REMEMBER ME THIS WAY


Sunday, September 21, 2014

BAHA! BAHA! BAHA!


Simulan mo na basahin ang post na walang nakakaintindi...
tara sulong na tayo sa BAHA. :)


Ilan sa mga natunghayan kong pag-uusap sa opisina:

“Ang lakas naman ng ulan. Konti lang tuloy tayong nakapasok.”

“Napaka trapik nga ee”

“Buti nga sa inyo trapik lang eh. Samen baha na.”

“ Gusto ko na umuwi!”

“Buti pa yung mga kapatid ko walang pasok. Sabi ko nga sa kanila sana mag suspend din saten e.”


---------------------- at biglang may kumakaripas ng takbo.

“Teka lang, teka lang!! uuwe na ako. Puwede bang umuwi na???”

“Oh bakeet?”

“Eh kase 18 feet na daw ang water level samen sa M*r***n*. Pag ka ganun ibig sabihin malapit na magbaha samen”



Para sa mga Pilipino, para sa mga ibang lahi na marunong mag tagalog o nakakaintindi ng tagalog,
Para sa mga nakapagasawa ng Pilipino o Pilipina na marunong magtagalog (Kung may lahing Pinoy / Pinay, dapat lang), para sa mga kabit….kabit ng tali, kabit ng tela, kabit ng bahay o anung klaseng kabit…. Para sa inyo ito.


September 19, 2014 (Friday)

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas sa petsang nabanggit ko kung kailan madami nanaman ang na-stranded sa mga kalsada, o na-trap sa loob ng bahay na nakapaloob sa globo at Bansang Pilipinas (Republic of the Philippines).

Kailan lang ang dalawang araw na lumipas. Para sa iba saten, parang ordinaryo lang ang araw at petsa na nabanggit.  Ang pagkakaiba nga lang, sobrang lakas ng ulan at ma-traffic. Pero para sa iba, ito ang isa sa mga pinaka masasaklap na nangyare sa buhay nila habang ilan sa kanila ay nakikitang inaanod ng baha ang mga mahal nila sa buhay, wala silang maggawa.

Sana ang panonood nila ay para lang din nasa sinehan… o katulad ng panonood ko ng “She’s dating the gangster” sa maliit na room sa office namen pagtapos ng shift ko noong mismong kasagsagan ng bagyong Mario sa Pilipinas nating Mahal...na kung halimbawa mang matapos na ang pelikula at paglabas mo ng pintuan, pawiin mo lang ang luha mo dulot ng matinding emosyon galing sa napanood mo. Simple. Di hamak na mas simple.

Pero…… kung ang panonoorin mo ay ang trahedya dulot ng BAHA na dala ng malakas na pag-ulan at sa mala-pelikulang tagpo ay kasamang nawawasak ang mga pinaghirapan mong ipundar… at ang mas malala pa ay hindi lang materyal na bagay ang nawawala sayo kundi kasama na din ang mga mahal mo sa buhay na tinatangay at unti-unting kinikitil ang buhay ng malakas na pag-agos ng BAHA…. Tila ang mga luha sa mga mata mo ay habambuhay nang aagos.

Masaklap.

Pero alam mo ba ang mas masaklap para sa mga taong nakaranas na nito?
Ang harapin ang katotohanan na tumila man ang ulan, matuyo man sa wakas ang luha sa kanilang mga mata, at humupa man ang BAHA… ang mga buhay na nawala ay hindi na muling maibabalik.

Ano ang BAHA para sayo?

Nagalit ka din ba kay Mario, Luis, pati kay Glenda?

Nakasapak ka na ba ng mga ka-pangalan nila?

Ilang beses ka na nagreklamo sa pagsapit nito?

Sa paanong paraan niya naapektuhan ang buhay mo
at maging ang buhay ng mga kakilala mo?

Ilang materyal na bagay na ang ninakaw niya sayo?

O maging panahon kung kailan maaari mo pa sanang makasama ang mga taong mahal mo?

O di kaya , ang pag-asa sa katauhan mo na bigla na lamang niya tinangay kasama ng mga pangarap mo?

Nakakainis ang BAHA noh? Nakakainis tuwing sasapit ang malakas na ulan! Kailangan mo pang maghanda ng napaka daming timba dahil baka tumulo sa bubong, pati mga basahan. Nakakainis. Nakakapagod.

