REMEMBER ME THIS WAY


Showing posts with label family tree. Show all posts
Showing posts with label family tree. Show all posts

Tuesday, January 25, 2011

The Plea of the Middle Child


Sa tuwing nakakakita o nakakarinig ako ng mga bata tuwing hapon sa tapat ng bahay namin, hindi ko maiwasang lumabas ng bahay at silipin sila kahit sandali o di kaya, panoorin sila ng matagalan... kung paano sila naglalaro, kung gaano sila kasaya, at kung paano sila maging isang bata. Sa tuwing napagmamasdan ko sila, kahit papaano naiguguhit ko ang aking sarili sa isang larawan na dati ko pang inilalarawan, at kahit papano, ito'y nabibigyan ng katuparan, maski pa sa guni-guni lang.

Muli, sinusulat ko ito ngayon hindi sa anu pa mang pansariling dahilan.... ngunit upang magsilbing inspirasyon sa mga taong katulad ko rin na sadyang may mga ambisyon at nais na umunlad ngunit maaaring dahil sa mga mapapait na karanasan ay nasusulyapan pa din hanggang sa kasalukuyan ang pagdurusa ng kalooban na nagbubunga ng hirap na mag-isip ng positibo at dalhin ang mga pangarap tungo sa realidad o sa katuparan nito.

Sabihin man ng iba na ang nakaraan ay nakaraan na at nararapat lamang na tapusin at limutin na, ngunit hindi pa din mababago nito ang katotohanan na ang nakaraan ay isang patay na patuloy na namumuhay. Sapagkat ang nakaraan ay ang mga pinag-ugatan ng mga kaganapan sa kasalukuyan... Sa puntong ito, nais kong patunayan sayo na hindi ka nag-iisa, hindi ka kakaiba, at walang mali sa pagkatao mo. May paliwanag ang siensiya (science) tungkol sa nangayare sayo kaya kung sisiyasatin mo ang arrangement o ang pagkakasunud-sunod ng kapanganakan niyo ng mga kapatid mo na nakasama mo mula pa sa iyong pagka-bata hanggang sa iyong kamulatan, at kung nagkataong pumatak ka na gitna o ang tinatawag na Middle Child, marahil, nagkataon lamang na napabilang ka din sa mga Middle Child na nagtataglay ng Middle Child Syndrome.

Bago natin pasanin ang kasalukuyang problema ng ating kapaligiran, ng ating kapitbahay at maging ng ating gobyerno, at ng buong Pilipinas maging labas ng ating Bansa o maski pa ng buong mundo, magsimula muna tayo sa mga taong maaaring magpabago dito... ang ating mga sarili. Noon pa man, minarapat kong magsimulang tumuklas at maghanap ng mga maaaring maging kasagutan sa mga dinanas at dinaranas ko, na maaaring dinanas, dinaranas o dadanasin pa lamang ng ibang tao. Sapagkat higit kaninumang tao dito sa mundo na nilikha ng maykapal, ang ating sarili ang pinaka-karapatdapat nating lubos na kilalanin, unawain, tanggapin, at mahalin.

Tulad ng lumang panahon, hanggang ngayon, sadyang mahirap at lubos na napaka-hirap na makipaglaban sa pakiramdam na hindi ka "belong" sa isang nakagisnan mong tahanan, at kinamalayan... ngunit mas masaklap na umasa kang sa pagharap mo sa mundo ay makadadama ka ng pagbabago... masaklap na mabigong muli. Masaklap na maramdamang lahat na lamang ng bagay ay kailangang paghirapan maging ang mga relasyon tulad na lamang ng simpleng pakikipag-kaibigan... masaklap na maghabol para lamang mapahalaghan, masaklap na iba na ang nakikita ng mga tao sa kasalukuyan mo ngunit nakatingin ka pa din sa iyong nakaraan kung saan ka nasaktan at nabigo ng todo-todo, at hanggang ngayon, nakikita mo pa din ang kasalukuyan mong pagdurusa at kabiguan bilang parte ng nakaraan, at masaklap din na sa kabila ng lahat, walang nakakaunawa sa tunay mong pinanggalingan. Masaklap na nakikita mo ang mga bagay-bagay na hindi nagiging patas sayo, ngunit iba na ang nakikita ng mga tao, na walang pagkukulang ang sinuman, na tanging ikaw lang, tanging nasayo lang lahat ng problema at kamalian... Masaklap na habang ang ibang tao ay nagsisikap na maka-gawa ng iba, para mapansin at mag-stand out sa lipunan, ngunit ikaw ay nagpupumilit na gawin, isipin at pagsanayin ang kanilang mga nakasanayan upang hindi maituring na naiiba.

