REMEMBER ME THIS WAY ♥


Showing posts with label social observation. Show all posts
Showing posts with label social observation. Show all posts

Sunday, September 21, 2014

BAHA! BAHA! BAHA!


Simulan mo na basahin ang post na walang nakakaintindi...
tara sulong na tayo sa BAHA. :)


Ilan sa mga natunghayan kong pag-uusap sa opisina:

“Ang lakas naman ng ulan. Konti lang tuloy tayong nakapasok.”

“Napaka trapik nga ee”

“Buti nga sa inyo trapik lang eh. Samen baha na.”

“ Gusto ko na umuwi!”

“Buti pa yung mga kapatid ko walang pasok. Sabi ko nga sa kanila sana mag suspend din saten e.”


---------------------- at biglang may kumakaripas ng takbo.

“Teka lang, teka lang!! uuwe na ako. Puwede bang umuwi na???”

“Oh bakeet?”

“Eh kase 18 feet na daw ang water level samen sa M*r***n*. Pag ka ganun ibig sabihin malapit na magbaha samen”



Para sa mga Pilipino, para sa mga ibang lahi na marunong mag tagalog o nakakaintindi ng tagalog,
Para sa mga nakapagasawa ng Pilipino o Pilipina na marunong magtagalog (Kung may lahing Pinoy / Pinay, dapat lang), para sa mga kabit….kabit ng tali, kabit ng tela, kabit ng bahay o anung klaseng kabit…. Para sa inyo ito.


September 19, 2014 (Friday)

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas sa petsang nabanggit ko kung kailan madami nanaman ang na-stranded sa mga kalsada, o na-trap sa loob ng bahay na nakapaloob sa globo at Bansang Pilipinas (Republic of the Philippines).

Kailan lang ang dalawang araw na lumipas. Para sa iba saten, parang ordinaryo lang ang araw at petsa na nabanggit.  Ang pagkakaiba nga lang, sobrang lakas ng ulan at ma-traffic. Pero para sa iba, ito ang isa sa mga pinaka masasaklap na nangyare sa buhay nila habang ilan sa kanila ay nakikitang inaanod ng baha ang mga mahal nila sa buhay, wala silang maggawa.

Sana ang panonood nila ay para lang din nasa sinehan… o katulad ng panonood ko ng “She’s dating the gangster” sa maliit na room sa office namen pagtapos ng shift ko noong mismong kasagsagan ng bagyong Mario sa Pilipinas nating Mahal...na kung halimbawa mang matapos na ang pelikula at paglabas mo ng pintuan, pawiin mo lang ang luha mo dulot ng matinding emosyon galing sa napanood mo. Simple. Di hamak na mas simple.

Pero…… kung ang panonoorin mo ay ang trahedya dulot ng BAHA na dala ng malakas na pag-ulan at sa mala-pelikulang tagpo ay kasamang nawawasak ang mga pinaghirapan mong ipundar… at ang mas malala pa ay hindi lang materyal na bagay ang nawawala sayo kundi kasama na din ang mga mahal mo sa buhay na tinatangay at unti-unting kinikitil ang buhay ng malakas na pag-agos ng BAHA…. Tila ang mga luha sa mga mata mo ay habambuhay nang aagos.

Masaklap.

Pero alam mo ba ang mas masaklap para sa mga taong nakaranas na nito?
Ang harapin ang katotohanan na tumila man ang ulan, matuyo man sa wakas ang luha sa kanilang mga mata, at humupa man ang BAHA… ang mga buhay na nawala ay hindi na muling maibabalik.

Ano ang BAHA para sayo?

Nagalit ka din ba kay Mario, Luis, pati kay Glenda?

Nakasapak ka na ba ng mga ka-pangalan nila?

Ilang beses ka na nagreklamo sa pagsapit nito?

Sa paanong paraan niya naapektuhan ang buhay mo
at maging ang buhay ng mga kakilala mo?

Ilang materyal na bagay na ang ninakaw niya sayo?

O maging panahon kung kailan maaari mo pa sanang makasama ang mga taong mahal mo?

O di kaya , ang pag-asa sa katauhan mo na bigla na lamang niya tinangay kasama ng mga pangarap mo?

Nakakainis ang BAHA noh? Nakakainis tuwing sasapit ang malakas na ulan! Kailangan mo pang maghanda ng napaka daming timba dahil baka tumulo sa bubong, pati mga basahan. Nakakainis. Nakakapagod.

Pero…. Kung ang BAHA na may scientific explanation ay di pa din katanggap-tanggap para sa atin. Sa totoo lang, maski yata kailan ay wala pa ako narinig na nagsabing: “May darating daw na malakas na ulan at baBAHAin tayo. Excited na ako.” dahil sa sobrang saklap na dala nito sa buhay ng ilan saten…. Sa buhay naten. Hindi siya kahit kailan magiging welcome.

Hmmmm…. Sa tingin mo kung yun ay masaklap at ayaw natin danasin ang kanyang bagsik, ano pa kaya ang mga taong ipinanganak na may puso, damdamin, at kaluluwa gaya naten? EXPECTEDLY, gaya natin… worse, pinapasok naten sila sa buhay naten at niyakap pa ng mahigpit, inalagaan, pinakain, pinatulog sa kuwarto bago maging isang ganap na BAHA na lulunod lang satin.