Pero…. Kung ang BAHA na may scientific explanation ay di pa din katanggap-tanggap para sa atin. Sa totoo lang, maski yata kailan ay wala pa ako narinig na nagsabing: “May darating daw na malakas na ulan at baBAHAin tayo. Excited na ako.” dahil sa sobrang saklap na dala nito sa buhay ng ilan saten…. Sa buhay naten. Hindi siya kahit kailan magiging welcome.

Hmmmm…. Sa tingin mo kung yun ay masaklap at ayaw natin danasin ang kanyang bagsik, ano pa kaya ang mga taong ipinanganak na may puso, damdamin, at kaluluwa gaya naten? EXPECTEDLY, gaya natin… worse, pinapasok naten sila sa buhay naten at niyakap pa ng mahigpit, inalagaan, pinakain, pinatulog sa kuwarto bago maging isang ganap na BAHA na lulunod lang satin.

Hindi mo lang alam. Baka naging isa ka na ding BAHA.

Bago mangyari ang lahat nang yun... di ko maalis sa alaala ko ang isang jeep sa kasagsagan ng ulan sa ibang mas naunang araw.

Malakas din ang ulan noon
Buti nalang may payong akong dala.
Sumakay ako ng jeep nung nasa Zapote na ako.

Oh anu pa tinatanong mo? kung saan ako pupunta noon? Hmmm….
Pauwi ako sa bahay namin. Jan lang.. malapit lang.

MALAKAS ANG ULAN. MALAKAS TALAGA.

Kahit sinong maulanan ay mababasa talaga kahit pa may payong kang dala. Kung hindi ka malusog, magkakasakit ka.

Bago ako sumakay ng jeep. May bata na nakasakay na. Lalake.
Nagbebenta siya ng Sampaguita. Kahit nga ako iniwasan ko siya.
Madumi siya. Mabaho. Basa. Kawawa.

Yung driver ng jeepney nahagip ng diwa ko habang sumisigaw.

“BUMABA KA NA!! BABA!”

Tapos noong malapit na mapuno yung jeep at andun pa din ang bidang bata sa kuwento ko… nasa likod pa siya ng driver. Sumigaw ulet ang driver.
“BUMABA KA NA SABI EH! PABABAIN MO NGA YAN (sabi niya sa nagtatawag ng pasahero. Hindi saken.) SAYANG YUNG PAMASAHE EH!”

Pagkatapos nun, bigla niya kami kinausap.

“OII BILIHAN NIYO NA YAN OH! PARANG AWA NYO NA!”

Parang sarcastic ang tono ng boses niya. Napaisip nga ako kung talagang naawa na din ba siya sa bata o nangaasar lang siya!!?

Ako? Ako iniwasan ko yung bata. Hindi naman ako masama sa pagkakaalam ko pero iniwasan ko siya imbes na binigay ko na lang sa kanya yung pagkain kong tira. May naggawa man ako para sa kanya (kung anuman yun sakin nalang) pero iniwasan ko pa din siya. Kasalanan ko ba na ganun ang naramdaman ko? Na ayoko man siya bumaba dahil malakas nga ang ulan pero ayoko din siya makatabi.

Yung driver ng jeep? Sinabihan niya kami na bumili ng Sampaguita sa bata. Pinapababa niya man yung bata pero may ginawa din siya para sa kaawa-awang paslit di ba?! Sarcastic nga lang ang dating. Masama ba siya dahil sa halatang pagtataboy niya sa bata? Kasalanan ba niya kung gusto niyang kumita dahil may sarili din siyang buhay, pamilya. At isa pa, jeep niya naman yun. Masama ba siya?

Minsan nakakapagsabi o nakakagawa tayo ng hindi masyadong kaaya-aya para sa pandinig o mata ng karamihan pero hindi para manakit ng sinuman...at minsan, kahit tayo ay siyang tumatanggap ng mala-kutsilyong salita at gawa. marahil para lalo tayong patatagin sa mga haharapin pa lamang na hamon sa buhay. Kung nagkakamali man ako, Diyos na lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan. Mahirap ang proseso. pero gaya ng sabi ni Kelly Clarkson habang hawak-hawak ang mikropono "What doesn't kill you makes you stronger." and indeed.

Ano ang dala ng BAHA sayo? Nahikayat ka ba nitong lumaban at magsimulang muli?
o sumuko at magpakalunod na lamang sa dala nitong trahedya?

Minsan wala namn may kasalanan eh. Kung talagang tinatangay na tayo ng BAHA, kahit gusto man natin lumaban ay wala rin tayong maggawa. Pero hangga't kayang lumaban at lumangoy kahit pa gaano kadumi ang tubig.... sa tingin ko dapat nating gawin. Maski gaano man kahirap. Lahat man tayo ay may wakas dito sa mundo pero masarap magwakas ng lumalaban.