Ang lahat ng ito at higit pa dito ay madalas isang katulad ko din ang nakararanas, ang nakadadama... isang ipinanganak na Middle Child na nagdurusa din sa kung tawagin ay Middle Child Syndrome. Ngunit HINDI LAHAT ng Middle Child ay may syndrome na ito. Pero para sa ilan na nagtataglay, para bang sobrang saklap ng buhay na may pagkakataong maski sariling pagkakakilanlan ay nais nang itakwil at palitan... kung sana puwede lang.


Ngunit, hindi pa huli ang lahat. Naniniwala ako. Mas kaya nating maging isang mabuting tao kaysa sa inaakala ng karamihan maging ng ating dinatnang pamilya... mas kaya nating maitama ang mga kamalian sa ating huhubuging pamilya balang-araw. Lamang man sila sa madaming bagay, ngunit mas lamang tayo sa pag-tatama ng mali upang kailanman, hindi danasin ng mga taong mamahalin at magmamahal sa atin ang kasalimuotan sa mga dinanas natin na kadalasan hindi nauunawaan ng karamihan.

Kung sarili kong kakayahan bilang isang tao ang titingnan, malamang sa malamang ay hindi ko talaga kayang baguhin ang lahat dahil sa dami ng pagkukulang ko na dapat pang punan. Ngunit, nakatingin ako sa walang hanggang kakayahan ng Diyos na siyang may lalang... kaya naniniwala ako na kaya niya akong baguhin at ibangon maski ilang beses man akong nadapa.
Tunay ngang walang imposible kung maniniwala ka.

Maniwala ka, kaya mo... KAYA NATIN.





Ito ang ibang sites na maaaring makatulong sa lalong pagkakakilala sa topic na ito... upang lalo ninyong maunawaan ang mga nararanasan ng mga kabilang sa ganitong uri ng syndrome, at para sa mga nagtataglay nito, upang mas lalo ninyong maintindihian, matanggap, at mayakap ng buung-buo ang inyong sarili.

...`Just right-click the mouse, and choose "Open link in new tab" on the following:

...`I highly recommend this site:








Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Sunday, May 23, 2010

TO MY ANGELS... Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

I might failed to be what a daughter must be,
but I'd let myself to suffer just to have the definition of a so called "FAMILY".

I spent my youth days, my angels...
to find a family figure, 'cause in the future,
I want you to have the better lives than me...
I want you to LIVE far from my destiny.

Every child deserves a FAMILY,
And in this point, being a provider has its own opposition
from being a MOTHER...
I want to be on both characters...
but above all, I WANT TO BE A MOTHER.

You are the corrections for my frustrations,
through YOU... I know, my time isn't yet over at my disappointments
'cause still, I could do some changes in my life,
because I have my angels, because I am a mother.

My angels, If time will come that your strength is being tempted,
don't be afraid to show me your tears...
I will not listen to others' predicament,
I am more than willing to LISTEN to YOUR words...
I will kill your sufferings.

In my arms, I'll make sure that you are always safe,
that no eyes can ever judge your worst,
no mouth can kill your confidence,
no heart can fade your encouragements,
and no feet can step on your humanity...
I will NEVER give anyone the power to destroy your totality.