Hindi mo lang alam. Baka naging isa ka na ding BAHA.

Bago mangyari ang lahat nang yun... di ko maalis sa alaala ko ang isang jeep sa kasagsagan ng ulan sa ibang mas naunang araw.

Malakas din ang ulan noon
Buti nalang may payong akong dala.
Sumakay ako ng jeep nung nasa Zapote na ako.

Oh anu pa tinatanong mo? kung saan ako pupunta noon? Hmmm….
Pauwi ako sa bahay namin. Jan lang.. malapit lang.

MALAKAS ANG ULAN. MALAKAS TALAGA.

Kahit sinong maulanan ay mababasa talaga kahit pa may payong kang dala. Kung hindi ka malusog, magkakasakit ka.

Bago ako sumakay ng jeep. May bata na nakasakay na. Lalake.
Nagbebenta siya ng Sampaguita. Kahit nga ako iniwasan ko siya.
Madumi siya. Mabaho. Basa. Kawawa.

Yung driver ng jeepney nahagip ng diwa ko habang sumisigaw.

“BUMABA KA NA!! BABA!”

Tapos noong malapit na mapuno yung jeep at andun pa din ang bidang bata sa kuwento ko… nasa likod pa siya ng driver. Sumigaw ulet ang driver.
“BUMABA KA NA SABI EH! PABABAIN MO NGA YAN (sabi niya sa nagtatawag ng pasahero. Hindi saken.) SAYANG YUNG PAMASAHE EH!”

Pagkatapos nun, bigla niya kami kinausap.

“OII BILIHAN NIYO NA YAN OH! PARANG AWA NYO NA!”

Parang sarcastic ang tono ng boses niya. Napaisip nga ako kung talagang naawa na din ba siya sa bata o nangaasar lang siya!!?

Ako? Ako iniwasan ko yung bata. Hindi naman ako masama sa pagkakaalam ko pero iniwasan ko siya imbes na binigay ko na lang sa kanya yung pagkain kong tira. May naggawa man ako para sa kanya (kung anuman yun sakin nalang) pero iniwasan ko pa din siya. Kasalanan ko ba na ganun ang naramdaman ko? Na ayoko man siya bumaba dahil malakas nga ang ulan pero ayoko din siya makatabi.

Yung driver ng jeep? Sinabihan niya kami na bumili ng Sampaguita sa bata. Pinapababa niya man yung bata pero may ginawa din siya para sa kaawa-awang paslit di ba?! Sarcastic nga lang ang dating. Masama ba siya dahil sa halatang pagtataboy niya sa bata? Kasalanan ba niya kung gusto niyang kumita dahil may sarili din siyang buhay, pamilya. At isa pa, jeep niya naman yun. Masama ba siya?

Minsan nakakapagsabi o nakakagawa tayo ng hindi masyadong kaaya-aya para sa pandinig o mata ng karamihan pero hindi para manakit ng sinuman...at minsan, kahit tayo ay siyang tumatanggap ng mala-kutsilyong salita at gawa. marahil para lalo tayong patatagin sa mga haharapin pa lamang na hamon sa buhay. Kung nagkakamali man ako, Diyos na lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan. Mahirap ang proseso. pero gaya ng sabi ni Kelly Clarkson habang hawak-hawak ang mikropono "What doesn't kill you makes you stronger." and indeed.

Ano ang dala ng BAHA sayo? Nahikayat ka ba nitong lumaban at magsimulang muli?
o sumuko at magpakalunod na lamang sa dala nitong trahedya?

Minsan wala namn may kasalanan eh. Kung talagang tinatangay na tayo ng BAHA, kahit gusto man natin lumaban ay wala rin tayong maggawa. Pero hangga't kayang lumaban at lumangoy kahit pa gaano kadumi ang tubig.... sa tingin ko dapat nating gawin. Maski gaano man kahirap. Lahat man tayo ay may wakas dito sa mundo pero masarap magwakas ng lumalaban.

Di ko din masasagot kung mabait o hindi si Manong Driver kase di ko naman siya kilala. Di ko kayang pasukin at basahin ang lalim ng diwa at damdamin niya. Hindi ko kayang abutin at hiramin ang kapangyarihan ng Lumikha upang malaman ko kung anuman ang tunay niyang dahilan sa pagbibigay niya ng buhay sa mga katulad ni Manong Driver. Kung masama man siya o hindi, ewan ko. Diyos na ang nakakaalam.

Sa loob ng jeepney, panay ako sa pagtingin sa mga pasahero na naroon noon. Nag-o-observe. Tinitingnan ko kung may bababa kaya para ihatid yung bata sa kanila, o para bumili ng pagkain at pakainin siya. At sa hindi masyadong kagulat-gulat na kaganapan, WALA. Wala maski isa ang bumaba. Maski ako.

Hindi kasalanan nung bata kung yun ang sitwasyon niya. Posibleng pati mga magulang niya ay wala din maggawa para mabago yung istado ng buhay nila. Marahil hindi nga nila kasalanan. At marahil, hindi rin natin kasalanan.
Pero di naman pwedeng lahat tayo ay NGA-NGA na lang. 

