anchorman...

    "”Anu ba ang naggawa ko para iligtas ang mga naging biktima sa nakalipas na hostage crisis para magkaron ako ng karapatan na punain ang mga pagkukulang ng mga taong may ginawa?”"

    --kung ako ang ground commander po, unang ginawa ko pinatigil ko ang live coverage ng media. 2nd, get to know the bus well. get snipers to shoot habang may araw pa...(sorry kung brutal. pero id rather kill the hostage taker than have him kill. kung nagkataon, CHR lang klaban ko, di pa ganun kapangit image ng Pinas sa ibang bansa.)....


    eto po ay aking opinyon lang....

    ReplyDelete
  5. ,,hindi nmn kc pwedeng patayin nlng ung "hostage taker" habang nkikipag negotiate pa xa' lalabas na MURDER un... kc, mali tlga un, kea nga pinipilit nila maayos eh. pero I respect ur opinion.

    WALA NA TAYONG MAGAGAWA... what is done is done' d na nten mababago un. I wrote this one not to make the people HATE Mr. Mendoza, nor anyone, either the rescuers, but to let them UNDERSTAND... so just to be FAIR, watch this video... the message in this video came from one of the survivors:
    http://www.facebook.com/video/video.php?v=1305194644805&ref=mf


    GOD BLESS US ALL... ^_^

    ReplyDelete
  6. nakakalungkot yung ngyari na hostage taking. gwa ng isa.. damay buong bansa. kung respetadong pulis si rolando mendoza, bakit niya kailangan manghostage? ano ang dahilan niya. sigurado ako may malaking dahilan siya para gawin yun. Kaya nga lng pinatay sia agad ndi man lng nakapag explain. nangyari na ang lahat ndi na natin kailangan magsisihan. ang mahalaga eh ndi lang siya ang pilipino, marami pang kababayan natin ang maipagmamalaki. sana lng sa ngyaring yun, mas matrained pa ang mga pulis at swat dahil trabaho nila yun eh. malaman sila msisisi pag walang nagwa.

    ReplyDelete
  7. ,,kung napanood mo sa NEWS, dahil yun sa kapatid niya na napanood nya na inaaresto ng mga pulis, at pwedeng dahil din un sa kausap niya sa fone na nagpagulo lalo ng negotiation... dpat kse sa crisis na gnito, ung HOSTAGE TAKER at yung NEGOTIATOR lng ang nag-uusap...

    siguro, tinuluyan na xa kc mdami nang namamatay... pero may kuwento paq na nabasa, (walang confirmation if this was fact): "he told the hostages not to go near the front door coz there were bullets coming up but one of the hostage didnt listened so he got shooted on his neck snipers did and he died...then mendoza shouted them "SORRY!! DEAD OR ALIVED!!" then mendoza stood up and said "IM READY TO FACE THE MAN WHO MADE ME!!" and he catches those bullets and his body threw out the door..."


    ,,it takes time to heal the pain from what happened... but how i wish that: that TIME will come so soon... :)

    ReplyDelete
  8. Kauuwi ko palang nung mapanuod ko sa tv yung media coverage ng halos patapos nang hostage-taking crisis.. Sang-ayon ako sa post mo.. Hindi nga din natin dapat ibato lahat ng sisi sa mga rescuers.. Sa totoo lang, lahat din naman kasi talaga may mali - sila, ang media, maski tayong mga nanunuod lang na puro pagtataas ng kilay ang ginagawa..

    Sana lang makabangon ulit ang imahe ng Pilipinas, at ma-prove natin sa mundo na competitive tayo di lang pag nasa ibang bansa, pero maski dito mismo sa bansa natin.. :)

    ReplyDelete
  9. ,,Sumi... thanks for that... keep reading' :)

    ReplyDelete
  10. WHo knows who is right or wrong some say police is wrong some says mendoza is wrong dont know who to belve this world is a lier

    ReplyDelete

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008