~how I wish that someday, I will be given an opportunity to say this to my angels...
to let them know how much I want them to be happy,
that in my fate, I want them to be free.




I will always endure in my heart what a mother told me during my nights,

"After all that happened in your life,
when you became a parent, YOU WILL BE THE BEST!"







I never hoped to be the BEST, what I only wish is to take my angels out of my nightmares... 'cause they deserve a better life...

They deserve a better living... And most of all,
THEY DESERVE A MOTHER! ♥



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Friday, February 26, 2010

Kapatid

Sinasabi na lahat tayo ay magkakapatid, lahat tayo ay magkakapamilya at magkakapuso… pero iba ang tibok ng ♥puso♥ kapag hindi tunay na kapamilya. Maaari man nating ituring na kapatid o kapamilya ang bawat isa ngunit iba pa din na may dugong nag-uugnay. Kumbaga, mas matimbang pa din ang dugo kaysa sa tubig.

Iba’t-iba ang anino ng ”kapatid”

Habang naglalakad kami noon ay may nakita kaming iba’t-ibang kulay ng sako, iba’t-ibang laki, iba’t-ibang disenyo, may iba’t-ibang timbang, may iba’t-ibang kulay, at may iba’t-iba din itong porma… may nakatayo, may nakahiga, at meron ding nakatabingi. Noon naman na pumunta kami sa Robinson para tumingin ng damit, doon nakita ko ang iba’t-ibang klase ng damit, iba’t-iba ang sukat, ang kulay, disenyo, porma, at iba’t-iba din ang maaaring magsuot. Noon naman na pumunta kami sa “SM mall of Asia” sa dami ng SM na napuntahan namin ay nasabi ko na, ”Ang laki-laki naman ng MOA…” sabi naman ng kasama ko: ”Oo naman… kaya nga ‘Mall Of Asia’ eh… ito ang pinaka-malaking Mall sa Asia.” Sa madaling salita, maraming mall at SM sa buong mundo o kahit sa Pilipinas lang, pero may iba’t-ibang laki, iba’t-iba ang pangngalan o pangalan, ang lugar na kinasasakupan o kinalalagyan… In short, iba’t-iba.

Kung nagtataka man kayo kung bakit mga bagay na nakikita ko ang mga binabanggit ko kahit ang usapan ay tungkol sa kapatid, dahil ito sa napansin ko na kahit mismong mga simpleng bagay lang na nakapaligid sa atin ay may mga ipinahihiwatig, katulad na lamang ng mga bra ng ate o nanay mo na nakakalat, yung isa naiwan niya sa kusina at yung isa sa banyo, kapag ikinumpara mo ang dalawa niyang bra na magkaiba ng kulay ay ginamitan mo na yun ng analysis, sa ganitong paraan, may bago ka nang realization na dalawang bagay na magkapareho ay mayroon din kaibahan, o individuality. Parang MGA KAPATID, may iisang salita, iisang diwa, iisang tiyan ang pinagmulan kapag CS o cesarean, iisa lang ang tawag ngunit magkakaiba… HINDI PARE-PAREHO.

Dati man ay naikukumpara ko ang kapatid ng iba sa meron ako, at dati man akong naiinggit sa kapatid ng iba na puwedeng makipagbiruan, yung puwede makausap sa lungkot at saya, yung maaaring dumamay, humarap sa problema, kaya akong ipagtanggol, i-build up, at ipagmalake… Mga kapatid ng iba na nagtataglay ng katangiang malayo, napaka-layo’ sa meron ako. Pero katulad ng mga tao na tulad ko din, may iba’t-ibang katangian ang bawat isa na dapat nating tanggapin at irespeto, kasalungat man ito sa meron tayo at sa pinapangarap natin.