NANANAWAGAN PO AKO SA LAHAT NG KASAPI NG PAMAHALAAN, BAHAY-AMPUNAN, CHARITY, AT MGA TAONG MAY MALILINIS NA PUSO AT MAPUPUTING BUDHI.
Hindi po ako magpapa-ampon. Pero nagbabakasakali lang po ako na may maggawa po kayo para sa sitwasyon ng mga batang kagaya ng bida sa kuwento ko. Dahil kung ako lang po, wala ako magagawa kundi mag-type at i-post ang blog na ito pag tapos ko na. Marahil, ito ang role ko sa pagkakataong ito.

Bumalik tayo sa usapang Kasalanan.

Kasalanan din ba ng bagyo, ng ulan, ng BAHA, kung anu ang naggawa nilang pinsala sa ilan sa atin?
Aba… hindi man ako attorney ng mga sinasabing SALOT sa kalikasan pero sa tingin ko ginawa lang din nila kung anu ang opportunity na ibinigay sa kanila ni Inang. As in Inang kalikasan… ginawa nila kung anuman ang kaya nilang gawin.

maging sina Glenda, Luis, at Mario…. Hindi sila ang nagbigay ng pangalan sa sarili nila sa likod ng kanilang kabagsikan.
Isa lamang silang bagyo. At sino ang nagpangalan sa kanila? TAYO.

Katulad ng mga nilalang na may puso at kaluluwa, ginampanan lang din nila ang pagkakataon na meron sila. Nagampanan nila, di ba!? Nagalit tayo sa kanila... ang iba natutong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay, may iba din namang tuluyan nang isinuko si PAG-ASA (As in: HOPE) at nagpakasadlak lalo sa kinahantungan nila.

Hindi alintana na posibleng maging ako..kami.. ay nagsilbing BAHA sa buhay ng batang yun...

BAHA na lalong pumuno sa puso niya ng pangamba na wala na yata talagang taong maaasahan at makakapagpalayo sa kanya sa istado ng buhay na dinatnan niya ngayon...

ngunit kung anuman ang magiging siya balang-araw, yun ang mas mahalaga.

Makakayanan nga kaya niya mag-isa?

Habang may mga taong binaBAHA ng napaka duming tubig galing sa tubig-ulan,
Habang may mga taong binaBAHA ng “kamalasan”, problema, pangamba, at kalungkutan….
May mga tao din naman na kasalukuyang binaBAHA ng kasaganaan… katanyagan, kayamanan sa financial, kaligayahan, pagmamahal sa araw-araw. Sa kabila ng lahat ng ito, madalas na natin nabibigyan ng atensyon kung anung klaseng BAHA ang madalas nating natatanggap...

Kaya sa pagkakataong ito,
ito ang pangwakas na tanong ko sayo mambabasa:



Anong klasing BAHA ang nanggagaling sayo?



Taken at: Christ Commission Fellowship (CCF)



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Thursday, September 2, 2010

HATE me today, THANK me tomorrow… ♥

Hate me today that the sun goes down
that your body wants a hug
that your soul needs some love,
but then, I’m not around…

Thank me tomorrow,
that you learned to kill your emotions
when you need no heart,
when you need your mind…

Hate me today that I slapped your face
that I punched your chest,
when you showed me your toughness
when you showed me your braveness…

Thank me tomorrow
that you faced some pain
that you encountered sufferings
that now, you finally know how it feels…

Hate me today that I mind your own business (too much)
that you want to leave the house
cause you felt like in a box,
you felt like so far from home…

Thank me tomorrow,
that you have struggled for freedom,
that you will never let anyone to be “there”
for you knew exactly how it feels like HELL…

Hate me today that I’d let you feel so down,
that I threw up almost all your positive views in life,
that I almost killed your heart and mind,
that everything was said and was done so unkind…

Thank me tomorrow
that you have tasted those tears,
that you found yourself kneeling
after the ONE who saved you from DYING…



~A letter from:
THE WORLD


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Thursday, August 26, 2010

the BUS... (hostage crisis)

Bago magbagsak ng mabibigat na paratang,
Tanungin muna ang sarili:

”Ano ba ang naggawa ko para sa bayan ko?”





Marami ang naasiwa sa kinalabasan ng hostage drama noong nakaraang lunes (August 23, 2010), halos lahat ng bansa ay tumutok mula 10 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi… Hindi nagustuhan ng karamihan ang ginawa ng SWAT rescue team, kaya lumabas na naman ang pagkamasayahin ng mga Pilipino. Tulad ng aking inaasahan, nagkaroon nga ng iba’t ibang kahulugan ang SWAT na kung noong una ito ay nangangahulugang Special Weapons And Tactics, ito ay naging…

Sorry We Aren’t Trained.
Sorry Wala Akong Training
Sobrang Wala Akong Training
Sugod. Wait. Atras. Tago.
Sana Wag Akong Tamaan

para sa masyadong masasayahing mga Pilipino.