Di ko din masasagot kung mabait o hindi si Manong Driver kase di ko naman siya kilala. Di ko kayang pasukin at basahin ang lalim ng diwa at damdamin niya. Hindi ko kayang abutin at hiramin ang kapangyarihan ng Lumikha upang malaman ko kung anuman ang tunay niyang dahilan sa pagbibigay niya ng buhay sa mga katulad ni Manong Driver. Kung masama man siya o hindi, ewan ko. Diyos na ang nakakaalam.

Sa loob ng jeepney, panay ako sa pagtingin sa mga pasahero na naroon noon. Nag-o-observe. Tinitingnan ko kung may bababa kaya para ihatid yung bata sa kanila, o para bumili ng pagkain at pakainin siya. At sa hindi masyadong kagulat-gulat na kaganapan, WALA. Wala maski isa ang bumaba. Maski ako.

Hindi kasalanan nung bata kung yun ang sitwasyon niya. Posibleng pati mga magulang niya ay wala din maggawa para mabago yung istado ng buhay nila. Marahil hindi nga nila kasalanan. At marahil, hindi rin natin kasalanan.
Pero di naman pwedeng lahat tayo ay NGA-NGA na lang. 

NANANAWAGAN PO AKO SA LAHAT NG KASAPI NG PAMAHALAAN, BAHAY-AMPUNAN, CHARITY, AT MGA TAONG MAY MALILINIS NA PUSO AT MAPUPUTING BUDHI.
Hindi po ako magpapa-ampon. Pero nagbabakasakali lang po ako na may maggawa po kayo para sa sitwasyon ng mga batang kagaya ng bida sa kuwento ko. Dahil kung ako lang po, wala ako magagawa kundi mag-type at i-post ang blog na ito pag tapos ko na. Marahil, ito ang role ko sa pagkakataong ito.

Bumalik tayo sa usapang Kasalanan.

Kasalanan din ba ng bagyo, ng ulan, ng BAHA, kung anu ang naggawa nilang pinsala sa ilan sa atin?
Aba… hindi man ako attorney ng mga sinasabing SALOT sa kalikasan pero sa tingin ko ginawa lang din nila kung anu ang opportunity na ibinigay sa kanila ni Inang. As in Inang kalikasan… ginawa nila kung anuman ang kaya nilang gawin.

maging sina Glenda, Luis, at Mario…. Hindi sila ang nagbigay ng pangalan sa sarili nila sa likod ng kanilang kabagsikan.
Isa lamang silang bagyo. At sino ang nagpangalan sa kanila? TAYO.

Katulad ng mga nilalang na may puso at kaluluwa, ginampanan lang din nila ang pagkakataon na meron sila. Nagampanan nila, di ba!? Nagalit tayo sa kanila... ang iba natutong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay, may iba din namang tuluyan nang isinuko si PAG-ASA (As in: HOPE) at nagpakasadlak lalo sa kinahantungan nila.

Hindi alintana na posibleng maging ako..kami.. ay nagsilbing BAHA sa buhay ng batang yun...

BAHA na lalong pumuno sa puso niya ng pangamba na wala na yata talagang taong maaasahan at makakapagpalayo sa kanya sa istado ng buhay na dinatnan niya ngayon...

ngunit kung anuman ang magiging siya balang-araw, yun ang mas mahalaga.

Makakayanan nga kaya niya mag-isa?

Habang may mga taong binaBAHA ng napaka duming tubig galing sa tubig-ulan,
Habang may mga taong binaBAHA ng “kamalasan”, problema, pangamba, at kalungkutan….
May mga tao din naman na kasalukuyang binaBAHA ng kasaganaan… katanyagan, kayamanan sa financial, kaligayahan, pagmamahal sa araw-araw. Sa kabila ng lahat ng ito, madalas na natin nabibigyan ng atensyon kung anung klaseng BAHA ang madalas nating natatanggap...

Kaya sa pagkakataong ito,
ito ang pangwakas na tanong ko sayo mambabasa:



Anong klasing BAHA ang nanggagaling sayo?



Taken at: Christ Commission Fellowship (CCF)



Share/Bookmark


NOTE: For comments, do not use 'add a comment' via facebook. It wouldn't be received by the blogger. Use default instead by clicking 'x comments' and/or 'Post a comment' below:


No comments:

Post a Comment

Blog Archive

All Rights Reserved!
 
It is the PRINCIPLES that mold the REALITY...
Copyright (c) 2008