REMEMBER ME THIS WAY


Showing posts with label _the pen_. Show all posts
Showing posts with label _the pen_. Show all posts

Wednesday, August 23, 2023

THE WRITER'S CONFESSION

She was staring at a blank piece of paper,
she was writing while chasing the wind in a cold stormy night.
She was holding the pen.

She was formulating words on her mind in a cold stormy night
she was having a hard time dealing on what to write.
She was holding the pen.

She was struggling at the middle of her paper
she was trying so hard to hit the trigger in a cold stormy night.
She was holding the pen.

She bumped the limit of her imagination
she was conquered by the words of the enemies
in a cold stormy night.
She lost the pen.

She started staring at a crumpled piece of paper
she was hopelessly chasing the wind in a cold stormy night,
she was dying to have the pen back.

She opened the crumpled piece of paper
she'd found out the stranger who had get into her open door.
She found the pen.

She gazed out the window of loneliness in a cold stormy night
she was writing to death on the old piece of paper.
She'd let go of the pen.

She lost the only thing that was so dear to her
she was a writer in a cold stormy night
but she's like a soldier who's been fighting so hard to win his life but lose it
and who has finally let go of his life but gained it.

As she lost her pen in a cold stormy night,
One had found it and held it once again
and from that very moment was the best stories of her life.
God holds the pen.

She was staring at a paper of nowhere
in a cold stormy night, where her battle begin. 🤍

*Wrote this last 2014*

Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Friday, May 30, 2014

A Writer's Confession



She was staring at a blank piece of paper,
she was writing while chasing the wind in a cold stormy night.
She was holding the pen.

She was formulating words on her mind in a cold stormy night
she was having a hard time dealing on what to write.
She was holding the pen.

She was struggling at the middle of her paper
she was trying so hard to hit the trigger in a cold stormy night.
She was holding the pen.

She bumped the limit of her imagination
she was conquered by the words of the enemies in a cold stormy night.
She lost the pen.

She started staring at a crumpled piece of paper
she was hopelessly chasing the wind in a cold stormy night,
she was dying to have the pen back.

She opened the crumpled piece of paper
she'd found out the stranger who had get into her open door.
She found the pen.

She gazed out the window of loneliness in a cold stormy night
she was writing to death on the old piece of paper.
She'd let go of the pen.

She lost the only thing that was so dear to her
she was a writer in a cold stormy night
but she's like a soldier who's been fighting so hard to win his life but lost it
and who has finally let go of his life but gained it

As she lost her pen in a cold stormy night,
One had found it out and held it once again
and from that very moment was the best stories of her life.
God holds the pen.


She was staring at a paper of nowhere
in a cold stormy night, where her battle begin. 




Wrote this last September 13, 2013 :)




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Thursday, February 16, 2012

Sa aking paglalakbay

Lilipad ako patungong kalangitan
lalakarin ko ang buong kalawakan
aabutin ko ang mga ulap at bituin

lilipad ako at maglalakad
na tila hindi napapagod
di ako matatakot na mahulog sa karimlan

aabutin ko ang langit gamit ang aking mga pakpak...
at kahit mawala man sa akin ang aking mga pakpak,
tuloy pa din ako sa aking paglalakbay

WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN NINUMAN

Bubuklatin ko lahat ng aking nalalaman
upang makalipad nang walang humahadlang.



This was the first piece which I have written.
---Wrote this when I was in 1st year high school.





Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Wednesday, July 21, 2010

tao lang ako...

Tao lamang ako…
at bilang isang tao,
gustuhin ko mang mapasaya ang buong mundo,
alam kong hindi ko ito magagawa, ngunit kung lamang may pagkakataon,
hindi ko sasayangin ang ibinigay na panahon,
Gagawin ko.

May kakayahan akong makasakit
katulad ng kakayahan kong masaktan,
may kakayahan akong mamerwisyo
katulad ng kakayahan kong tumulong,
may kakayahan akong sumuko
katulad ng kakayahan kong lumaban,
may kakayahan akong mabigo
katulad ng kakayahan kong magtagumpay,
may kakayahan akong maging mailap
katulad ng kakayahan kong maglambing,
at may kakayahan akong magalit
katulad ng kakayahan kong magmahal.

Hindi ako ipinanganak na may perpektong kulay,
hindi ako ipinanganak na may perpektong buhay,
hindi ako ipinanganak na isang perpektong nilalang…
at kung makakasalubong niyo man ako sa daan at titingnan,
para bang punung-puno ng galak at kasiyahan
pero, subukan niyo sanang pagmasdan,
inyong matutunghayan na sa likod ng aking mga ngiti,
isang puso ang nagsusumamo at humihingi ng saklolo,
isang puso ang critical at ang patuloy na nagdurugo.