Pagkatapos ng hindi masyadong pagtatagumpay ng nasabing rescue team, madami ang nagbigay ng kanya-kanyang mga maaanghang na kumento, lumaganap ito sa mga site, katulad ng facebook, youtube, yahoo mail, google, blogs, at kahit sa friendster na tila napaglipasan na ng panahon. Halatang-halata na hindi maligaya ang lahat sa naging resulta, halatang-halata ang sama ng loob ng ibang bansa sa ating bansa lalong lalo na ang bansang Hongkong, at maging ang ibang bansa na hindi naman nadamay ang kanilang lahi sa naging madugong hostage crisis . Halatang-halata din ang mga nagaalab na sama ng loob mula sa nagaalab na mga kumento ng iba’t ibang lahi dahil sa pare-pareho nating hindi ginustong maganap. Halatang-halata ang pagdadalumhati ng bansang Hongkong para sa kanilang mga kalahi, ang hinagpis ng mga taong nabigyan pa ng pagkakataong mabuhay dahil sa naging kapalaran ng mga nakasama nila sa loob ng apat na araw na mabilis na binawian ng buhay. Halatang-halata ang pait mula sa pangyayaring muling sumubok sa ating kakayahan at katatagan bilang nagkakaisang mga bansa. Halatang-halata ang muling pagbubukas-daan upang muling bumagsak ang watawat ng Pilipinas sa ating mga paanan bilang mga Pilipino. At ayoko man mahalata, ngunit, halatang-halata ang pagsisisihan at paglalaban-laban ng mga Pilipino sa mga kalahi nito, sa mga kapwa nito Pilipino.

Hindi lingid sa aking kaalaman na masaklap na hindi man lang natin lubos na naprotektahan ang mga dayuhan sa sarili nating bansa, ngunit… wala na sigurong mas sasaklap pa sa isang pangyayare na kapwa natin Pilipino ang sinusubukan nating patumbahin, kapwa natin Pilipino na hindi ginustong mabigo ang sinusubukan nating wasakin. Maaaring hindi tayo lubos na nagtagumpay bilang isang bansa sa naging pagsubok na ito, ngunit hindi pa din ito sapat na dahilan upang bumaba ang tingin natin sa ating mga kalahi, hindi ito sapat na dahilan para simulan nating batuhin ang ating sariling pinagmulang lahi, sapagkat hindi man natin lubos na napansin ngunit binigay nila ang kanilang kakayahan upang tayo ay magtagumpay bilang isang bansa na nagkakaisa.

Kaya bago tayo manisi at mang-puna sa ginawa o naggawang mga aksyon,
Muli, silipin natin ang mga pangyayari…
Hindi sila sumaya o ni tumawa dahil sa kanilang mga naging pagkakamali at kabiguan sa pagsasalba ng mga biktima... Hindi nila ginawang katatawanan ang mga pangyayare, gumawa sila ng paraan kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang buhay.

Ngunit tayo ay nasa bahay lamang at nanonood, sinusubaybayan ang susunod na magaganap, at yung iba pa ay tinitingnan pa ang bawat butil ng pagkakamali ng mga taong nakikipagsapalaran para sa inaasahang pagkakasalba ng mga dayuhan.

Muli, tanungin natin ang ating mga sarili:

”Anu ba ang naggawa ko para iligtas ang mga naging biktima sa nakalipas na hostage crisis para magkaron ako ng karapatan na punain ang mga pagkukulang ng mga taong may ginawa?”


Masyadong madugo ang naganap, kahit kailan hinding-hindi ito makakalimutan ng mga naging biktima na nabubuhay pa, pati ang mga taong malalapit sa kanila, ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga namaalam na, at maging ang buong mundo. Ito ay muling minantyahan ang pangalan ng Pilipinas, ngunit, gayun pa man, sa kabila ng naganap, hindi na natin maibabalik ang mga bagay na nawala na, hindi na natin mababawi ang mga buhay na naipagkait sa loob lamang ng sampung oras. Hindi lamang dito sa Pilipinas nagaganap ang mga ganitong pangyayari, maging sa ibang bansa, ang iba ay mas masasaklap pa. Ngunit hindi yun ang nagiging daan ng pagka-wasak ng kanilang pangalan.

Alam ko na masyado tayong maliligayang mga Pilipino, pero sana sa mga bagay na hindi na katatawanan ay matuto tayong sumiryoso, hindi pasyalan ang BUS na naging biyahe sa kawalan ng ating mga kapwa tao para magpa-picture taking pa… masyado na tayong napahiya sa ibang bansa maging sa ating mga sarili, kaya sana huwag na nating kareer-in pa.





Pilipino ako, SIKAT AKO sa buong mundo, pero sana HUWAG SA PARAAN NA GANITO... :|




Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Thursday, July 15, 2010

Brown-out

Sa tuwing may kuryente, may ROUTINE, o ang paulit-ulit na ginagawa.
Katulad ng mga sumusunod:

-Panunuod ng TV.
-Pagpasok sa eskuwelahan.
-Paghihilamos.
-Paliligo.
-Pagtoo-tooth brush.
-Pagluluto ng pagkaen.
-Paglalaba.
-Paggamit ng Electric fan.
-Pag-Co-computer / internet.
-Pagtetext / pag-chacharge.
-Pagbili ng Ice candy.
-Pag-inom ng malamig na tubig.


