REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, August 22, 2010

si SULAT, si BLOG, at si AKO... PINAG-ISA.

Gusto kong mag-sulat,
Gusto kong mag-blog,
Gusto kong umiyak.

Sa tuwing sinasabi ko ang aking mga nasa puso sa mga tao sa pamamagitan ng aking mga tinig, lagi na lamang akong pinagtatawanan, lagi na lamang akong tinutukso, inaasar, nilalait, at iniinsulto. MASAKIT... Masakit na wala man lang nag-lakas ng loob na seryosohin ako, kahit pa ang isang RELASYON na tinadhana ng maykapal at hindi maaaring mabago...

Sa pagkakataong ito, na sa kasikatan ng araw ay tanging dilim lamang ang aking nasisilayan, na wala si ina at si ama, wala si ate at si kuya, wala si bunso at maging si kaibigan... at ako? nakayuko lamang ako, habang patuloy na pumapatak ang mga luha, habang walang malay ang lahat, habang walang nakakaalam ng dahilan, at habang iniisip ng karamihan na ito ay TRIP ko lamang... Maliban sa Panginoon, sa pagkakataong ito, si SULAT at si BLOG lamang ang aking karamay... sila lamang ang aking takbuhan, ang aking kaibigan, sila lamang ang nakakaunawa sa aking nararamdaman, sa aking mga pinagdaanan at pinagdadaanan... at higit sa lahat, sila lamang ang naglakas ng loob na iligtas at saluhin ako habang patuloy ang pagguho ng aking mundo.


Gusto kong umalis,
Gusto kong maglakad,
Gusto kong lumipad,
Gusto kong mapag-isa.

Ayokong makita ang mga anino ng mga ala-ala ng mga kahapon. Ayokong mapanood ang sarili kong anino habang nilalamon ng apoy... at muli, sa ganitong pagkakataon, si SULAT at si BLOG pa rin lamang ang aking karamay... sila lang ang nakakaalam kung kailan ko kailangan ng kasama at kung kailan ko kailangang mapag-isa... kung kailan ko kailangang gabayan at kung kailan ko kailangang pabayaan... Sila lamang ang nagdadala sa akin sa mga lugar kung saan nakikita ko ang aking sarili na nananahan. Sila lamang ang rumirespeto sa aking mga desisyon na hindi pinahalagahan ng sinuman. Sila lamang ang nakakakilala sa aking tunay na katauhan, ang nakakaalam ng aking kakayahang magmahal na kahit may katagalan akong hindi magparamdam, ngunit hinding-hindi kita iiwanan.


Ngayon, magtataka ka pa ba kung bakit ganun ko na lamang kamahal si SULAT, at si BLOG? Marahil, ito ay dahil sila ang nagturo sa akin na tanggapin ang aking mga kahinaan, at ipagpasalamat ang aking mga kalakasan, maging ang aking pagiging tao na hindi ko dapat IKAHIYA kaninuman kung ano at sino ako. Hinatid nila ako sa malayang pamumuhay.



Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata, (ang ibig kong sabihin malapit na akong matulog kase gabi na...) sa pagdating ng bukas at muli akong didilat at gigising, sana hindi lamang si SULAT, at si BLOG ang nananatili at mananatili na umuunawa at nagmamahal kay AKO... kundi, pati din sana si IKAW... ♥




[,,matagal na akong naghihintay... :| ]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


2 comments:

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008