Hindi ako perpekto,
at aminado ako.
ngunit, hindi ako masamang tao
para husgahan ng mundo…
kaya sana, kahit isang araw lng,
masubukan mong maging ako
para maranasan mo kung gaano kasakit
ang mahusgahan ng todo.

Kinailangan kong maging isang bayani sa napaka agang panahon,
ngunit, ang sarili ko ay nangangailangan din ng tulong,
ng isang huwarang bayani, at isang dakilang tagapagligtas…
at umaasa sa pagdating ng panahon
na ang sugatang puso ay unti-unti nang maghihilom.



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Tuesday, April 6, 2010

Parallel

,,Iba't-iba ang pag-iisip ng mga tao, merong malalim, malawak, makitid, mababaw at katamtaman lamang. Kadalasang sinasabi na kapag makitid ka o di kaya ay isa lamang sa mga nagtataglay ng katamtaman na pag-iisip ay wala kang patutunguhan, at dagdag pa nila na ang "kababawan" ay para sa mga bata lamang dahil sa pagtanda ng isang tao sa kanyang edad, dapat ding tumatanda at tumataas ang kanyang antas ng pag-iisip kasabay ng kanyang sariling emosyon. Dapat na mas lumalawak at mas lumalalim ang kanyang kaalaman, dapat na mas kumakapal pa lalo ang kanyang pagmumukha, tumatatag ang kanyang kalooban, at tumitibay ang kanyang sikmura upang matanggap ng mundo bilang isang bagong tao, matured at "grown-up".

Remember this: Growing Old is different from Growing Up!



Sa tuwing pumapasok ako sa kababawan at paminsan-minsan na tinatalikuran ang kalaliman at kalawakan, napapansin ko na bihira lamang ang mga taong nagagawa akong akuin, nagagawa akong respetuhin... Madalas akong isinasantabi, ginagago, iniinsulto at halos paglaruan. Yun ang nakilala ko na tunay na daigdig... Ang mga taong umaakala na isa ka lang din sa mga taong mabababa ang kaisipan, ay ang mga tao na malabong mabigyan ka ng malalim at nararapat na paggalang sapagkat marahil, ito ay dahil para sa kanila isa ka lamang "maliit" na uri ng nilalang, madaling tirisin na parang mga kuto, sipa-sipain na parang mga kuting, dura-duraan na parang mga basura at tapak-tapakan na parang mga tae sa kalsada.

Habang sinusubok ng mga taong nakakasalamuha ko ang antas ng aking pag-iisip, habang samu't-saring pamimintas at pang-iinsulto ang aking natitikman,
napa-isip ako...

"Paano ba maging isang mataas na tao para sa paningin ng iba?"


1.) Dapat ba na magaling ka sa mga asignatura?

2.) Mahusay ba dapat mag-damit na tipong nakaka-WOW sa mga kalalakihan? (kung isa kang babae)

3.) Ang dapat ba ay yung tipong punung-puno ang mukha mo ng make-up?

4.) Yung lagi kang nakasuot ng mataas na heels?

5.) At parang lageng mag-papa-picture taking?





Simple lang akong tao, MABABAW dahil mga simpleng bagay lamang ang ikinaliligaya ko, MALALIM dahil mahilig akong mag-isip at bigyang-buhay ang mga bagay na para sa iba ay walang kabuluhan, katulad na lamang ng kahalagahan ng "bato" na marahil hindi lahat ay nasusulyapan.

Hindi ko na kailangan pang idetalye sa buong kapulungan kung paano ako tumayo at namuhay bilang "ako", bilang isang tao. Wala na akong pake kung isipin man ng lahat na "mababa" ako... Basta hanggang kaya kong magpatawad, rumispeto, at magmahal bilang isang ganap na tao, gaano man ako "kababa" sa paningin ng iba, mananatili pa din akong mataas... sapagkat mananatili pa din ako sa paglipad.



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Sunday, February 28, 2010

Employment (from a dreamer)...

Nag-umpisa ang buhay ko bilang isang mag-aaral sa pre-school, hanggang naging highschool, at ngayon ay college na. Nasa tatlong taon na ako sa kolehiyo, na hinding-hindi ko naisip na mangyayari kahit sa guni-guni ko.

Noong nakaraang taon, napaisip ako... Dalawang taon na lang... Pagkatapos ng dalawang taon, anu na kayang mangyayare? Anu kayang magiging trabaho ko? Magkano kaya magiging sweldo ko? Magagamit ko kaya yung pinag-aralan ko? Hindi pa din ako sigurado kung ano ang kahihinatnan ng bukas... ng bukas na dati-rati'y kinatatakutan ko.

bakit?