At sa isang araw, labing dalawang oras at tatlung pu’t isang minuto na walang kuryente, nag-iiba ang mga dating gawain o ROUTINE, napapalitan ng mga sumusunod:

-Pag-labas ng bahay para makibalita kung kailan magkaka-kuryente.
-Paminsan-minsang pagtetext para magtanong kung anung lugar na ang may kuryente.
-Paggamit ng landline upang malaman kung may pasok ngayon o kinabukasan.
-Pagtitipid ng battery ng cell phone, pati na ng kandila, at tubig.
-Pag-iigib ng tubig, o pag-uutos at pagbabayad sa puwedeng mag-igib.
-Pagkukuwentuhan pag naiinip na, kasama na dito ang pagbabalik ng nakaraan, sumbatan, asaran, pikunan, galitan, kantahan at iba’t-iba pang mga kalokohan.
-Pagsusulat gamit ang yellow pad at ball pen para may mai-blog pag nagka-kuryente na.
-at ang hindi mawawala sa listahan, at di malilimutan ng sinuman… ang pagbili, paghahanda at ang ubusan ng mga kandila, posporo, at liter sa mga tindahan.


Sa kawalan ng kuryente, nang dahil sa pagkakabagsak ng poste noong isang gabi na nagkaroon ng bagyo, ikinumpara ko ang buhay tuwing may ilaw at tuwing brown-out. Napansin ko na hindi lang pala ang kuryente ang nakaka-miss, ngunit pati na ang tubig, ang pag-iingay ng motor tuwing may katagalan nang naka-bukas ang gripo, at ang kalayaan ng tubig sa gripo na tumulo, punuin ang mga timba, at bigyang kaligayahan ang mga naliligo. Pero, sa pagkawala ng kuryente pansamantala, nakita ko ang kahalagahan ng tubig kahit pa amoy kalawang na ito nang dahil sa kalumaan ng motor, at gayun din ang halaga ng kandila sa tuwing sasapit ang kadiliman.
~Sa puntong ito, madami akong na-realize:

-Sa sampung problema pala ng tao, dalawa lamang ang dapat na problemahin, at yung isang problema ay disenyo lamang para may kasama yung isa.
-sa pagkakataon na kaya “mong” tumulong, tutulong “ka” sa iba, pero di “mo” napapansin o sadyang wala ka lang talagang pakialam na yung kasama “mo” sa bahay ay nangangailangan din ng tulong “mo”.
-Mahirap gumawa ng WALA, pero sa WALA, makakagawa tayo ng MERON.
-Madalas, kung ano lang ang pagkakaintindi ng tao, yun lang ang pinaniniwalaan nito, kahit pa malayo sa kung ano ang totoo.
-Puwedeng isara ang mga mata pag ayaw ang nakikita, pero hindi puwedeng isara ang puso pag ayaw ang nadarama.
-May mga taong sadyang mababa ang LOGICA, porket di nila nauunawaan para sa kanila ay wala nang kabuluhan.
-Sabi nga ng isang kaibigan na namaalam na, “Minsan mas maganda pang maging usapan ang mga mabababaw, dahil ang kababawan ay mas madaling maintindihan kaysa sa kalaliman.” -MSM


Yun na lamang ang mga naiisip at naisip ko sa pagkawalan ng kuryente... habang mainit ang sikat ng araw, habang patuloy na bumabalik sa aking ala-ala ang kandila kagabi na natutunaw, ang isang kandilang nagbibigay liwanag sa isang tahanan, habang kasaganaan ng walang ilaw (brown-out).

Hanggang sa... magbalik ang pinaka-hihintay na liwanag.
Sa wakas, MAY KURYENTE NA!



Liban sa post na ito, ito pa ang iba kong naisulat dati pa tungkol sa Dilim at Liwanag,
kung gusto niyong basahin, ito siya:
TURN OFF the lights


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Thursday, March 25, 2010

POORLY RICH

Isa ka bang mayaman?

o mahirap?

kung hindi ka mayaman, pinapangarap mo bang maging isang mayaman?



Maraming pinanggagalingan ang kayamanan, usapang pera ito uh’ Maaaring naging mayaman ang isang tao dahil sa:

1.) MANA - nagsikap ang mga magulang kaya nakaranas ng magandang buhay ang mga anak. Maaari din na naging tauhan ng isang mayaman at nabaitan ang boss kaya pinamanahan ng kayamanan.

2.) KAPALARAN -nakapag-asawa ng mayaman, o inampon ng mayamang pamilya kaya naging isa ding mayaman. Bukod dito, maaaring nanalo sa lotto ng billion-billiong pera kaya yumaman.

3.) PAGSISIKAP -ang kapalaran at ang pagsisikap ay maaaring maging isa, na maaaring maging resulta din ng pagyaman. Ito ay sa ganitong paraan: kahit anung maging pagsisikap kung hindi ito ang nakalaan hindi ito ang magaganap. “kung hindi uukol, hindi bubukol!” Ngunit, kung ang kapalaran at ang pagsisikap ay titingnan natin bilang dalawang salita, ito ay magkaiba... Magkaibang-magkaiba.