Siguro, yun ang pinaka-masaklap sa buhay na kailanman ay hindi mapuputol ang ugnayan ng dugo sa mga pinili ng maykapal na maging karugtong nito. Ngunit, ano pa man, katulad ng mga sako, ng mga damit, ng mga Mall, ng mga bra, at iba pang mga simpleng bagay na nasa kapaligiran natin, ito ay idinisenyo ng maykapal at isinadya na magka-kaiba. Pare-pareho man ang katawagan ngunit meron parin itong kaibahan.

Samakatuwid, magiging ganap na masaya at lubos na maligaya lamang ang isang indibiduwal kapag tuluyan na nitong natanggap ang indibidualidad o individuality ng bawat isa, maging ito man ay siyang nakalaan upang kanyang maging KAPATID.


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Saturday, February 6, 2010

Abortion

*BAWAL ANG MINORS… or 17 below!

Simula ng umapak ako sa elementarya, marami na akong nalaman, nakilala at nakasalamuhang tao na nabuntis na hindi (daw) sinasadya… Mula sa radio, TV, at maging sa personal ay may mga humahagulgol at nagtatanong kung anung dapat nilang gawin sapagkat nabuntis sila (para sa babae..) at nagkaanak nang wala pa sa takdang panahon.

Sa ganitong sitwasyon, (siyempre sa totoo lang sa simula hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong kaisipan...) isa lang ang naiisip ng mga magiging ina at ama sa hindi pa tamang oras at mga magiging ina at ama na parehong hirap sa buhay… ito ang: ipalaglag ang bata..


Tatanungin kita ulet:


”Naranasan mo na bang pagkait sa’yo ang iyong karapatan?”

“Naranasan mo nang magmakaawa para hayaan ito sa’yo?”



Naiisip ko, kung siguro ang mga magiging tao sana sa loob ng tyan ng isang nagdadalang tao ay sana dugo pa lang sila nakakapagsalita na, sana mapagsabihan nila ang mga mapupusok na wag nilang isakripisyo ang buhay ng mga ito, sapakat wala silang kasalanan…

Dalawa lang ang laging option kapag may nabubuntis, una: hayaang mabuhay ang magiging bata, at pangalawa:pagkaitan ito ng karapatang mabuhay… ipalaglag, uminom ng kung anu-ano na maaaring pumatay sa bata kasabay ng sana’y magiging buhay niya. Sa pagkakaroon ng laman sa tyan, dalawa lang din ang maaaring maging reaksyon na magiging magulang… una:matuwa… sapagkat darating na ang kanilang munting anghel’ at may panibago na namang “pagkatao” at buhay na mahuhubog… at pangalawa:malulungkot at magsisisi… Sapagkat ang magiging bata ay biktima lamang ng isang mapusok na pag-ibig… hindi pa daw nakatakda ang panahon’

Sa mga humihingi sa akin ng payo… ito lamang ang nasasabi ko na puro kalokohan upang lumamig ang usapan…

1.)tumalon ka na lang para makunan ka… magsawa ka sa pagtalon hanggang duguin ka.
2.)sumali ka kaya sa “marathon”, para malaglag ung bata…
3.)magpakagutom ka… wag ka kakain isang linggo para makakain yung bata ng tae… edi patay.
4.)uminum ka ng xonrox…
5.)tumalon ka sa bakod… o kaya magpati-hulog ka sa hagdanan…

………………At madami pang klasing kalokohan na pinanggagalingan ng katatawanan… katarantaduhan… hanggang maging serioso ulet ang usapan...

