REMEMBER ME THIS WAY


Monday, September 5, 2011

UNCERTAINTY ♥


May tanong ako para sayo, mambabasa...

"Nagmahal ka na ba?"


Malamang sa malamang ang isasagot mo ay "oo", sino nga ba naman ang di pa nagmamahal, di ba? pero ang tinutukoy kong klase ng pagmamahal ay hindi pagmamahal sa pamilya, sa kaibigan, sa mga hayop, mga halaman, o ang pagtaas ng mga bilihin kundi ang pagmamahal na nanggagaling sa kaibuturan ng puso at kaluluwa, na dapat at karapatdapat lamang na ipaglaban.

Nagmahal ka na. Sigurado yun dahil wala pang nilalang dito sa mundo ang hindi pa nagmamahal... Kung presyo ang paguusapan, maging ang mga fishball ay nagmahal na. Kung sa katulad ng paksang ito na PAG-IBIG, hindi maikakaila na maski mga hayop ay marunong magmahal. Ngunit ikaw, oo IKAW NA TAO paano ka magmahal hindi bilang mga fishball na binabayaran, hindi lang bilang mga hayop na inaanakan lang o kaya'y sinisipingan at pagtapos ay wala nang pakialamanan. kundi bilang ikaw na tao... oo... tao! dahil TAO KA, at bilang tao ay nagmamahal ka, at ang pagmamahal na yun ay may kaakibat na RESPONSIBILIDAD at PANININDIGAN. Ang responsibilidad at paninindigan na ito ay hindi lamang sa mga taong nakabuntis o nabuntis kundi sa mga tao na minsan ay nagmahal ng totoo.


Wala namang matinong babae o matinong lalake na naghahanap ng ganito:

~Isang tao na nakikinig at sumusunod sa payo ng nakaggawa ng wasak na pamilya at kung sinu-sino na nasipingan kahit sa mata ng Diyos ay kasalanan...

~Isang tao na masyado nagpapaapekto sa mga walang kuwentang salita mula sa ni hindi marunong manalamin bago pumuna ng mga nakaraan at pagkukulang ng iba...

~Isang tao na babaligtarin ang katotohanan para lang makalusot pag di ka na kayang ipaglaban, para lang malinis ang pangalan... para lang sa sariling kapakanan.

Dahil hindi kailangan ng sinuman ang tao na kayang mangako ng langit... kundi ng tao na kayang humawak ng sapat at kayang panindigan ang paglaban sa lupa at sabay na pag-abot sa langit.


,,mahirap at napaka hirap mahanap ang nag-iisang tao na nakalaan para damayan ka sa lungkot at ligaya ng buhay mo, kung kanino mo maaaring ibahagi ang tamis ng tagumpay, maging ang pait ng kabiguan... ang isang tao na nakalaan na kailanman di ka pipiliing bitiwan at ipagpalit sa mga payong wala namang katuturan. Ngunit may mas mahirap pala... ung tipong NAHANAP MO NA, PINAKAWALAN MO PA.












Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008