Ito ang kaibahan ng KAPALARAN sa PAGSISIKAP o ang PAGSISIKAP sa KAPALARAN:

*Ang KAPALARAN bilang isang(1) salita ay pagbabaka-sakali at pagbuka lamang ng bibig o ang tinatawag na pag nga-nga habang naghihintay ng himala at biyaya mula sa langit at mula sa swerte galing sa lotto at iba pang klaseng sugal.

*Habang ang PAGSISIKAP naman bilang isang(1) salita ay walang kasiguraduhan sa maaaring maging resulta sa paggawa ng MERON, sa pag piga ng dugo at pawis, ngunit pinili pa rin ang paggawa ng meron at makaranas ng napaka dami at katakut-takot na pagod at pagsasakripisyo para may marating sa buhay, para may maiambag sa lipunan galing sa pinaghirapan, umangat man at maging mayaman o manatiling SAKTO lamang ang uri ng pamumuhay.


”Sana wala na lang mayaman at mahirap…”

Naisip mo na ba yon? kung hindi naman, siguro naisip mo na na sana naging mayaman ka na lang. Ang saya siguro noh? YUN ang naiisip mo... Na masaya siguro kung mayaman tayong lahat. Kanya-kanya ng magarang kotse, hotel, napaka daming pagkaen araw-araw… Pero ito ba naisip mo na?... Paano kung naging mayaman nga tayong lahat at nasira ang pintuan ng ating bahay? Sino ang gagawa kung walang mga “tauhan” at lahat ay “amo”? Paano pag nagtatae ka, at sa kakatae mo nagbara ang inidoro, sinong gagawa? Hindi ko ma-imagine na ang isang “amo” ay nag-aayos ng sirang inidoro...

Isipin sana natin bago natin "lang-langin" o maliitin ang isang simpleng trabaho, kung gaano ka-importante ang mga simpleng tao na may simpleng uri ng trabaho na parte din ng pagkabuo ng ating mundo… Kung walang mga mahihirap na kumikita lamang ng pera dahil sa pagbabasura, nai-imagine ko ang ating mundo bilang isang malaking basurahan kung nagkataong wala nga sila.



Wala na akong space para sa pagsusulat, kaya bibigyan na kita ng space para makapag-isip...


Ito lang ang iiwanan kong tanung para sa'yo:






Gusto mo bang yumaman?


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Friday, March 5, 2010

RESPECT one another...

Noong first day ko sa OJT sa 90.7 Love radio, may pinag-uusapan kame ng mga co-OJT ko kasama ang isa sa mga DJ sa stasyon.

Hanggang lumabas ito sa mga bibig o bunganga ng bawat isa, pero bago ang lahat eto muna ang legend: Ang C.O. ay bilang "co. OJT" at ang DJ ay bilang "DJ" pa din...

C.O. : "kaming tatlong magbabarkada mga maldita kami eh' mahilig kaming magmaldita."
DJ: "Naku' kay maam ***** hindi puwede yan. Mas maldita sa inyo yun eh".
C.O. : "Eh maam siyempre sa may authority iba po kame... siyempre may respeto." (tumatawa)


Hindi ako umimik noong puntong iyon... Hindi tulad sa mga mas nauna nilang banat na dinugtungan ko din ng mga banat na cool pero corny, at walang laman. Dito, napaisip ako... napaisip na naman ako... "Dapat ba talagang mayroong kapangyarihan ang isang tao upang makamit nito ang kanyang karapatang pan-tao?... ang karapatang irespeto?" Yun ang naitanong ko sa sarili ko, at pag-uwi ko sa bahay nananatili parin ito na nasa guni-guni ko... Paano kung simpleng trabaho lamang ang kakayahan ng isang tao, na hindi lubos ginagamitan ng malalim na kaisipan?... Ito ba ay nangangahulugan na hindi din ganun kalalim ang karapatan niyang tingalain at irespeto?

Naiisip ko ito dahil sa obserbasyon ko buhat sa nakaraan, na pareho pa din hanggang sa kasalukuyan.

Bukod sa usaping naibahagi ko na... Isa pa ang mga sumusunod na pag-uusap na may kaugnayan din sa RESPETO, ang hindi ko din makakalimutan... Pero bago ang lahat, legend muna ulet... Para sa privacy matter, itago natin ang nakausap ko na taong involve sa pangngalang kembot, at ako na muna ngayon si... si... kendi, hirap mag-isip eh...

KEMBOT: "Para kang bata..."
KENDI: "bakit naman? hindi na ako bata noh..."
KEMBOT: "Kaya nga e, dalaga ka na. kaya dapat yung itsura mo dalaga na din."
KENDI: "Eh talaga namang pambata lang physical appearance ko eh... huwag ka na magalet..."
KEMBOT: "hindi ako galet... pinagsasabihan lang kita para respetuhin ka din ng mga taong hindi ka pa kilala..."
KENDI: "Eh, ba't ikaw nirerespeto mo ko?"
KEMBOT: "nirerespeto kita kase mabait ka' pero dapat ilagay mo sa lugar. hindi lahat ng tao katulad ko, hindi lahat ng tao katulad ni maam ****...."




Respeto...