Serioso naman na tayo’ mag-isip ka ng isandaang beses… papalaglag mo?? Papatay ka?? Kilabutan ka! Baka magising ka isang araw sinusuka ka na ng langit dahil sa madaming beses na pinagpractisan niyo ang “human rights” ng mga taong mapupusok’ para sa mga taong nabuntis na o nakabuntis na sa sinasabi nilang hindi pa tamang panahon, sinasadya nyo man na makaggawa ng bata o hindi, eto lang masasabi ko.. KASALANAN NIYO PA RIN YAN! Nagpakasarap ka eh, napasubo ka eh, at higit sa lahat ginusto mo yan eh… tapos ipalalaglag mo?? Ginawa niyo yan ng feeling nyo matured na kayo, so baket ngayon na nabuo na tatakasan niyo? Pinagtatawanan niyo ung mga virgin pa dahil hindi pa handang magbuwis ng buhay ng walang kasalanang sanggol at lumunok ng malaking bato mala darna, bato na talagang sisira sa ngala-ngala… pero kayo nung nakabuo na tatakbuhan niyo… mas kadiri yun’ simple lang yan e, naghubad ka, ginusto mo, PANINDIGAN MO!

TAKE NOTE: para sa mga CLOSE-MINDED… sabihan nyo na ako ng kontrabida o “kill joy”, okey lang, wag lang “kill baby” o “baby killer”… kung sa tingin mo, pagiging “kill joy” ang pagpa-payo na WAG KANG PAPATAY… at mas sa tingin niyong dapat na sabihin ang “PAKUNAN NYO NA LANG” o “PATAYIN NIYO NA LANG PARA WALA NA KAYONG PROBLEMA” …siguro dahil Gawain niyo din’ so then, kayo un’ hindi at hindi magiging ako.


Lahat ng nilalang sa mundo na binigyan ng buhay ay may karapatang gamitin ito… may karapatang mabuhay…


Mga magiging magulang, hindi kasalanan ng bata na nagkataon siya sa oras na hindi pa kayo handa… Hindi niya kasalanan ang maling desisyon niyo at mali niyong ginawa’ wala siyang kasalanan. Sana wag na dumami pa ang mga “anghel” na napagkaitan ng buhay dahil sa maling desisyon ng mga mapupusok lalo na ng mga kabataan… Hindi laging science: chemistry ang buhay na kailangan ng experiment, at kapag hindi swak sa panlasa ang naging resulta, itatapon at uulitin ulet sa takdang panahon…


[,,Let’s fight ABORTION, and give to everyone their “right” to LIVE.. Everyone deserves it’ ü]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Saturday, January 23, 2010

family, family, where are you?

“Blood is thicker than water!”

Familiar ka ba sa kasabihang iyan?

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang, “pamilya”? At anu-ano o sinu-sino ang bumubuo dito?


Bawat tao sa mundo ay biniyayaan ng mga taong masasabi nila na kanilang kapamilya. Wala kahit isang tao o kahit isang hayop ang ipinanganak sa mundo na walang pamilya.

Ang pamilya ay binubuo ng tatlong parte… AMA, INA, at ANAK bonus na lang kung mayroon kang kapatid na maaari mong tawaging kuya (mas nakatatandang lalake), ate (mas nakatatandang babae) o ang inyong “bunso” (na maaaring tawagin sa kanyang sariling pangalan).

Ang pamilya ang ginamit ng Diyos upang magsilbing daan para maipanganak sa mundo ang isang nilalang na may buhay. Ibig sabihin kahit hindi tao katulad ng hayop at mga halaman ay may masasabing “kapamilya”.

“ano ang pinagmulan ng pamilya?”

Siyempre anu pa ba? Edi pagmamahal ng lalake at babae, dahil sa pagmamahal na ito ay may gagawin sila. Kung anuman ang gagawin nila ay alam na yun ng mga taong hindi na minor o mga nasa legal age na. Pagmamahal ang nagudyok sa isang lalake at isang babae na may gawin (anu pa ba? Yun na yun) at ito ay nabubuo sa isang babae at nagiging fetus, sanggol hanggang maging isang ganap… GANAP NA TAO! (para sa tao at ganap na hayop para sa hayop.. )

“ano o anu-ano ang papel ng pamilya?”

