Sa tuwing may kuryente, may ROUTINE, o ang paulit-ulit na ginagawa.
Katulad ng mga sumusunod:
-Panunuod ng TV.
-Pagpasok sa eskuwelahan.
-Paghihilamos.
-Paliligo.
-Pagtoo-tooth brush.
-Pagluluto ng pagkaen.
-Paglalaba.
-Paggamit ng Electric fan.
-Pag-Co-computer / internet.
-Pagtetext / pag-chacharge.
-Pagbili ng Ice candy.
-Pag-inom ng malamig na tubig.
At sa isang araw, labing dalawang oras at tatlung pu’t isang minuto na walang kuryente, nag-iiba ang mga dating gawain o ROUTINE, napapalitan ng mga sumusunod:
-Pag-labas ng bahay para makibalita kung kailan magkaka-kuryente.
-Paminsan-minsang pagtetext para magtanong kung anung lugar na ang may kuryente.
-Paggamit ng landline upang malaman kung may pasok ngayon o kinabukasan.
-Pagtitipid ng battery ng cell phone, pati na ng kandila, at tubig.
-Pag-iigib ng tubig, o pag-uutos at pagbabayad sa puwedeng mag-igib.
-Pagkukuwentuhan pag naiinip na, kasama na dito ang pagbabalik ng nakaraan, sumbatan, asaran, pikunan, galitan, kantahan at iba’t-iba pang mga kalokohan.
-Pagsusulat gamit ang yellow pad at ball pen para may mai-blog pag nagka-kuryente na.
-at ang hindi mawawala sa listahan, at di malilimutan ng sinuman… ang pagbili, paghahanda at ang ubusan ng mga kandila, posporo, at liter sa mga tindahan.
Sa kawalan ng kuryente, nang dahil sa pagkakabagsak ng poste noong isang gabi na nagkaroon ng bagyo, ikinumpara ko ang buhay tuwing may ilaw at tuwing brown-out. Napansin ko na hindi lang pala ang kuryente ang nakaka-miss, ngunit pati na ang tubig, ang pag-iingay ng motor tuwing may katagalan nang naka-bukas ang gripo, at ang kalayaan ng tubig sa gripo na tumulo, punuin ang mga timba, at bigyang kaligayahan ang mga naliligo. Pero, sa pagkawala ng kuryente pansamantala, nakita ko ang kahalagahan ng tubig kahit pa amoy kalawang na ito nang dahil sa kalumaan ng motor, at gayun din ang halaga ng kandila sa tuwing sasapit ang kadiliman.
~Sa puntong ito, madami akong na-realize:
-Sa sampung problema pala ng tao, dalawa lamang ang dapat na problemahin, at yung isang problema ay disenyo lamang para may kasama yung isa.
-sa pagkakataon na kaya “mong” tumulong, tutulong “ka” sa iba, pero di “mo” napapansin o sadyang wala ka lang talagang pakialam na yung kasama “mo” sa bahay ay nangangailangan din ng tulong “mo”.
-Mahirap gumawa ng WALA, pero sa WALA, makakagawa tayo ng MERON.
-Madalas, kung ano lang ang pagkakaintindi ng tao, yun lang ang pinaniniwalaan nito, kahit pa malayo sa kung ano ang totoo.
-Puwedeng isara ang mga mata pag ayaw ang nakikita, pero hindi puwedeng isara ang puso pag ayaw ang nadarama.
-May mga taong sadyang mababa ang LOGICA, porket di nila nauunawaan para sa kanila ay wala nang kabuluhan.
-Sabi nga ng isang kaibigan na namaalam na, “Minsan mas maganda pang maging usapan ang mga mabababaw, dahil ang kababawan ay mas madaling maintindihan kaysa sa kalaliman.” -MSM
Yun na lamang ang mga naiisip at naisip ko sa pagkawalan ng kuryente... habang mainit ang sikat ng araw, habang patuloy na bumabalik sa aking ala-ala ang kandila kagabi na natutunaw, ang isang kandilang nagbibigay liwanag sa isang tahanan, habang kasaganaan ng walang ilaw (brown-out).
Hanggang sa... magbalik ang pinaka-hihintay na liwanag.
Sa wakas, MAY KURYENTE NA!
Liban sa post na ito, ito pa ang iba kong naisulat dati pa tungkol sa Dilim at Liwanag,
kung gusto niyong basahin, ito siya:
TURN OFF the lights
No comments:
Post a Comment