Mapa-mataas man ang role sa lipunan o mapa-mababa man, lahat ng tao ay may karapatang respetuhin... Sapagkat, lahat ng tao ay nagsisimula sa ibaba hanggang tuluyang umunlad. Kaya kakitiran lamang ng pag-iisip ang humamak ng tao at pintasan ang kahinaan nito... Sino bang wala nito? WALA di ba??!!! Sa puntong ito, rerespetuhin lamang tayo kung matatanggap natin ang individuality ng ibang tao... at mamahalin natin ito sa pamamagitan ng pag respeto.


[,,God said, "Love one another", how? RESPECT! ü]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Monday, February 22, 2010

It's a small world

Paano mailalarawan ang mundo ng mga bata?

Pumunta kame nung isang araw (Feb. 20,2010/sat/ - to be exact) sa dati naming hang-out nung kame ay mga bata pa... San pa ba? Edi sa "story land", sinu ba namang bata ang hindi mahilig sa mga adventures katulad ng mga nakakalulang rides... Ang naiisip nila ay parang ang laki-laki ng paligid, ang laki-laki ng kanilang palaruan. Katulad na lang nung kame ay mga bata pa... Ngunit nung aming binalikan, ang dating mundo na inakala naming sobrang laki ay nagbago... lahat ng malaki sa aming paningin ay nagbago' parang ang laki ng niliit... Tinanong nga ng kapatid ko: "Bakit date parang ang laki nito, bakit ngayon parang ang liit na lahat?" ang nasabi ko na lang ay... "yan ang bata..." it's a small world.

Kung date bilang bata ay mahilig tayong magbahay-bahayan, ngunit habang tayo ay nagkaka-edad ay nagiging pangarap na natin na magpatayo ng sarili nating bahay, na magkaroon ng sariling buhay. Kung date ay tayo ang tinutulungang mahubog, ngunit darating ang panahon na tayo naman ang tutulong sa paghubog upang magkaroon ng panibagong ganap na tao. Lahat tayo ay nabuhay upang may gawin sa ating lipunan, upang may mabago sa ating mundo sa wastong pamamaraan... Hindi tayo maaaring magkulong na lamang sa anino ng kamusmusan.

bata... bata... bata...

Ang bata ay ang simbolo ng pagpapakumbaba... Minsan ko ngang narinig na nararapat nating tularan ang isang bata, ang kanyang ugali, ngunit hindi ang kanyang pagiging isip bata. ISIP BATA nga siguro kung maituturing ang isang musmos ngunit lingid lamang sa ating kaalaman na maaaring nasa kanila ang kasagutan, maaaring nasa kanila ang susi tungo sa maunlad na pamumuhay.

Marahil, maraming alam ang mga matatanda na hindi pa alam ng mga maituturing na mga musmos pa lamang, ngunit may mga nalalaman din ang mga musmos na hindi nalalaman ng mga nakatatanda... Sa puntong ito, lahat tayo ay masasabing BATA.

Familiar ka ba sa kantang ito?

"Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangngalan at karapatan, tumatanda ngunit bata pa din ang bawat tao sa ating mundo........."

Lahat ng tao ay naranasan o mararanasang maging isang bata... Lahat man ng tao ay tumatanda sa edad, ngunit lahat tayo ay masasabing isang bata pa rin, tayo ay nananatiling bata... sapagkat walang tao ang may kakayahang tumayo sa sariling mga paa na walang paggabay at pagmamahal ng maykapal. Yun ang tunay na qualifikasyon ng isang bata.



[It's a small world... AFTER ALL' ü]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Sunday, February 21, 2010

Sino ka…kaibigan?

Kaibigan… kaibigan… kaibigan…

Pagusapan natin siya’ Ano ba ang kaibigan?
Kumbaga sa anino, ipakilala natin ito… tara’ ü

Naaalala ko nung “grade 4” pa lang ako, may teacher na nagsabi sa amin nito, ”walang totoong kaibigan, ang kaibigan nandyan lang kapag may pera ka pero pag wala kang pera wala silang lahat”… Siguro, yun ang kanyang naging sariling pananaw dahil sa kanyang sariling mga naging karanasan… Naikuwento niya kase sa amin dati na laki siya sa hirap, tuwing nakain ang mga kaklase niya, siya naman ay nag-iisa lamang at walang pagkaen. Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan ay ni isa ay wala man lang lumapit sa kanya upang alukin siya ng makakaen, kaya ang ending ay umuuwi na lamang siya kaysa daw nag-iisa lamang siya at nagmumukhang tanga.
Yun marahil ang bumuo ng kanyang pananaw kung ano ang ibig sabihin ng salitang “kaibigan”…

Bukod sa kanya, may mga natanong din akong mga kakilala kung ano ang kanilang sariling pananaw o adhikain sa kahulugan ng “kaibigan”… Marami sa kanila ang nagsabi na ang kaibigan ay yung taong tanggap ka kung sino at ano ka man. Yung taong kilala ka at alam ang mga kahinaan mo pero sa kabila nito, tinuturing ka paring isang “kaibigan”.

Ano nga ba ang “kaibigan”?