...Dahil hindi ako sigurado sa maganda at maunlad na bukas, hindi ako sigurado kung mayroon akong magagawa o gagawa lamang ako ng wala. Sabi nga ni Bob Ong, "Mahirap gumawa ng wala..." Dahil sa pag-apak natin sa ibabaw ng mundo ay simula na ito ng responsibilidad at pananagutan natin sa bawat isa na nakapaligid sa atin, kaya kung wala tayong gagawin ay may ginagawa pa din tayo... Ito ay ang maging pabigat sa mga taong pinaliligiran natin. At yun ang kinatatakutan ko mula pa elementarya, nang dahil sa aking pagkamulat sa mga taong patuloy na walang ginagawa, maging ang mga politikong gumagawa ng wala... na nagdudulot din ng kawalan.

Dati nga naaalala ko, lagi akong pinagtatawanan kapag sinasabi kong pangarap kong maging isang artista... (haha...) Sincere naman ako... Nakakatawa ba talaga? Nabuo ko sa pag-iisip ko ang pangarap na ito dahil maliban sa minamahal ka ng madaming tao, ay may kapangyarihan ka pang pasukin ang mga emosyon nila sa pamamagitan ng pagiging ikaw sa larangan ng pag-arte. Yung tipong napapatawa mo sila pag masaya ka, napapaiyak mo pag malungkot ka, at nae-engganyo mong maging matatag at lumaban sa tuwing patuloy kang lumalaban. Gusto ko ang kapangyarihang iyon... Yung kapangyarihang inpluwensiyahan ang mga tao nang dahil sa inpluwensiyang nagagawa ng media.

Yun ang gusto kong pasukin date, ang gusto kong maging bukas mula noon hanggang ngayon...

Ngunit, subalit, datapwa't hindi pa din ako sigurado sa dalang kapalaran na hatid ng bukas, kapag naiisip ko kung anu kaya kahihinatnan ko sa masscomm ay nahihirapan akong makagawa ng tulog... Dahil sa takot na baka wala nga akong maging trabaho, baka hindi ko maggawa ang nasa puso ko' ang halos karugtong na ng bawat hininga ko... Ang pangarap ko na ipakilala at maipakilala sa mga tao ang anino ng kahapon, ngayon at bukas sa pamamagitan ng pagiging ako sa larangan ng pag-arte.

...Kung iisipin natin, ang maging Presidente, Senador, lawyer, nurse, artista, model, manunulat, reporter, karpintero, janitor, basurero, at madami pang uri ng trabaho... ginagamitan man ng mataas o mapa-mababang kaalaman, ay mahirap maisakatuparan ng marangal at maabot ng bongga... parang mga ulap sa kalangitan na nangangailangan ng araw at mga bituin, nangangailangan din ito ng matinding pagsisikap. Pero minsan naisip ko din na sa sobrang pag-sisikap ay tila nalalamon na ng pagtratrabaho ang ating mga panahon... Magigising na lang tayo na matanda na tayo, at hindi na muli pang mababalikan ang mga panahong nakalipas na... kaya huwag masyadong magsikap huh... Babanggitin ko ulet na (GIMIK), Lahat ng sobra ay nakakasama...


Ikaw ba ay handa na sa kinabukasan mo?

Anung gusto mong maging bukas?
share mo naman... ü


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Sunday, February 14, 2010

"SOMEBODY" from "NOBODY"

,,kwentuhan ulet tayo.

kung mapapansin niyo, mahilig akong magkuwento tungkol sa sarili kong pamumuhay, tungkol sa ilang nakalipas na mga taon. Hindi ko pakay ang mairita kayo, ngunit ang bigyan lamang kayo ng inspirasyon.

Lahat ng bagay ay may dahilan, may mga bagay nga lang na hindi pa mabigyang linaw ng siyensiya o maging ng mga libro.. Sa ganitong pagkakataon, kailangan natin maging logically intellectual..

Sa puntong ito, nais kong gamitin ang aking mga karanasan hindi lamang bilang isang masaya at malungkot na ala-ala, kundi bilang isang kapangyarihan na mapapakinabangan ng iba...

Mag-umpisa na tayo...

Dati, niyakap ko ang init ng araw hanggang sa halos malapnos ang buo kong katawan.
Napasigaw ako, bakit ako??!!!...
Bakit ako ang hinulma sa kadiliman??
Maraming pagsubok ang dumating, yun ang ibig ko sabihin... Hindi yun literally na pumunta ako sa araw' (laugh).
Halos manakawan ako ng katauhan ng dahil sa kadiliman, bakit ako??!!!
bakit ako ang ginawang malalim na mahirap unawain??
Halos masaksak ako hanggang kaila-ilaliman, (not literally)... bakit ako?!!
Bakit ako ang nararapat magbuwis ng buhay?...