Kadalasan, ang pamilya ang takbuhan mo noong bata ka pa tuwing may umaaway sayo, tutulong para mahilom ang sugat mo kapag nadapa ka, taga hugas ng pwet mo, sabihan mo ng mga secreto katulad ng “crushes” kapag may natipuhan ka nang lalake o babae, taga-pagtanggol mo kapag wala kang kakampi at ginago ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo – mga taong inasahan mo, sandalan mo kapag tinalikuran ka na ng mundo…. Yan ay ilan lamang sa mga papel ng isang pamilya sa buhay ng isang “kapamilya”.

Pero alam niyo ba na hindi lahat ng kapamilya ay may ganitong uri ng personalidad o paguugali? OO! Tama ang nabasa niyo. Hindi lahat ng pamilya ay dadamayan ka kapag may problema ka, hindi lahat makikitawa at makikiiyak sayo, hindi lahat mauunawaan at uunawain ka, hindi lahat pakikinggan at paniniwalaan ka, hindi lahat itataas ka tuwing may mga taong umaapak sayo, hindi lahat pipiliting hilumin ang sugat mo kapag parang naghihingalo ka na, hindi lahat aakuin ka financially, morally at maging spiritually hanggang maging isa kang ganap… GANAP NA TAO… iba-iba ang klase ng tao... iba-iba ang pamamaraan nito... hindi lahat pare-pareho! kaya para sa mga maganda ang uri ng pamilya mailagay man sa saya at lungkot, ito lang ang masasabi ko sayo… MAPALAD KA! At para naman sa mga hindi lubos na pinagpala upang magkaroon ng ganitong uri ng pamilya siguro isa lang ang inisip mo nung mga panahong lumipas na o ngayong mga panahong ito, “sana iba na lang ang naging pamilya ko…”

Tutukan niyo toh’ wag niyong alisin ang mga mata niyo sa binabasa nyo….

Para sa mga nasabi o nasasabi sa ngayon na “sana iba na lang ang naging pamilya ko!” o “sana sila na lang ang naging pamilya ko!” ito ang para sayo:

Tumingin ka sa paligid mo…. Makikita mo din ang nakita ko’ Walang taong perpekto. Sapakat kung siguro may mga taong perpekto sigurado ako na may mga pamilya din na perpekto. Ngunit ngayon, sa ating lipunan o sa ating mundo binubuo tayo ng mga taong maraming naggawang masama, mga taong hindi naging perpekto sa kanilang pamumuhay. Katulad nyo ako dati, pero sana wag nating hayaan at wag natin ipaubaya sa ating pamilya ang paghubog sa ating katauhan. GAYUNPAMAN, TAYO PA RIN ANG GAGAWA NG ATING KINABUKASAN, ng ating kapalaran…. At nasa atin pa din ang maaaring maging kapalaran ng ating mgiging anak at “pamilya”.

Para sa mga nagbabalak na maging magulang (at sa mga malilibog) ito naman ang para sa inyo:

Madali lamang maging isang magulang, ngunit ang hubugin ito at palakihing isang mabuti at marangal na tao ay isang hamon na hindi lahat ng magulang ay naisasakatuparan… sapagkat kung siguro lahat ng magulang ay nagtagumpay sa hamon na ito, marahil… lahat ng tao na naninirahan at namumuhay sa ating lipunan ay may marangal na pamumuhay. kaya bago niyo sana hubarin ang panty at brief nyo pagisipan nyo muna hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi maraming beses. Madali mang gumawa ng bata ngunit hindi madaling maging ama’t ina…

Mga magulang (sa ngayon)…

Isa kayo sa million million o billion billiong tao na napili ng Diyos na biyayaan ng anak at isang pamilya. Bilang mga magulang ng bawat anak, sana ngayon na ang maging simula ng tamang pag-gabay ng bawat magulang sa kani-kanilang mga anak upang maging isa sa mga mararangal at matatagumpay na laman ng ating lipunan.

“Lahat ng tao na ipinanganak at ipapanganak sa ating mundo ay karapatdapat at may karapatan na magkaroon ng buo, matino, at masayang pamilya!” -CLMM



[Have a happy and a blessed FAMILY! :D]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008