Lahat ng tao ay maaaring tanggapin bilang isang “kaibigan” (to make it general). Ngunit, may dalawang klase ng kaibigan… kaibigang PUTIK at yung TUNAY na kaibigan… Simulan natin sa kaibigang PUTIK, ito ang tawag sa taong mapagpanggap at parang linta… Mapagpanggap na tinitira ka kapag nakatalikod ka matapos mong alagaan, dikit ng dikit sa’yo para may makuhang pansariling benepisyo, kasama mo hindi dahil gusto kang kasama pero dahil may kailangan sa’yo o kailangan ka. Ito din ang uri ng kaibigang maaari kang mapahamak kung hindi ganoon katindi ang paninindigan mo sa pinaniniwalaan mong tama. Mga taong maaaring lasunin ang pag-iisip mo at malinaw mong pananampalataya hanggang tuluyan ka nang mapariwala.

TUNAY na kaibigan naman ang kasalungat nito, ito ang mga taong ilalabas ang mabuting parte ng sarili mong katauhan, gugugol ng panahon para hindi ka masayang, magbabalik sa tamang landas pag ikaw ay naligaw, mga taong maga-abono para sa iyong pamasahe pag nai-hulog mo ang piso, mga taong hindi lamang natingin sa kalakasan mo upang makahanap ng dahilan upang ikaw ay tanggapin… Mga taong kabisado ang kahinaan mo ngunit mahal na mahal ka parin… Ito rin ang mga tao na kadalasan ay mahirap mahanap, sapagkat ilan lamang sila… ILAN LAMANG SILA, yung tipong halos wala na…

Ang mga tao ay parang mga damit… madami… pero ilan lamang ang magfi-fit sa’yo, at higit sa lahat, ilan lamang ang hindi kukupas at maituturing mong tunay na kaibigan hanggang sa huli…


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Saturday, February 20, 2010

Gimik

Pag naririnig ko ang salitang “GIMIK” ang pumapasok sa isip ko ay “bisyo”, pagpunta sa bar, inuman, yosihan, sayawan, kantahan… kadalasang ginagawa ng mga kung tawagin ay ”party people” pero bukod don, pag naririnig ko ang salitang GIMIK ang naiisip ko ay ”Gawain ng mga mayayaman”…

Baket?

Dahil ang pagpunta sa bar lalo na yung mga sosyaling bar diyan sa tabi-tabi ay entrance pa lang kabutas-butas na ng bulsa, siyempre kapag pasok mo ng bar, kailangan mo pang bumili ng inumin at pampulutan. Magkano isang San Miguel LIGHT?? Sa karaniwang tindahan 19 pesos lang yun, sa isang bar sa malate 60 pesos, at sa isang sosyaling bar na nasagap ko 150 pesos per bottle… ewan ko lang kung may mas sososyal pa don uh’ oh di ba, ang yayaman?

Para saan ba ang gimik at paano nababago nito ang buhay ng isang tao?

Siyempre may dahilan ang mga gimikero at gimikera kung bakit nila ginagawa ito. Kung bakit nila kailangang magkekembot sa bar habang kinakalog ang kanilang mga pwet, kung bakit kailangang uminom ng todo-todo hanggang hindi na maigalaw ng deretso ang mga paa, at hanggang bumuga na ng suka at tuluyan nang humilata… Kumbaga sa sport na boxing, knock-out.
Parang pangungulangot lang yan, hindi tayo nangungulangot na walang kadahilanan. Laging meron, meron at meron tayong dahilan. Hindi naman masama ang gawain na yan, hindi masamang gumimik paminsan-minsan lalo na kung napaka stressful ng araw, dahil ang pag-gimik ay isang paraan upang mapababa ang sikat ng araw… ito ay nagbibigay ng konting pahinga at pansamantalang kaligayahan.

Ngunit, lahat ng SOBRA ay nakakasama… Sa sobrang paghahangad natin na magkaroon ng mas madaming night outs nakakalimot na tayo na hindi lang kung saan-saan napupulot ang pera.

Isipin natin ito:

-Sa isang araw na may kumakatok sa bintana ng inyong sasakyan, humihingi ng piso pero inyong pinagsarhan, mamaya namang gabi ay libu-libong pera ang malulustay lamang para lang sa sinasabing “social life”. Reklamo tayo ng reklamo sa kulang na aksyon ng ating Gobyerno na hindi tayo makaunlad lahat lalung-lalo na ang mga nasa lower class, pero madami namang tao na maliban sa SM at Ayala ay mga GIMIKAN ang pinapaunlad… ang walang tigil na pinapayaman.

Ang piso ay maliit na pera lamang, pero ito ay mahalaga. Sa dami ng “piso” na nasasayang sa mga gimikan, kung atin itong makikita at muling mahahawakan, maaari na itong bumago ng libu-libong buhay… Uulitin kong muli ang naging pahayag ko sa POLITICAL ENGAGEMENT, na ang pagbabago ay nagmumula sa ating sarili, hindi lamang naka-base sa ating Gobyerno. Gayun pa man, ang kaunlaran ay ating maaabot sa tamang paggamit natin ng piso… OO… mga piso na kung ating pagsasama-samahin ay maaaring bumago sa buhay ng sankatauhan.

[,, hindi masamang mag-enjoy, ngunit lahat ng SOBRA ay nakakasama…]


Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008