Sa lahat ng nangyari, patuloy ako sa pagtatanong... Na kung tunay ngang may nakakadama ng aking naging pagdurusa, bakit ako??

......................Sa dami ng masasamang tao dito sa mundo, bakit ako?


Muntik ko nang isuko ang laban, nagdesisyon na akong lumarga patungong kawalan... Dahil inakala ko na wala nang ibang patutunguhan ang pakikipagsapalaran... wala nang kahihinatnan ang kahirapan (not financially).

Patuloy akong sumisigaw habang pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata... "Bakit ako??" at habang ako ay naghihinagpis na parang di na mauulanan pa ng pag-asa... May tinig akong narinig na tila nagmula sa himpapawid:

"sapat na sa akin na lumalaban ka anak, sapagkat sa iyong paglaban ay may nahihikayat ka na ipagpatuloy din nila ang kanilang laban..."

Sa puntong iyon, isa lang muli ang nasambit ko, "bakit ako?"


At sa aking paglalakbay, di naglaon na nasagot din ang aking katanungan... Ang pinakakahulugan ng maykapal... Na walang kalakasan ang hindi nagmumula sa kahinaan. Sapagkat marahil, ang kahinaan ang siyang nagiging kalakasan ng isang nilalang...

Hanggang tuluyang magliwanag ang aking isipan na parang mga tala sa kalangitan, nang muli kong madinig ang isang makapangyarihang tinig...

"mahal na mahal kita, anak... Ituloy mo ang laban!"



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Wednesday, January 20, 2010

DEVIANT BEHAVIOR

I wrote this one when i was 18 years old for the completion of one of the requirements in our subject, SOCIOLOGY AND ANTHROPOLOGY. All of these happened when I was 8-15 years old' let me remind you that this is a true to life story.


A girl who finds life so complicated but used to struggle to seek simplicity and peace of mind despite the dark hours in her life.

Some called her freak, insecure, A BURDEN, numb, autistic, insane, different, and worthless. Some had degraded her moral, insulted her whole being, and ridiculed her till she almost lose her identity. But yet, she intent to see the beauty of life despite of everything she passed through.



It’s been years ago since I live this life like nightmares in my past. The past when all I could see was just a girl of grudge and complications; the girl who filled with pain, worries, regrets and fears; The girl who doesn’t even know her value and trying so hard to figure things out.
All days in my life were spent by looking forward to find contentment and yet to simply be happy. Many times I failed to let the whole world know my worth, the reason of my existence, and to prove that I really deserve my happiness. But even if I feel so hopeless to do my intentions, but still I could feel the fire burning in me which pushes me to hang on and not to give up.


I almost drown by insanity and so much loneliness almost killed my dignity and desires. Yet, my emotions taught me to beg for love from the others and my emptiness pushed me to do worst things that I’d never thought of doing. Because of people’s insults and intention to put me down all the time, because of all the hurts I felt inside, because of the memories of pain and disasters, because of rejections and greediness of the people that they made me feel how worthless I am… I became afraid to get out from my humanity and even if I know it’s not normal, I did isolate myself to avoid influence from such people who also have their own crisis. I was always talking to matured people who could teach me how to survive from this reality. Yet, because of so much thirst to be loved, I learned to run towards the love of a family who made me realize my significance as a person. I became obsess to the commitment of friendship which they had given to me. And I told myself at last that, “Finally, I am loved!”… It suddenly cured the wounds I had since my youth days but it was just for a while… By just a blink of an eye, they pushed me away, rejected me, hurt me and let my heart bleed once more.

In my early age, I lived life in different ways… I learned to be strong enough even if at the eyes of others I AM WEAK. But for me and for those who really know me maybe I am so tough that I made it this far, after all.


I jumped torn to torn and grasped the sunlight with innocence. Until I felt that my whole body was burning but I couldn’t let go from the heat of the light… all I could do is weep and shout.
I’ve been in darkness and in darkness I found the shadow of my own till I saw the light from above that finally brought me home.

Despite the opinions of others to me, I rely on this: I am human but not ordinary, weak but strong, afraid but brave, dumb but bright, curious but limited, aware but innocent, rejected but needed, broken but whole. I have Lots of imperfections but through my savior Jesus Christ I know I’ve been FORGIVEN! In spite of everything, I stand with my principle that: It’s not how people can define me, but it’s how I define myself.

For me, it is true that: “We have to move on from our past no matter how painful it was” in other words, “We must die first, to be able to live again!”



I believe that we fall into the same parallel in life; we may be different because of what we’ve experienced that mold us to live in such a way, but yet our desires boil down into one thing:

TO LIVE THIS LIFE TO THE FULLEST! :D






[,,hope to inspire u more.... ü ]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008